Chapter 25

811 19 0
                                    


Still in Avery's POV!

Nagising ako dahil sa amoy nasusunog. Dali dali akong napabangon. Shit, anong nangyayare?! At bakit wala si Cole sa tabi ko?

Napatakbo ako pababa nang hindi man lang naaayos ang itsura ko. Dumeretso ako sa kusina dahil alam ko naman na doon nagmumula ang sunog.

Nang papalapit na ako sa kusina ay narinig ko ang pagsigaw ni Cole. Napakunot ang noo ko.

"Shit!... Fuck!... Aw!... Fucking shit! I hate cooking!" Rinig kong sigaw nya mula sa loob ng kusina.

Nang makapasok ako ay nakita ko rin sya. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya napansin ang pagpasok ko. Nakasuot lang sya ng pyjamas at wala syang pang itaas.

Nanlaki ang mata ko nang makitang puro na usok ang paligid. What the hell is he doing?

"What are you doing?" Tanong ko. Agad naman syang napatingin sa akin nang marinig nya ang boses ko.

He smiled at me. "Goodmo- AW!"

Natawa ako nang makita ang reaksyon nya sa tuwing matatalsikan sya ng mantika.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Natatawa kong tanong at saka sya nilapitan.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang kulang itim na nasa kawali. Hindi ko malaman kung ano yun. Basta kulay itim! Tiningnan ko sya at nakatingin lang sya sa akin na parang inosente.

"What is this?" I asked. Kinuha ko ang tinidor at tinusok tusok iyon para makita kung ano ba yon. Parang itlog? Heck, I cant even identify the thing!

"It was supposed to be an omelet but I burnt it." He said sheepishly. "I thought I'd cook breakfast for you but turns out, cooking is not my thing as I sucked at it." Kinamot nya ang batok nya at saka hinapit ang magkabilang bewang ko. "Im sorry. I cant cook for you."

Napangiti ako. He's so sweet!

"Its okay. At least you did'nt set the house on fire." I said jokingly and he just frowned at me. I cant help but laugh.

"I'll just cook for us... Anyway, nasan sila Alex?" I asked. Dapat kase ay sya ang nagluluto ng almusal dahil wala na si Jivril.

"I told them to take a day off. I want today to be just you and me." He winked at me before kissing my nose.

"Well you should'nt have, because it turns out, you cant live with out a cook." I joked again and we both laughed.

"What do you want to do today? Do you want to go shopping?"

"No. I just want to stay here. Tinatamad akong lumabas." Nakangiti kong sabi.

"Hmm. How about we talk about us. You know... tell me everything. Pano naging tayo? How did you fall in love with me?"

Natigilan ako. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung anong sasabihin. Shit. Paano ba to?

Maybe I'll just make stories up.

"A-ahm... Let's do that later. For now... What do you want to eat for breakfast?" I changed the topic. Hopefully, he'll go along with it.

"Hmm..." Tumingin sya sa itaas at umaktong parang nagiisip. Napangiti ako. He's so cute!

Hinapit nya ang bewang ko papalapit sa kanya. "I want you to cook that... orange thing that we ate at the park." Nakangiti nyang sabi.

Unti unting nawala ang ngiti ko. Shit. Hindi ko naman alam kung ano yon at mas lalong hindi ko alam kung paano lutuin yon!

Paano ba to? Anong sasabihin ko? Shit, Avery, mag isip ka!

"Ah... Ano eh... Kase Cole, wala tayong ingredients non. At saka matagal lutuin yon eh. Nagugutom na ko. Next time nalang yon." Ngumiti ako ng alanganin. Nakatingin lang sya sa akin ng matagal bago sya tumango.

"Alright." Unti unti nyang binitawan ang magkabilang tagiliran ko. "Lets just order something. Mukhang nagugutom ka na talaga." Nakangiti nyang sabi at saka pinitik ang noo ko.

Tiningnan ko sya ng masama. God, I hate it when he does that! "Cole naman!" Galit kong sabi habang hawak hawak ng noo ko. Masakit eh!

"What? I like doing that. I love your reaction." He said then chuckled. Inirapan ko lang sya.

"You go clean up our room. I'll just fix this mess." He said then pointed the pan.

Napatingin ako sa kanya. "Our room?" Tanong ko na parang hindi makapaniwala. Yes, we've been sleeping together. Ayaw nya na ako patulugin sa kwarto namin nila Alex dahil sabi nya para lang daw sa mga katulong ang kwartong iyon. But don't get us wrong. Sa dalawang buwan na magkatabi kaming matulog gabi gabi, wala namang nangyayari sa amin. Wala kaming ginagawa. Cole is a gentleman. Minsan nga, nagtatanggal pa ako ng bra pag matutulog, pero iniiwasan nya talaga ang part ng dibdib ko sa tuwing yayakapin nya ko. We can only cuddle or make out but we never had sex. At kung ako ang tatanungin, ayaw ko rin naman. I am not ready for those kind of things. Kaya nga thankful ako na gentleman si Cole.

Ngumiti sya. "Yes. Our room. Kwarto mo na rin yon." Ginulo nya ang buhok ko.

I smiled at him. "Thank you." I said sincerely.

"You're welcome. Everything for you, my princess."

Mas lalong lumaki ang ngiti ko. I love this feeling. Him treating me like a princess.

Tumalikod na ako at saka umakyat para linisin ang kwarto namin gaya ng iniutos nya.

Habang tumatagal lalong humihirap para sa akin ang ginagawa ko. Unti unti na kaseng nakaka alala si Cole. Minsan, napapanaginipan nya ang mga memories nya at tinatanong nya sa akin kung kaylan nangyari iyon, kung anong nangyari pagkatapos non at kung ano ano pang mga detalye tungkol sa mga napapanaginipan nya.

Ayaw ko na naman syang turukan ng pain killer kagaya ng ginagawa ko dati para makalimutan nya rin ang mga naaalala nya dahil unang una, hindi na naman sumasakit ang ulo nya, at pangalawa, sa maniwala kayo at sa hindi ay labag na yon sa kalooban ko. Masyado na akong na kokonsensya para gawin pa yon.

Huminga ako ng malalim.

Siguro kaylangan ko nang umamin. Pero anong mangyayari kapag ginawa ko yon? Alam kong magagalit sya sakin at ipagtatabuyan nya ako at ayoko naman na mangyari yon.

Pag handa na ako. Sa ngayon, wag muna. Hahayaan ko nalang na unti unti akong lamunin ng konsensya ko hanggang sa mapaamin ko. Pero wag ngayon. Wag muna.

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now