Chapter 8

1.5K 53 3
                                    

"Huy, girl! Kanina ka pa palakad lakad dyan. Baka mapudpod yung sahig" Untag ni Alex sa akin.

"Jivriella, kumalma ka nga" sabat naman ni Castro.

"Jivrielle ang pangalan nya. Hindi Jivriella. Anong pinagsasabi mo dyan?" Pananama ni Alex

"Eh yun ang gusto ko eh!"

Nagsimula nang  magbangayan yung dalawa pero hindi ko sila pinansin.

Panay ang paroo't parito ko na kanina pa inirireklamo ni Alex.

Eh, pano'y hindi ako mapakali. Nasa Airport na kase ngayon si Kuya Andy at sinusundo si Cole.

Konting sandali nalang nandito na yong mga yon dahil nagtext na si kuya Andy na parating na sila.

Shit. Kinakabahan ako

Anong iaakto ko kapag nakita ko sya?

Yayakapin ko ba sya? Ipapakilala ko ba ang sarili ko?

Ako si Jivril. Ako yung maid mo na minahal mo at nakapag pabago sa takbo ng buhay mo.
Tangina. Gusto ko nang maalala nya ko. Gusto ko nang magkasama kami..

Bumuntong hininga ako at pabagsak na naupo sa Sofa.

Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa pagkataranta. Bakit nga ba? Haayy.

Maya maya nakarinig ako ng busina.

Isa lang ang ibigsabihin non... Andito na sila.

"Andyan na sila!" Sigaw ni Alex na nakadungaw sa bintana.

"Wag kang sumigaw! Alam namin!" Saway naman ni Castro. Hype talaga tong dalawa.

Dali dali akong tumayo. Ako pa ang nagbukas ng gate sa sobrang excited ko.

Nang maipasok ang kotse ay dali dali ko ring sinara ang gate at tumakbo sa pinto para salubungin rin sya.

Nasa likod ko naman si Alex at Castro.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang bumukas na ang pinto.

Shit. Gusto kong hampasin ang dibdib ko para kumalma.

Unang lumabas ang isang babae.

Napaka ganda nya. Mahaba ang kulay brown nyang buhok. Maputi at makinis ang balat. Kutis mayaman.

Sino sya?..

Hindi ko alam pero ang init bigla ng dugo ko sa kanya.

Sunod na bumaba si Kuya Andy.

Binuksan nya ang pinto sa backseat.

Shit. I swear hindi ako makahinga nang lumabas sya sa kotse. .

Nalaglag na ng tuluyan ang panga ko. Palagay ko naglalaway pa ko.

Si Cole... nagbago ang itsura nya.

Ibang iba sya sa dating Cole Justin na nakilala ko.

Nakasuot sya ng itin na polo na itinupi hanggang siko ang sleeves, itim na jeans at itim na rubbershoes.

And dating medyo kulot at maikli nyang buhok ay mas mahaba ngayon at natatakpan na ang isa nyang mata.

Nakasuot sya ng mamahaling shades na nag emphasize sa matangos na ilong nya.

Bakat na bakat pa sa polo nya ang chest nya.

Mukhang lumaki rin ang katawan nya at lalo syang naging makisig.  Tumangkad at tumikas sya.

Sya na yata ang pinakagwapong lalaking nakilala ko.

"Magandang tanghali" sabay na bati ng dalawa sa likod ko.

"Magandang tanghali. Guys, gusto kong ipakilala sa inyo ang isa nyo pang makakasama. Sya si Avery Mae Euson. Sya ang nurse ni Cole" tukoy ni kuya Andy sa magandang babae.

Napatingin ako sa kanya.

Shit. Nasabi ko ba kanina na ang sext nya?

Nakasuot sya ng white fitted dress. Hanggang tuhod lamang iyon kaya kitang kita ang makinis nyang hita. Hindi sya ganoon katangkad pero nakasuot sya ng 6 inches red stilletos kaya nagmukha talaga syang modelo. Kung lalaki lang ako, paniguradong maglalaway ako.

"Hello" nagising ako sa boses ni Alex.

Ngumiti ng matamis itong si Avery.

Tinanggal nya ang shades nya. "Hi"

Nginitian ko sya ng pilit.

"Cole, sya si Castro. Sya ang tagabantay ng bahay na ito. Ito naman si Alex. Sya ang katulong dito. At ito.... Si Jivril. Sya ang personal maid mo" nakangiting sabi ni Kuya Andy.

"H-hi. N-naaalala mo ko?" Nakangiti at kinakabahan kong tanong.

Mga ilang sigundo syang nakatitig sakin.

Tinanggal nya ang shades nya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa bago ngumisi.

"And who the hell are you, para makilala ko. You're just a maid. Get the fuck out of my way" sabay irap at bangga sa akin.

Parang nag slow motion pa yung pagbangga nya sa akin para makapasok ng bahay.

Naramdaman ko ang pagtapik ni Kuya Andy sa balikat ko saka ako tiningnan ng Apologetic look.

Nakapasok na silang lahat  sa bahay, ako, mukhang tangang  nakatulala sa kinatatayuan ko

Sino ako para makilala nya? Isa lang naman akong hamak na katulong.

Naramdaman ko ang pagkabasa ng pisngi ko.

Umiiyak na pala ako.

Ang sakit non.

Isa nalang akong walang kwentang katulong sa paningin nya.

Ni hindi man lamang ako pamiyar sa kanya.

Naaawa ako sa sarili ko. Pero hindi. May amnesia si Cole. Maaalala nya rin ako.

Ganito rin ang unang pakikitungo nya sa akin dati.

At kinaya ko yon. Kaya kakayanin ko rin ngayon.

Hindi ako susuko. Para sa aming dalawa.

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now