Chapter 21

810 24 0
                                    

Jivrielle's POV

"Malapit na po ba?" Tanong ko sa driver ng sinasakyan kong taxi. Mag-iisang oras na kase ay wala pa rin kami sa mall. Ang sabi ko sa kanya, dalhin nya ako sa pinaka malapit na mall, pero ang layo! Grabe naman si kuya Andy. Mukhang inilagay kami sa malayo sa kabihasnan.

"Malapit lapit na po." Sagot nya nang hindi man lang ako tinitingnan.

Kinapa ko ang bulsa ko para ihanda ang ibabayad ko sa kanya pero nanlaki ang mata ko nang wala akong makapa.

Ang walang hiyang Cole na yon! Wala nga pala syang binigay sa akin na kahit piso! Bwisit! Malamang sinadya nya pa akong habuin ng kutsilyo kanina para mawala sa isip ko! Argh! Ang lakas talaga mantrip! Siguradong sigurado, sumasakit na ang tyan non kakatawa ngayon! Bwisit. Paano na to ngayon?

Sakto pang huminto yung taxi sa tapat ng mall. Shit. "Andito na ho tayo." Nakangiting sabi nung driver.

Paano ngayon to? Sabihin ko nalang na may bibilhin ako at babalikan ko sya? Ay, mali! Wala nga pala akong pera, paano ako makakabili? At isa pa, baka isipin ni kuya, tatakbuhan ko lang sya. Nakakainis naman! Ni wala pa nga akong load! Paano ko matetext si Collin na kaylangan ko sya ngayon?

"Ma'am? Ayos lang ho kayo? Andito na ho tayo." Nag-aalalang tanong ng driver. Mas lalo akong nainis. Paano ko to ngayon maeexplain sa kanya? Shit naman kase, Jivril! Bat ang tanga tanga mo? Bat ngayon mo lang napansin na hindi ka pala binigyan ni Cole ng pera?

Eh kase nga diba, hinabol nya ko ng kutsilyo, kaya nakalimutan ko?! Hayst! Nababaliw na ko! Kasalanan to ni Cole eh!

"Ah... Kuya, balik po tayo. Dun ko nalang po babayaran. May nakalimutan ho ako eh. Pasensya na." Binigay ko sa kanya ang address ng bahay at dali dali nyang inikot ang sasakyan pabalik sa pinanggalingan namin.

"Pasensya na po talaga. Dodoblehin ko nalang po ang bayad." Hinging paumanhin ko.

"Ayos lang po." Nakangiti nitong tugon at saka tumango.

Bwisit na Cole yon. Mabuti nalang at hindi pa ako nakakapasok sa mall at nakapili ng regalo. Mapapahiya na naman ako, panigurado.

Halos isang oras ang binyahe namin pabalik. Nakakainis. So dalawang oras ang nasayang ko dahil sa lakas ng trip nya!

"Dito nalang po. Paki hintay nalang po ako." Sabi ko nang maihinto ang taxi sa tapat ng bahay.

"San ka galing? Bigla kang nawala?" Tanong ni Alex nang makapasok ako.

"Pinagtripan ako ni Cole." Nakasimangot kong sagot saka pabagsak na naupo sa sofa katabi ni Collin. Napansin kong kumakain sya kaya naman inagaw ko ang pagkaing hawak nya.

"Pinagtripan?" Tanong nya na hindi man lang pinansin ang pag agaw ko sa pizza nya.

"Pinapunta nya ba naman ako sa mall ng walang dalang kahit na piso! Mabuti nga at naka uwi pa ko." Sabay kagat ko sa pizza ko.

"Paano ka nakauwi?" Tanong naman ni Castro.

"Ay shit! Yung taxi pala, naghihintay sa labas." Patayo na sana ako para umakyat sa kwarto ni Cole at humingi ng pera nang pigilan ako ni Collin.

"Ako na." Nakangiti nyang sabi atsaka ginulo ang buhok ko at lumabas.

"Nga pala, umalis sina Avery at cole." Biglang sabi ni Alex. Napakunot ang noo ko.

"San pumunta?"

"Walang sinabi eh. Kanina pa yon. Mga... 30 minutes nung makaalis ka." Sabat naman ni Castro.

"Nakaka inis! Bakit hindi nyo tinanong? Baka mamaya, kung san nya na dinala si Cole." Nakasimangot kong sabi. Wala akong ni katiting na tiwala kay Avery. Naku, panigurado, nilalandi nya na si Cole ngayon.

"Tinanong ko naman kung san sila pupunta eh. Sabi ko pa nga ako na ang magdadrive para sa kanila, dahil driver ako dito. Sabi ni Avery kaya nya naman daw mag drive." Paliwanag ni Castro. Lalong uminit ang dugo ko. Aba, gusto nya pa yatang solohin si Cole!

"Tss." Padabog kong ipinadyak ang paa ko.

"Problema mo?" Natatawang sabi ni Collin sabay gulo nya sa buhok ko. "Babalik rin naman yon. Ano ka ba? Hindi naman mapapaano yon. Si Avery naman ang kasama nya ah. Anong inaalala mo?"

Tiningnan ko sya ng masama. "Ayun na nga! Ayun ang inaalala ko! Si Avery lang naman ang kasama nya! Si Avery na kung manamit ay laging kulang sa tela at kung makadikit kay Cole ay halos ipagduldulan ang sarili nya. Si Avery na malandi at si Avery na gustong agawin sa akin si Cole. Period." Sabay irap ko. Jusko, parang hindi nya naman alam kung anong meron kay Avery.

Tiningnan ko sya ng masama nang marinig ko syang tumawa. "You're so adorable when you're angry." Nakangiti nyang sabi sabay gulo sa buhok ko kaya naman agad kong iniwas ang ulo ko.

"Seryoso ako, Collin." Pagkasabi ko non ay nawala ang ngiti nya at nagseryoso na rin.

"Ok. Seryoso tayo..." Wika nya atsaka umaktong seryoso. Malapit ko na tong masapok eh. Kung hindi lang ako nagi-guilty, talagang mababatukan ko to.

Maya maya narinig ko na ang tawa ni Avery. Lahat kami ay agad na napatingin sa pinto.

"Hi." Malaki ang ngiti nyang sabi. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na masapak sya. Hindi ko alam pero talagang inis na inis ako pag nakangiti sya ng ganyan.

Hingang malalim. Konting tiis, Jivril. Konting tiis.

Itatanong ko palang sana kung saan nya dinala si Cole, pero natigilan ako nang biglang pumasok si Cole.

Pero mas natigilan ako nang makitang nakangiti sya. Nakangiti sya... kay Avery. Malaki ang ngiti nilang dalawa at nangungusap ang kanilang mga mata.

Kinabahan ako. Bumagal ang lahat. Bumagal ang oras at ang pagkilos ng mga tao sa paligid ko. Hanggang sa lapitan sya ni Cole at hawakan ang kamay nya at hinalikan pa nya yon... Ang kaninang bumabagal na oras ay tuluyan nang huminto. Parang biglang tumigil ang lahat. Nawala ang mga nasa paligid ko. Ang tanging natira lang ay ang dalawang nasaharap ko. Ang lalaking mahal ko na hawak ang kamay ng ibang babae habang hinahalikan nya iyon.

Naririnig ko kung paano nadudurog ang puso ko. Kung paano iyon tumibok ng malakas na para bang nanghihingi ng tulong para makaligtas, mula sa napakasakit na eksenang nakikita ko.

Wala akong ibang naririnig kundi ang pagkadurog ng puso ko at ang patak ng luha ko.

Anong nangyare? Bakit nagkaganito? Parang kaylan lang, akin pa sya... Bakit ngayon... may hawak na syang iba?

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now