Chapter 56

727 25 1
                                    

Maaga akong gumising, dahil sabi ng babe ko, maaga daw syang pupunta dito ngayon. Yeah, babe ko talaga. As in BABE KO. Walang aangal. Akin lang si Cole.

At isa pa, kaylangan ko ring asikasuhin si Collin. Malamang may hangover pa tong tukmol na to. Iinom inom kasi, hindi naman pala kaya! Ako pa nga ang naglinis ng suka nyan kagabi. Mabatukan nga mamaya, kapag maayos na ang pakiramdam nya. Pinahirapan nya ako ng bongga kagabi ah. Akala ko naman, matutulog na sya, magsusuka pa pala! And ehem! Sa carpet lang naman sya nagsuka! Bongga diba? Mabuti nalang at kaunti lang iyon kaya hindi na ako nahirapang maglinis. Sisipain ko nalang sya mamaya, pag gising nya, para makaganti man lang ako.

Alas siyete nang gumising ako. Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos, ay nagtungo agad ako sa kusina para makapag-handa ng almusal. Dito na rin kasi maga-almusal si Cole.

Nadaanan ko pa si Collin na mahimbing ang tulog sa sofa. "Peach!" Pabulong kong sigaw dahil baka magising si Collin. Paano kasi, eh dinidilaan ni Peach ang pisngi nya! Salbaheng aso. Tsk tsk. Mana sa amo.

Pumunta na ko sa kusina, at ni-check ang mga stocks sa ref. Ang dami. May hotdogs, ham at bacon. At dahil malalakas kumain ang mga kasama ko, kinuha ko lahat ng nandoon.

Mabuti nalang at apatan itong stove na binili ni Cole at sa baba ay may oven. Nasa tig-iisang stove ang hotdog, ham at bacon, habang sa isang stove naman ay sinasangag ko ang natirang kanin kagabi. Mabuti nalang at medyo marami-rami.

Naghanda rin ako ng isang black coffee para kay Collin. Paniguradong kaylangan nya ito dahil sa hangover nya. Hot chocolate naman ang sa amin ni Cole. Parehas kasi kaming hindi nagka-kape sa umaga.

Grabe ah. Super multi tasking ang ginagawa ko! Apat-apat ang niluluto ko sa kalan at nagtitimpla pa ako ng kape. Super Jivril! Feel na feel ko ngayon ang pagiging chef. Wifely duties ang peg ko ngayon, para kay Cole. And speaking of Cole, tumatawag na sya!

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa counter at agad na sinagot iyon.

Gamit ang isang kamay, ipinagpatuloy ko ang pagluluto at sa isa naman ay nakahawak sa cellphone. Oh diba? Galing ko noh?

"Hi Babe." Kahit hindi ko sya nakikita ay dama ko ang ngiti nya.

Napangiti rin ako. "Hi babe." Sagot ko rin.

"Good morning. I'm on my way. Malapit na ako."

Pinatay ko na ang stove ng sinangag. "Hmm. Ingat, babe. Nagluluto akong breakfast." Sabi ko habang isa isang binabaliktad ang mga piniprito ko.

"Sounds great. I'm starving. Anong niluluto mo?"

Ngumiti ako. "Secret."

Narinig ko syang tumawa ng mahina. "Hmm, pwede bang yung nagluto nalang ang kainin ko?"

"Ano yun?" Nagkunwari akong galit. Ang landi talaga nitong lalaking to. Sarap mahalin.

"Wala, wala. I'll hang up now, babe. Bye. I love you!"

"Ah, Cole, andito nga pala si-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang ibaba na nya ang tawag. Bastos to ah. Hindi pa nga ako nagba-bye eh!

Saktong pagkatapos kong magluto, nagising si Collin. "Good morning." Sarkastiko kong bati.

"Aw..." Napahawak sya sa ulo nya. "Hangover..." Narinig ko pang bulong nya.

"Ayan, inom pa more!" Pang aasar ko. "Hala, maligo ka muna at nang mahimasmasan ka. May mga damit doon si Cole sa closet. Kumuha ka nalang. May extra toothbrush din ako dun sa cabinet sa cr."

Tumango lang sya, saka tumayo at dumiretso sa kwarto kung san nandon ang banyo.

After twenty minutes, tapos na ako maghain. Sakto namang bumukas ang pinto. "Hi, babe." Nakangiting bati ni Cole.

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now