Chapter 18

945 21 6
                                    

Tama ba yun? Tama ba yung narinig ko?! Oh my gosh! Gusto nya si Avery!

Nakatingin lang ako sa kanya with my big wide eyes! Sobrang shocked ako! Magkakagusto nalang sya kay Avery pa!

"Huy. Ang creepy mo" Natatawang sabi ni Collin sa akin habang ginugulo ang buhok ko.

Anong creepy don? Masama bang tingnan sya ng nanlalaki ang mga mata dahil sa sinabi nya? Jusko, magkakagusto nalang sya, kay Avery pa! I cant believe it!

Napatingin ako sa kanya nang bigla syang tumawa. "Anong tinatawa tawa mo dyan?" Iritado kong tanong. Parang baliw eh. Bigla nalang tumatawa.

"I did'nt mean I like her as in as a girlfriend. I just... like her. Simply like that. Its hard to explain, but yeah... I like her" Sabay kindat nya sakin.

"Di ba pareho lang yon?" Tanong ko. Gusto ko pang sampalin ang sarili ko dahil para akong batang nagseselos sa tono ng pagtanong ko.

Tinawanan lang ako ni Collin at saka ginulo ulit ang buhok ko.

"Wag ka magselos. Ikaw pa rin naman ang mahal ko" Nakangiti nyang sabi pero unti unti ring nawala ang ngiti nya nang maisip nya kung ano ang sinabi nya. Kitang kita kong nagulat rin sya sa sinabi nya.

"Shit" Rinig kong bulong nya habang hinihilamos nya ang isa nyang palad sa mukha nya.

Napa-iwas ako ng tingin nang bigla nya akong tignan. Shit nga. Bigla nalang naging awkward. Shit.

"C-collin..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Shit. Bigla nalang akong naging pipe. Bakit wala akong masabi? Hindi ko alam kung magso-sorry ba ako dahil hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal nya o magkukunwari akong wala akong narinig.

Huminga ako ng malalim. "Sorry"

"Sorry" Sabay naming sabi.

Napayuko ako. Nilaro laro ko nalang ang dulo ng suot kong tshirt para maiwasan kong mapatingin sa kanya. Shit kase, naiilang ako. Ang awkward non! Bakit kase- Ayst!

"Bakit ka nag-sosorry?" Bigla nyang sabi matapos ang walang hanggang katahimikan.

Napayuko ako ulit. Paano ko ba to sasabihin? "A-ano... Sorry kase... Ano..."

"Kase hindi ako yung minahal mo?" Bigla nyang sabi. Napatingin ako ng deretso a mga mata nya. Tumawa lang sya ng mahina at saka yumuko. "Alam ko na yon... Tanggap ko na yon" Umiwas sya ng tingin para itago sa akin ang mukha nya. Pero kahit na itago nya sa akin, kitang kita ko parin ang pagpatak ng luha nya. Pasmiple nya iyong pinunasan saka nya ako tiningnan at nginitian. "Ok na yon"

'Ok na yon' Sa kabila ng sinabi nyang yon, alam kong hindi. Sa likod ng pag ngiti nya, alam kong may pagluha.

Bakit ganon? Bakit kaylangang may masaktan ako? Bakit kaylangan may ganito? At bakit si Collin pa? Wala syang ibang ginawa sa akin kundi puro kabutihan. Sya ang pinaka mabuting kaibigan na nakilala ko. Hangang hanga ako sa kanya. Kase kahit mahal nya ako at kahit gaano kasakit para sa kanya, nag let go sya sa akin at hinayaan nya akong maging masaya sa lalaking totoong mahal ko. Sinuportahan nya pa akong gawin ang dapat kong gawin para maipaglaban ko si Cole. Sa totoo lang napaka swerte ko kay Collin. Sana lahat ng lalaki, katulad nya magmahal.

Kase ganoon ang tunay na pagmamahal. Yung walang kondisyon. Walang hinihinging kapalit. At hindi umaasa na mamahalin ka rin. Yung pagmamahal na handing magparaya at handa kang pakawalan kahit gaano kasakit.

Sa lahat ng pwede kong saktan, bakit si Collin pa? Hindi nya deserve ang masaktan. Lalo na kung ako ang mananakit sa kanya. Kase napakabuti nya.

Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Basta napaiyak nalang ako at bigla ko syang niyakap. Humihikbi pa ako at sigurado namumula ang mukha ko, kaya naman tinago ko ang mukha ko sa matipuno nyang dibdib para hindi nya makita ang itsura ko.

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now