Chapter 11

1.1K 38 10
                                    

Shit. Argh! Pagod na pagod na ko. Infairness ha, balik na balik sya sa dating sya. Nagiging monster nanaman. Tsk.

"Prepare the bathroom, Im gonna take a bath" utos nya habang nagbabasa ng magazine.

"Yes boss"

Pumasok na ko sa banyo para gawin yung utos nya.

Hinanda ko yung tualya at sabon nya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng bathtub nang marinig kong sumara yung pinto.

Shit. Please, dont tell me, nilock nya ko dito. Promise wawasakin ko yang pinto! Takot pa naman ako sa mga ganitong sitwasyon.

"Stupid girl"

Nanlaki ang mata ko.

Shit. Nandito sya? Sinara nya yung pinto?... Oh my god!

"C-cole..." nilingon ko sya in a shocked expression.

Nginisihan lang ako ng loko sabay lapit sa akin.

"H-hoy! Ano bang ginagawa mo?" Ugh, kinakabahan ako sa kilos nya ah!

Lapit sya ng lapit habang ako naman atras ng atras.

Napatigil lang ako sa pagatras ng maramdaman ko ang pader sa likod ko. Oh shit.

Nginisihan nya ko. "Looks like you're trapped"

"H-hoy! Wag mo kong mahawak hawakan. Promise, sisipain ko yang ano mo!" Pananakot ko pero tumawa lang sya.

Linapit nya pa yung mukha nya sakin, habang ako naman, nagsusumiksik sa pader.

Shit. Ang lakas na ng tibok ng puso ko! Ok, kalma, Jivril, kalma.

"Aray!" Napasapo ako sa noo ko. Ok, pinitik nya nanaman ako. -_-

Tiningnan ko sya ng masama nung tumawa sya.

"Ano bang trip mo?" Naiinis kong sabi habang hawak hawak parin ang noo ko. Putek, ang sakit mamitik eh!

"Wala. Ang cute mo lang pag inaasar. May naalala ako sayo"

Nanlaki ang mata ko. Naaalala nya na ko?

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi with nag aalalang face look pa.

"Cole, nalala mo na ko?" hindi ko makapaniwalang tanong

Tinanggal nya yung kamay ko sa pisngi nya saka ako tiningnan ng parang ako na ang pinaka wierd na bagay sa buong mundo

Matagal tagal kaming nagkatinginan bago nya pa ibuka ang bibig nya para magsalita. Umasa ko. Na sana 'oo' ang sasabihin nya.

"Hindi"

Bumagsak ang balikat ko at napayuko ako.

"Pero..."

Napatingin ako sa kanya ulit.

"Parang... argh, hindi ko alam. Lumabas ka na nga" naiirita nyang sabi.

Hala. Anong problema neto?

"Labas na" bahagya nya pa kong tinulak.

Binuksan nya yung pinto para palabasin ako pero...

"Oh. My. God"

Tumambad sa amin ang gulat na mukha ni Avery.

Nagpalipat lipat sa amin ni Cole ang tingin nya.

Ok... bakit hindi yata ako makapagsalita?

"What... what are you doing in the bathroom together?" Gulat nya paring tanong.

"Dirty minded bitch" bulong ni Cole sabay tulak sakin at sara ng pinto.

Naiwan kami ni Avery na nakatulala sa pintong isinara nya.

"What was that?" takang tanong ni Avery habang nakaturo sa pinto. Nagkibit balikat ako saka naglakad palampas ka sanya. Psh. Tsismosa 

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now