Chapter 41

846 19 0
                                    

At dahil gusto kong subukan si Cole, tinext ko si kuya na sunduin nya kami ni Ate Andy mamaya.


Ha! Akala nya huh? Anong tingin nya sa akin? Easy to get? Tch! Kung gusto nya akong makuha, maghirap sya. Hindi ako basta basta sasama sa kanya mamaya.

At tingnan natin kung ma-kidnap nya ako nang nandyan si Kuya!

Oh my goodness, I am so smart! Napangiti ako na parang ewan kaya naman siniko ako ni Ate Andy.

Tiningnan ko lang sya ng masama pero nakangiti pa rin ako. What the f?

"Problema mo?" Nanunuya nyang tanong.

"Wala naman, bakit?" Bukod kay Cole, wala naman. Hayst! Bakit hindi nalang sya mawala para wala na rin akong problema?

Mas lumaki ang ngiti ni Ate Andy. "Kanina ka pa nakangiti eh. Simula nang ihatid ka ni Cole pabalik dito, hindi mawala wala ang ngiti mo." Pang aasar nya. Nagtaas sya ng isang kilay habang tinitingnan ako ng may halong pang-aasar. "Kinikilig ka 'no?" Nakangiti syang mapang-asar habang tinataas baba ang kilay nya.

Siniko ko rin sya. "Hindi noh!" Nainis ako dahil naging tunog defensive ang boses ko.

"Ba't ka defensive?" Nanunuya nyang tanong.

"Hindi nga! Bakit naman ako kikiligin sa ulupong na yon?" Sabay irap ko.

"Gwapong ulopong." Pagtatama nya. "Eh bakit ka ngiting ngiti dyan? Nakakatakot ka na ah. Mabuti hindi ka nananakit." Sabay halakhak nya ng tawa.

Gaga to ah? Ano ako, baliw? Siniko ko nga. "Hindi naman ako baliw!" Sabay hampas ko pa sa kanya pero tumawa lang sya.

"Eh bakit ka nga ngiting ngiti riyan?"

Umirap ako. "May naisip lang kasi ako. By the way, tinext ko si Kuya. Susunduin nya tayo mamaya." Sabi ko. Nawala ang mapang-asar nyang itsura at napalitan ng pagtataka.

"Bakit?" Nagtataka nyang tanong.

Huminga ako ng malalim. "Kasi, sabi ni Cole, susunduin nya ako mamaya pag sara ng shop para makapag-date kami-" Napatigil ako dahil sa malakas na pagsinghap nya. With matching lagay pa ng kamay sa bibig nya na parang gulat na gulat sya. Umirap lang ako. "At ang sabi nya, kapag hindi ako sumama ng kusa, kikidnapin nya ako ulit. Kaya ayun, tinext ko si Kuya na sunduin tayo. Tingnan ko lang kung ma-kidnap nya ako nang nandyan si kuya." Sabay evil smile ko pa.

Ha! Tingnan talaga natin kung ma-kidnap nya nga ako.

Malaki kasi ang katawan ni Kuya. 6'4 ang height at sobrang ma-muscle! Baka akala nya! Dating bouncer kaya si Kuya.

Well, malaki rin naman ang katawan ni Cole. Mas matangkad nga lang si Kuya sa kanya. Pero sa laki ng katawan, pantay lang naman sila. Naalala ko ang 8pack abs nya noon. Broad shoulders. Hard chest na bumabakat kapag naka t-shirt lang sya. Well defined muscles. Biceps and triceps na sobrang tigas. Kahit sinong sapakin nya ay tiyak na makakatulog. Damn his abs! Feeling ko mas lumaki ang katawan nya. Siguro sa siyam na buwan na hindi kami nagkita, nagpalaki talaga sya ng katawan? Para siguraduhing mag lalaway ako sa kanya pag nagkita kami.

Ha! Akala nya naman naglalaway ako! Hindi ano! Hind-

"Jivril! Ano ba?!" Biglang sigaw ni Ate Andy na iwinawagayway ang kamay nya sa mukha ko. "Kanina pa kita kinakausap. Tulala ka dyan. Tingnan mo, halos maglaway ka na oh!" Sabay turo nya sa nakabuka kong bibig.

Agad akong napatikom. Hinaplos ko ang gilid ng labi ko para tingnan kung may tumulo bang laway. Wala naman. Shit! Nakakahiya!

"Ano bang kahalayan ang iniisip mo ha?" Sabay irap ni Ate Andy. "Kanina pa ako nagsasalita, hindi ka naman pala nakikinig."

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now