Chapter 24

772 22 1
                                    


Avery's POV

Dalawang buwan na. Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang umalis si Jivrielle. Dalawang buwan nang akin si Cole. Dalawang buwan ko na syang niloloko... Dalawang buwan ko na ring niloloko ang sarili ko.

Nagtataka ako. Hindi ako mapakali. Akin na si Cole. Ako na ang mahal nya... Pero bakit parang hindi ako masaya? Sa halip, nalulungkot ako. Nababahala... Nakokonsensya.

Hindi ko masabi kung nagsisisi ba ako o nababagabag. Basta hindi ko alam. Hindi ko ma-explain.

Oo alam ko. Hindi lang si Cole ang niloloko ko kung hindi, pati na rin ang sarili ko. Pero anong magagawa ko? Mahal ko sya eh.

Natigilan ako. Bakit ganun? Bakit sa tuwing sasabihin ko sa isip ko na mahal ko sya; parang may mali. Bakit parang may mali?

Napapa isip tuloy ako... mahal ko nga ba sya? O nasilaw lang ako?

Hindi ko na alam. Maybe I was infatuated.

Siguro nga.

Mag isa nalang ako. Walang pamilya, walang kaibigan... walang kahit na sino. Sa halos isang taon na pag-aalaga ko kay Cole sa America, naging masaya ako. May nakasama ako. At sinabi ko sa sarili ko na sana akin nalang sya. Kahit alagaan ko sya habang buhay. Basta may makasama ako.

Naiinis ako kay Jivril. Nagagalit ako sa kanya. Sya ang dahilan kung bakit naaksidente si Cole. Pero ako... Ako yung nandun para sa kanya! Ako ang nag alaga sa kanya. Ako ang nandun para sa kanya noong nabulag sya. Hanggang ngayon, ako ang nandito para sa kanya.

Naiinis ako kay Jivril kase, ako ang nandun para kay Cole... Pero pag bumalik ang alaala nya, sya pa rin! Si Jivril pa rin.

Its unfair! Its so unfair!

Natatakot ako. Pano pag bumalik na ang mga alaala nya? Pag naalala nya si Jivril, mawawala sya sa akin. At hindi ko kaya yon. Sya nalang ang meron ako.

Selfish na kung selfish, pero minsan naiisip ko na sana wag na bumalik ang mga alaala nya. Para akin nalang sya. Para hindi sya mawala sa akin.

Hindi ko pa alam kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Basta ang alam ko lang, dapat akin sya. Akin lang sya. Hindi ko kayang mawala sya sa akin.

"You ok?" He asked looking so worried. Napangiti ako.

"Im fine." I smiled at him and patted the seat next to me, gesturing him to sit. Naupo naman sya doon at inakbayan nya ako. Nakangiting ipinatong ko ang ulo ko sa braso nya. I loved this feeling. The feeling of being taken care of. Yung pakiramdam na may nag-aalaga sayo. Na may taong concern sayo.

"How are your wounds? Do they still hurt?" He asked his eyes full of concern. Kinuha nya ang kamay ko na may ilan pang mga pasa. Iilan nalang ang natira dahil gumaling na yung iba.

"Its fine. Hindi na masakit." I said then smiled at him reassuringly.

"Good. Tell me when they still hurt. I'll put some ointment or something." Nakangiti nyang sabi at saka hinalikan ang noo ko.

Ito. Ito lang ang gusto ko. Gusto ko lang naman na may mag alaga sa akin. May makasama ako. Buong buhay ko, never kong na-experience na may mag alaga sa akin ng ganito. I am a nurse, kaya sa tuwing magkakasakit ako, sanay akong ako lang ang nag aalaga sa sarili ko. I am a nurse yet I still need someone to take care of me.

I hugged him tight. Ayoko syang mawala. Sya nalang ang meron ako. Sya nalang ang nag-aalaga sa akin. Sa totoo lang, inggit na inggit ako kay Jivril. Napaka swerte nya kay Cole.

Cole is so sweet and understanding and loving. He's everything I could wish for. Kaso hindi nya ako mahal... Kaylangan ko pa syang lokohin para maging akin sya. Alam ko naman na sarili ko lang din ang niloloko ko. Pero kahit na. Di bale nang lokohin ko ang sarili ko, maging akin lang sya.

Ayoko nang bumalik sa dati. Sa dating ako. The old me... Pathetic, miserable... alone. Ayoko.

Oo, nakokonsensya ako. Pero mas matimbang ang nararamdaman ko kesa sa konsensya ko.

Kaya hindi. Hindi ako aamin... Hindi ngayon. Hindi pa ako handa. Siguro kapag kaya ko na... O siguro, pag naka-alala na sya.

Basta, bahala na.

_____

I just wanted you guys to know Avery's side!

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now