Chapter 4

1.9K 57 1
                                    

Si Silvia. Nagsinungaling sya sa akin. Sa amin ni Cole.

Sya ang dahilan kung bakit nangyare ang lahat nito.

Pero bakit? Anong ginawa naming masama sa kanya?

"Si Silvia. Asan sya?" Walang emosyong sabi ko. Malamang ay namanhind na ko. .

"Nasa mansion. Bakit?"

Kumawala ako sa hawak nya. "Humanda sya sakin. Kakalbuhin ko sya"

Lalabas na sana ako nang bigla nyang hilain ang kamay ko. "Saan ka pupunta?"

"Kay Silvia! Magtutuos kami! Makikita nya!" Gusto ko syang saktan. Gusto ko syang pahirapan. Gusto kong ipadama sa kanya kung paano ako magalit. Kulang pa ang pisikal na pananakit.

Mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa akin na ikinainis ko.

"Bitawan mo ako, kuya Andy" tinigasan ko ang boses ko.

"Jivril, huminaho~"

"Hindi ko kayang huminahon! Niloko nya ko! Niloko nya tayo! Si Cole. Kaylangan ako ni Cole. Kuya Andy, bitawan mo ko!"

Pilit kong kinalas ang pagkakahawak nya pero hindi nya yon inalis.

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo? Susugurin mo sya? Sasaktan mo? Ano ba sa palagay mo ang mangyayari kapag ginawa mo yan? Jivril, pwede ka nyang idimanda. Lalo lang lalala ang sitwasyon"

Napaiyak na ko ulit. "Anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo na ngayon kase kahit ako, di ko na alam ang gagawin ko"

Nakakainis isipin na sobra sobra na kong nasasaktan pero wala akong pwedeng gawin. Wala akong magagawa kundi ang umiyak at umiyak nalang.

"Ako nang bahala. Pauwi na si Cole two weeks from now. At gusto kitang i-hire bilang nurse nya"

Kinunutan ko lang sya ng noo. Dahil sa totoo lang bumabagal na ang pagproseso ng utak ko sa mga nangyayari. Nabobobo na ko

"Think about it. Wala kang magagawa kung ikaw lang mag isa ang haharap kay Silvia. May amnesia si Cole. Wala syang naaalalang masamang ginawa ni Silvia. Kung ngayon ka gagawa ng galaw, paniguradong pati si Cole, makakalaban mo... pero Jivril, kung hihintayin mong makaalala si Cole, mangyayare ang gusto mong mangyari. Kayang kaya ni Cole paalisin sa kompanya at sa mansion si Silvia"

Nakukuha ko ang punto ni Kuya Andy. Pero tangina. Gusto ko pa rin syang saktan. Gusto ko syang pahirapan. Gusto ko syang parusahan. Gusto ko syang ilagay sa pwesto ko para malaman nya kung gaano kasakit ang matraydor ng taong pinaniniwalaan mo.

"Makinig ka sakin, Jivril. Ipagpalipas mo muna"

Isang patak ng luha ang tumulo mula sa mata ko. Pinapangako kong ayan na ang huling luha na tutulo mula sa akin.

Gustuhin ko mang saktan at ilampaso sa sahig si Silvia, tama si kuya Andy. Lalala lang ang sitwasyon.

Hihintayin kong maalala ako ni Cole at kapag nangyare yon, sabay namin syang pababagsakin

Sa ngayon wala akong magagawang maganda kundi ang makinig sa sasabihin nya.

Unti unti akong tumango.

*********

"Ano?! Totoo ba yang sinasabi mo?!"

Nakayuko akong tumango kay kuya.

Yan ang reaksyon nya matapos kong ikwento ang lahat sa kanila.

"Teka... ibig sabihin... Niloko tayo ni Silvia!" Sigaw naman ni Ate Andy.

"Hayop na Silvia yon. Ano ba talagang problema nya sa inyo ni Cole?!" Galit na sabi ni kuya.

"Ano nang plano mo ngayon?" Tanong ni Collin na nasa tabi ko.

Oo, nandito rin sya. Sa ilang buwan na lumipas, hindi sya nawala sa tabi ko.

"H-hindi ko alam" umiiling akong pinigilan ang pagluha

"Anong hindi mo alam? Diba dapat kausapin mo na si Cole?" ani kuya na kanina pa ko sinisigawan

"Eh pano nga nya makakausap? Nasa America nga. At isa pa, kung nandito man yon, hindi rin sila magkaka ayos dahil nga may amnesia. Hindi sya non naaalala" paguulit naman ni Ate Andy sa lahat ng sinabi ko kanina.

"So... wala tayong magagawa?" Sabi ni Collin.

"Hindi naman pwedeng wala" sabi ni Ate Andy.

"Nasasayo yan, Jivril. Kung talagang mahal mo si Cole, makakagawa ka ng paraan" sabi ni kuya sabay alis.

"Mahal mo pa ba si Cole?" Tanong naman ni Collin. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya.

"Oo" buong tapang na sagot ko. Mahal ko si Cole at sasabihin ko yon kahit masaktan sya. Hindi ko na magagawang itanggi pa yon. Mas mabuti na rin na alam nya ngayon palang. Dahil wala akong balak na basta basta isuko si Cole

"Kung ganon, anong gagawin natin?" Nag aalalang sabi ni Ate andy

Napag usapan na namin ni Kuya Andy ang lahat. Bibilhan nya ng bahay si Cole at doon nya kami ititira.

"Magtatrabaho ako bilang maid ni Cole" sabi ko.

Mukhang hindi naintindihan nila Collin base sa ekspresyon ng mga mukha nila.

"Doon naman nagsimula diba? Naging maid nya ko bago naging kami. May amnesia si Cole. Wala syang naaalalang nag eexist ako. Kaya handa akong ipaalala sa kanya ang lahat mula umpisa"

"Kaylan ang balik nya?" Tanong ni Collin.

"Two weeks from now. Sinesante na ko ng boss ko kanina. Ang sabi ni kuya Andy, pagkabalik na pagkabalik ni Cole, mag sisimula na ko" pagkikwento ko.

Tiningnan ko si Ate Andy.

Kung titigil kase ako sa pagtatrabaho, walang tutulong sa kanila ni kuya.

Kapos kami ngayon. Magpapasukan na at wala pa ring gamit sila eros at ada.

"Ate Andy, susubukan kong maghanap ulit ng trabaho. Maghahanap muna ako ng trabaho habang wala pa si Cole"

Ngumiti sya ng tipid. "Ok lang, jivril. Hindi rin naman tamang nakasandal kami ng kuya mo sayo. Panahon na para intindihin mo ang sarili mo. Wag mo na kaming alalahanin"

Umiling ako. "Hindi pwede. Paano na sina Eros at Ada?"

"Ako nang bahala sa kanila"

Napalingon ako kay Collin.

Mataman ko syang tiningnan bago ako umiling.

"Hindi. Hindi mo sila responsibilidad. Collin, hindi mo kaylangang gawi~"

"Bilang kaibigan mo, Jivril. Tutulong ako. Kahit sa simpleng bagay lang na to. Wag mo na silang intindihin. Ako nang bahala sa kanila. Tama si Ate Andy. Panahon na para intindihin mo naman ang sarili mo" Nakangiti nyang hinaplos ang pisngi ko

Umiling ako.

Ayoko. Ayoko nang tumanggap ng tulong mula kay Collin. Nakakahiya na.

Masyado na syang nagpapaka tanga para sa akin. Masyado ko nang inaabuso ang nararamdaman nya sa akin.

"Alam kong mahal mo ko. Pero ayokong abusuhin yon. Collin, hindi mo kaylangang gawin to" umiling iling pa ko.

Ngumiti sya pero halatang pilit

Inilagay nya ang isang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Mahal kita kaya ko ginagawa to. Gusto kitang maging masaya. At kung kay Cole ka magiging maligaya, pwes tutulungan kita. Gawin mo ang makakapagpasaya sayo, Jivril. Magiging masaya ako kapag masaya ka" Hinalikan nya ako sa noo.

Naiiyak ko syang yinakap.

Laking pasasalamat ko talaga sa diyos ang magkaroon ng isang lalaking tulad nya sa buhay ko.

Oo, tanga sya magmahal. Pero tunay na tunay iyon at napaka sarap.

Bakit nga ba hindi sya ang minahal ko noon?

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now