Chapter 64

687 18 0
                                    

Walang buhay si Cole ngayon na nakayuko sa kanyang kinauupuan. Hindi sya gumagalaw at hindi rin sya nagpupumilit na tumakas. Para saan pa? Wala na syang paki-alam kung mabuhay sya ngayon o mamatay. Ang mahalaga lang sa kanya ay si Jivril.

"Look at you." Sambit ng babaeng pinaka-kinagagalitan nya sa lahat. Ang babaeng may kasalanan sa pagkamatay ng kanyang ama na ngayon naman ay dahilan din ng pagguho ng mundo nya.

Nag-angat sya ng tingin sa babaeng nakangisi sa harap nya ngayon at tinitigan nya ito ng masama. Iyong tipo ng titig na nakamamatay. Gusto nya itong sugurin, saktan at patayin. Nung mga oras na iyon, ang tanging gusto nya lang ay ang patayin ang babaeng kaharap nya at ipalit ang buhay nito sa buhay ng babaeng pinaka mamahal nya.

"Helpless... Lifeless... Worthless." Dagdag pa nang babaeng kaharap nya ngayon.

May pumasok na dalawang lalaki at ipinagutos ni Silvia na kuhain ang katawan ni Jivril doon at ilipat sa kabilang kwarto.

Nanlaki naman ang mga mata ni Cole at agad syang nagpumiglas. "Hindi! Saan nyo sya dadalhin?!" Nagwawala na sya ngayon, pero hindi sya makawala sa upuan na iyon, dahil bukod sa nakatali sya ay nanghihina rin ang katawan nya. "Bring her back here!!" Sigaw nya kahit nakalabas na ang dalawang lalaki, bitbit si Jivril.

Malademonyong tawa naman ang pinakawalan ni Silvia. "Sa palagay mo ba, kapag nakaalis ka sa pagkakatali mo riyan ay maililigtas mo pa ang babaeng iyon?" Sarkastiko itong tumawa. "Kahit anong gawin mo, Cole. Wala ka nang magagawa. Wala na sya." Nakangising sambit ni Silvia

Gumuho ang mundo ni Cole nang marinig nya iyon at pinilit nyang wag maniwala. Pero kahit pilitin nyang hindi maniwala, ay napahagulgol pa rin sya. Nagsisigaw sya at nagwala. Pero wala iyong naitulog. Hindi nabawasan ang labis na sakit na naramdaman nya.

"Alam mo Cole... Ganyang ganyan din ako noon. Alam ko ang nararamdaman mo, dahil ganyang ganyan din ang naramdaman ko noong kinuha mo sa akin ang mundo ko. Sobrang sakit, hindi ba? Ramdam na ramdam mo ang pagbagsak ng lahat at ang pagguho ng mundo. Pakiramdam mo, gusto mong tumakas at tumakbo, pero kahit gaano kalayo ang takbuhin mo, hindi mawawala ang sakit ma nararamdaman mo. Hindi mo matatakasan. At mapagtatanto mo na ang tanging paraan lang para matakasan ang lahat ng sakit ay kamatayan. Hindi ba? Sigurado ako na wala ka nang pakialam ngayon kung mabuhay o mamatay ka man, dahil para sayo wala nang kwenta..." Sa pagkakataong iyon ay napaluha rin si Silvia. "Alam mo, nung mamatay ang asawa ko, akala ko gumuho na ang mundo ko. Pero nagkamali ako nang malaman kong buntis ako noon kay Aisa. Ang gumuhong mundo ko ay muli nyang nabuo. Pinuno ko sya ng pagmamahal. Pero anong ginawa mo? Kinuha mo siya sa akin! Ikaw ang dahilan ng pagkamatay nya! Tinangka kong magpaka-matay noon, pero hindi ko itinuloy dahil gusto kitang gantihan. Lumapit ako kay Eduardo para makalapit rin sayo. Hindi nagtagal, tuluyang nahulog ang loob namin sa isa't-isa. Pero hindi sapat na dahilan ang pagmamahal ko sa Daddy mo para hindi ko ituloy ang balak ko. Pinagplanuhan kong maigi ang pagpatay ko sa iyo noon, pero anong ginawa mo? Sinira mo ang plano at dahil doon si Eduardo ang namatay! Sa pangalawang pagkakataon, nagawa mong wasakin ang mundo ko... Pero hinayaan kita. Sinubukan kong kalimutan ang lahat. Inilayo kita sa akin, at pinalipat kita ng tirahan dahil gusto kong magbagong buhay. Pero nang makita ko kayong masaya doon ni Jivril, hindi ko matiis. Hindi ko kayang makita kang masaya sa piling ng ibang babae, samantalang nagpakamatay ang anak ko para sayo! Pinaghiwalay ko kayo at pinlano ko ulit ang pagka-matay mo. Pero tangina, bakit ba hindi ka pa mamatay-matay?!" Isang malakas na sampal ang ibinigay niya kay Cole. Hindi pa sya nakuntento, pinaghahampas at pinagsusuntok nya pa si Cole. "Tapos ano pang ginawa mo ngayon? Hindi ka nakuntento, at kinuha mo pa ang lahat ng meron ako. Ang mansion, ang kumpanya, at pinalabas mo pang naging kabit ako noon pa man ni Eduardo! Hindi iyon totoo!" Sinampal ay pinagsisipa nya naman si Cole na ngayon ay walang imik at hindi man lang lumaban. Para ano pa ba? Manhid na rin naman ang buong katawan niya. Wala siyang nararamdamang sakit bukod sa emosyonal. "At kagaya ng ginawa mo sa akin, kukunin ko rin ang lahat sa iyo. Sisirain ko rin ang mundo mo! At iyon ay si Jivrielle." Napahalakhak si Silvia pero agad ring natigil iyon. "Pero alam mo, maswerte ka pa rin. Alam mo kung bakit? Kasi hindi ito ang plano ko! Dapat ipagagahasa ko pa ang babaeng iyon sa harap mo at ipapakita ko saiyo kung paano ko sya pahihirapan katulad ng pagpapahirap mo sa akin! Pero lahat ay nasira dahil sa palpak kong tauhan! Napalakas ang paghampas ng gaging iyon ng baril sa ulo ng babaeng iyon, kaya agad na namatay. Sayang. Gusto pa naman sana kita makitang nahihirapan... Pero alam mo? Hindi kita papatayin. Iiwanan kitang buhay ngayon, para habang buhay mong dalhin ang sakit ng pagkawala ng pinaka mamahal mo." Saka humalakhak ng malakas si Silvia.
Napatigil naman siya nang biglang pumasok ang isa sa mga tauhan nya. "Madam! May mga pulis!" Nagpapanic na sigaw nito. Dahil doon, agad ring nagpanic si Silvia. Kumuha siya ng baril at itinutok iyon sa mga pulis na ngayon ay nakababa na pala sa basement na iyon. Handa na syang makipagbarilan pero naunahan siya ng isang pulis na at nabaril ang kamay nya, maya agad siyang napabitaw sa baril at napahiyaw sa sakit.

Matagal na putukan bago tuluyan nang nahuli ng mga pulis ang lahat ng mga tauhan niya. Nang makita ni Silvia na wala na ang mga tauhan nya, ay pinulot nya ulit ang baril at nakipaglaban sa mga pulis. Samantala sa ginta ng putukan ay hindi nabuhayan ng loob si Cole. Hindi sya natuwa na may dumating nang tulong para sa kanya.

Ang totoo nyan, alam na ni Cole na may dadating na tulong para sa kanila. Ang sinabi nya kay Jivril na dadaanan nya kay Andy ay isang Tracking device dahil binantaan ni Silvia noon si Andy na maghihiganti siya kay Cole, kaya ibinigay iyon ni Andy sa kanya sakaling ituloy man nito ang banta. Walang silang kamalay malay na sa araw din ng pagbigay ni Andy sa bagay na iyon sa kanya, ay ang araw din ng pagtutuloy ni Silvia sa banta niya. Ang tracking device na iyon ay may emergency button na pipindutin ni Cole sa oras na mapanganib sya para agad na mata-track ang location nya at maililigtas sya.

Napindot nya na iyon kanina, kaya malakas ang loob nyang ipangako kay Jivril na makakatakas sila... Pero nagkamali sya... Dahil huli na ang lahat para kay Jivril.

Ilang sandali pa, bago tuluyang mabaril si Silvia. Nahirapan ang mga pulis dahil nag-ingat silang baka matamaan siya, pero sa pagkakataong iyon, mas hiniling nya na sana nga, matamaan siya ng mga bala.

Dahil para saan pa ang buhay... Kung wala na ang mundo niya?

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now