Chapter 10

2.2K 71 32
                                    

Iniisip ko pa rin kung paano ko mapipilit si Cole na pumunta sa park. Ni hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil don.

Bumalik na naman kase sya sa dati. Ayaw lumabas ng kwarto. Nagpapahatid lang ng pagkain.

Heto ako ngayon. Nagluluto ng almusal nya. Habang tulog pa sya. Dahil kapag nagising yon ng wala pa syang almusal ay malamang mag eevolve nanaman sya. From tahimik to monster.

"Goodmorning"

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Napairap nalang ako nang makitang si Avery yon.

"So... Andy told me about what happened to you and Cole"

Nagsisimula sya ng usapan pero di ko sya pinansin.

"What a tragic story"

Hindi ko alam pero para akong naiinsulto sa tono ng pananalita nya. Para syang nangaasar.

"Nahihirapan ka siguro sa sitwasyon nyo ngayon"

Wag mong pansinin, Jivril. Wag mong pansinin.

"Snobber ka pala no?"

Napabuntong hininga ako. Mukhang hindi to titigil hanggat hindi ko sya pinapansin.

"Hmm. Mukhang busy ka ata. Sige, ikaw muna ang bahala kay Cole. Bibili lang muna ako ng mga vitamins nya"

No comment. Still no comment.

"Antaray mo naman" narinig kong reklamo nya.

"Look. Im trying to be nice. Im sorry kung nagseselos ka sa mga ginagawa ko kay Cole. Hindi ko naman alam na may namamagitan pala sa inyo. Dont worry, hindi ko na gagawin ang trabaho mo. Since napagsabihan na rin naman ako ni Kuya Andy"

This time nilingon ko na sya.

"Hindi naman ang pag gawa mo ng trabaho ko ang ikinaiinis ko. Mas maganda pa nga yon eh. Less work for me. Hindi na ko mag papakaplastik. Ayoko sayo. Ayoko sa mga ikinikilos mo. Kung makadikit ka kay Cole parang kala mo, nakamighty bond yung katawan nyo. Napaka clingy mo. Hindi naman sa iniinsulto kita pero hindi ka dapat ganyan kumilos. Babae ka. Hi~"

"Are you saying Im flirty?" Kunot noo nyang tanong.

Bumuga ako ng hangin. "Oo" deretsa kong sabi. "I dont mean to offend you pero prangka lang talaga ako. Im sorry kung naiinsulto kita pero hindi mo ko masisisi. Nababahala lang ako. Tingnan mo ang itsura mo sa itsura ko. Maputi ka, makinis, maganda, sexy pa. Ngayong may amnesia si Cole, hindi nya ko kilala. Hindi nya ko nakikita. Isa lang akong katulong sa paningin nya. Eh ikaw? Avery, madali mo syang maaakit. At kinakatakot ko yon" Dirediretsa kong sabi.

"So, natatakot ka na baka maagaw ko sya sayo?" Ngumisi sya. "Dapat lang. I dont think you're right for him. Im way better than you" lumapit sya sa akin. "You want to know the truth? I. Love. Him. And there is nothing I wont do to make him mine. You better do your best to get him back. Before he falls inlove with me" sabay alis

Iniwan nya kong nakanganga sa kinatatayuan ko.

"Jiv, ok ka lang?"

"Anong nangyare jan?"

"Ewan ko. Tulala eh"

"Huy, babae. Anong nangyare sayo? Tulaley?"

Napatingin ako kay Alex.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Castro.

"Nabaliw ka na yata. Dalhin mo na yang pagkain ni Cole" sabi ni Alex.

Hala shit. Oo nga pala. Nakalimutan ko. Tsk. Kase naman yong babae na yun eh. Napaka! Nakakagigil.

Nagmamadali kong inilagay sa tray ang almusal ni Cole.

Umakyat na ko sa taas at marahang binuksan ang pintuan nya.

"Cole? Nandito na ang almusal mo" sabi ko.

Teka, asan yon? Wala sya sa kama.

Nakarinig ako ng agos ng shower mula sa banyo.

Mukhang naliligo pa yata sya.

Nilapag ko sa maliit na mesa ang pagkain nya. Inayos ko muna ang napaka gulo nyang kama. Anlikot nya talaga matulog.

Narinig kong bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako don.

"What the hell?!"

"Waaaaaaaaaah!" Nagtakip ako agad ng mata.

Ghad! Im scared for life!

"Shit, shit. Turn around!" Utos nya sakin na agad ko namang ginawa.

Naman kase!

"Ano ba kaseng ginagawa mo dito?" Galit nyang sabi.

"H-hinatid ko lang yung breakfast mo. Bakit ba kase hindi ka gumamit ng tuwalya?!"

Nanginginig na yung tuhod ko. I swear, I did not look down!

"Malay ko ba kaseng andyan ka? Psh. You can look now. Im all dressed"

Medyo nagalangan pa ko kung titingin na ba ko o hindi.

Hingang malalim, Jivril. Kalma.

Unti unti akong lumingon.

Nakashorts na sya pero wala pa rin syang pang itaas

*Lunok*

Shit. Pinagpapawisan ako ng malamig.

Bakit ang hot nya? 8 pack abs. Wet and messy hair and his one of a kind smirk.... Yep. Definitely hot and sexy.

Wait. Teka, teka... erase erase. Wag ganern. Bad yun.

Argh! Nakaka ewan. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nakita ko.... Wait, may nakita nga ba ako?

Wah! Ayoko ang init na yung pisngi ko.

"Aray!" Ansakit. Napahawak ako sa noo ko.

"Masakit yun ah!" Reklamo ko.

Pero bat ganun? Kahit masakit yon, parang natuwa pa ko sa ginawa nyang pagpitik sa noo ko.

Namiss ko yun. Namiss ko yung pambubully at pagpapahirap nya!

"Psh. Stupid girl" sabay irap.

Haayy... ok, back to square one.

Balik kami sa dating kami. Sa Cole na hindi nalabas ng kwarto at hell of a kind master sa maid nya. At sa Jivril na aanga anga pero magandang katulong nya.

Kaya mo to, Jivril. Nakaya mo sya noon, kaya mo rin ngayon.

Na-inlove sya sayo noon..... Mai-inlove sya sayo ulit ngayon.

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now