Chapter 39

915 21 1
                                    

Dalawang linggo akong hindi pumasok sa Shop sa takot na baka puntahan na naman ako ni Cole doon.  Ayoko muna syang makita. Hanggat maaari,  wag muna. Dahil masyado pang masakit.

Tangina,  akala ko naka move-on na ko. Sa siyam na buwan na hindi ko sya nakita,  naging maayos naman ako. Pero nung makita ko sya,  bumalik lahat ng sakit. Nakakainis. Siguro nga tama si Collin. Ginagamit ko lang ang Shop para magpaka busy at hindi maisip si Cole. Hindi pa talaga ako completely nakaka-move on.

Speaking of Collin,  hindi kaya sya ang nagsabi kay Cole kung nasaan ako?
Tatlong linggo matapos syang umalis dito, biglang sumulpot si Cole... Hindi kaya sya ang nagsabi kung nasaan ako? Naku,  siguraduhin nyang hindi at masasapak ko talaga sya!

Matawagan nga ang mokong. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number nya. Makatatlong ring ay sinagot nya.

"Goodmorning, beautiful." Bumungad sa akin ang husky nyang boses. Mukhang nagising ko yata sya.

"Goodmorning... Goodmorning lang,  walang handsome." Pang aasar ko.  Narinig ko syang tumawa ng mahina.


"Namiss mo ba ko agad? Kagabi lang,  magkatext tayo ah?" Kahit hindi ko sya nakikita ay dama kong nakangisi sya. 


Umirap ako. "Hindi kita namiss. Tumawag lang ako kase may itatanong ako!" Sabay irap ko ulit. Yabang neto!


"Aww." He faked a hurt reaction. "Anong itatanong mo?" Aniya.

"Ikaw ba nagsabi kay Cole kung nasaan ako?!" Pagalit kong tanong.


Natahimik sya saglit. Naku,  Collin!  Humanda ka talaga sa akin kung ikaw ang culprit!


"Si Cole? Bakit? Alam na ba nya kung nasan ka?"

"Hindi, hula ko lang alam nya na." Sarkastiko kong sabi sabay irap. "Oo! Paano nya nalaman kung nasaan ako? Hindi ba't binilinan kita na wag na wag mo akong ituturo? Dalawang linggo na akong hindi pumapasok sa shop sa takot na baka nandoon sya ulit, alam mo ba yon?!" Daig ko pa ang nagra-rap sa bilis kong magsalita.


Tumawa sya. "Slow down,  princess. I can barely understand what you are saying." He chuckled. God, I miss his voice! "Anyway,  hindi ko alam kung paano nya nalaman kung nasaan ka. Bakit hindi nalang sya ang tanungin mo?" Aniya na parang pinipilit paseryosohin ang boses.


"Tinanong ko na! Tinanong ko sya, at alam mo kung anong sinagot?!" Pagalit kong tanong. "I love you, I will go to the edge of the world to find you,  if I have to go to hell to search for you then so be it, ba ba blah ba blah." Sabay irap ko. "Ang dami nyang alam." Dagdag ko pa.


Narinig ko syang humagalpak ng tawa.  "That was cheesy." Aniya na parang nagpipigil ng tawa.

"Ewan sayo." Yun lang nasabi ko.

"Collin..." Napakunot ang noo ko nang marinig kong may tumawag sa kanya sa kabilang linya. Boses babae iyon! Anong ginagawa ng isang babae sa condo nya sa ganitong oras ng umaga?!

Tinignan ko ang orasan na nasa bed side table ko.  Its 7:30am! Dont tell me nagpapatulog sya ng babae sa condo nya?!

"Collin, sino ya-"

"Shit,  Jivril, I gotta go. I'll call you later,  ok? Bye, I love you!" Mabilis nyang sabi saka pinatay ang tawag. Para syang nagpapanic na ewan.

Kumunot ang noo ko.  Mabilis akong nagtype ng text.


To: Collin 😄

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now