Chapter 45

811 22 1
                                    

Days to weeks passed by, walang Cole na nanggugulo sa akin sa shop. Mukhang busy nga sya sa sinasabi nyang networking business nya kuno. Pero sa dalawang linggo na yun, walang araw na hindi naghahatid dito si Castro ng mga regalo na pinabibigay daw ni Cole. Kesyo chocolates, flowers, mga higanting teddy bears at kung ano ano pa. So far, meron na akong tatlong life sized teddy bears na galing sa kanya. At yung tatlong iyon ay halos kasing tangkad ko na. Araw araw din akong hinahatid sundo ni Castro dito sa shop at kung saan man ako magpunta dahil utos daw ni Cole yun sa kanya. Napilitan pa nga akong isama si Castro sa paglakad ng mga requirements ko para makapag-enroll dahil ayaw nya akong lubayan. Mahigpit daw kasing ipinagbilin ni Cole na wag akong iiwan at siguraduhing ligtas ako.

Kaya naman kahit wala sya, ramdam na ramdam ko pa rin ang panliligaw nya.

Sa dalawang linggong lumipas, walang araw na hindi sya nagtext. Actually, minu-minuto nga syang may text. Hindi tuloy ako naniniwalang busy talaga sya.

Sa dalawang lingo rin na yun ay nakumpleto ko ang requirements ko. Balak ko nang lumuwas bukas para makapag-enroll na ako.

At! Sa dalawang lingo rin na yon ay sobrang bihira kaming nag-uusap ni Collin. Nakapag-usap naman kami kagabi, ang sabi nya sasamahan nya ako mag-enroll. Sa dalawang linggo na lumipas, kagabi nya lang ako ulit nakausap. Mukhang busy talaga sya sa pag-aaral nya.

October ay second sem, at saktong sakto dahil hanggang first sem lang din ang natapos namin ni Cole pago kami mag-stop dahil sa nangyari.

Mabuti nalang at pumayag ang school na ipagpatuloy nalang kung saan ako tumigil sa halip na pag-umpisahin ulit ako sa first sem. Sayang rin kasi kung ganun.

Nagring ang phone ko na nakapatong sa bedside table ko.

Kinuha ko iyon at sinsagot ang tawag ni Cole. Palagi namang ganito. Sa dalawang linggo na wala sya, araw araw nya akong tinatawagan tuwing umaga na nagsisilbing alarm clock ko.

"Rise and shine, sleeping beauty." Masigla nyang bati. Kahit na hindi ko sya nakikita ay alam kong malaki ang ngiti nya.

"Goodmorning." Nakangiti kong bati. I have to admit, namimiss ko na rin sya.

"Eat your breakfast before you go to work. Castro will be there in a few to pick you up."

Mukhang kakagising nya lang rin dahil medyo iba pa ang boses nya. Narinig ko pa syang humikab.

"Yes boss." Sabi ko saka tumayo na sa kama ko.

Ni-loud speaker ko ang tawag saka nilapag sa mesa para maitali ko ang buhok ko.

Narinig ko syang tumawa ng mahina. "I'd like it better if you call me,  babe."

Syempre, sa dalawang linggong nakalipas, ganun pa rin sya. Napairap ako.

"Gusto ko, boss." Sabi ko nalang. Narinig ko naman syang tumawa.

"Alright, suit yourself. But someday you'll call me babe." Kampante nyang sabi. Napairap nalang ako.

Nang matapos kong itali ang buhok ko, kinuha ko ang phone at pumasok sa banyo.

Nilapag ko iyon sa gilid ng lababo saka ako ng sipilyo.

"Hey, you still there? What's that sound?" Aniya sa kabilang linya.

"I'm brushing my teeth, Cole. Tumawag ka nalang mamaya." Sabi ko kahit may toothpaste pa ako sa bibig.

Tumawa sya ulit. "Alright, I'll hang up. Mag-iingat ka huh? Text mo ako pag nasa shop ka na para alam kong safe kang nakarating doon. I love you so, so much. Bye, babe." Ibinaba nya na ang tawag.

God, this feeling! Para akong sasabog na ewan. Kinikilig ba ako? Para kasing kinikiliti yung puso ko. Damn, Cole, I miss you so much. Kaylan ka ba babalik?

Natapos ko ang morning rituals ko. Saktong paglabas ko ng kwarto ay ready na rin si Ate Andy.

"Ano, tara na? Andyan na ang sundo natin!" Aniya na tinutukoy si Castro.

Tumango ako. "Oo, saglit lang." Sabi ko saka pumasok ulit sa kwarto.

Niyakap ko ang tatlong malalaking teddy bears na binigay ni Cole.

Actually, napangalanan ko na nga sila. Si Pinky yung pink. Si Maggie yung violet at si Sky naman iyong sky blue. My three favorite colors! Paano kaya nalaman ni Cole ng favorite colors ko?

"Ok, tara na!" Masigla kong sabi nang makalabas ako ng kwarto.

Magkalingkis ang kamay namin ni Ate Andy na lumabas ng bahay.

Wala si Kuya kasi nasa trabaho. Bukod sa care giver sya nitong compound ay nagrereport din sya sa may-ari nito.

"Hi!" Nakangiti kong bati kay Castro bago sumakay sa Van. Binati rin sya ni Ate Andy. Medyo close na yata sila.

"Oh, ano namang regalo ni Cole ngayon?" Tanong ni Ate Andy kay Castro. Siniko ko sya pero tiningnan nya lang ako ng may halong pang asar.

"Wala eh." Ani Castro na nasa daan ang tingin.

"Mukhang nakalimot." Sabay tawa ni Ate Andy

"Hindi naman siguro." Ani Castro.

Nag-usap pa sila kung bakit walang regalo si Cole sa akin habang ako ay nakatunganga.

Hindi naman nya siguro ako nakalimutan diba? Baka busy. Or baka wala na syang maisip.

Hindi naman big deal sa akin yon, ang kaso, nakapagtataka dahil ngayon lang sya pumalya. Siguro nagsawa na sya?

Ayst! Bakit ko ba yun iniisip?

Hanggang sa nai-park na ni Castro ang sasakyan sa tapat ng Sweet Desire ay tahimik ako.

"Salamat, Castro!" Nauna nang bumaba si Ate Andy at pumasok sa shop.

"Salamat." Tipid kong sabi at akmang bababa na ng Van nang pigilan nya ako.

"May TV naman dyan diba?" Tanong nya na ipinagtaka ko pero tumango ako.

May malaking flatscreen TV na sa shop dahil ni-suggest iyon ng mommy ni Collin para daw ma-entertain ang customers.

Tumango tango si Castro.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong

"Pinapasabi ni Sir Cole, mamayang alas sais, ilipat mo sa Channel 57 ang channel. Iyong channel E.B.C.C." Aniya saka in-start ulit ang kotse.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?" Anong meron sa channel na iyon?

Nagkibit balikat sya. "Hindi ko rin alam. Basta lipat mo nalang dun."

Nagtataka man ay nagpasalamat ako saka bumaba ng Van.

Lumipas ang oras, hindi ako mapakali. Tinext ko si Cole kanina na nasa shop na ako at tinanong ko kung ano bang meron doon sa channel na iyon pero ang reply nya lang ay 'You'll know it when you see it' na may wink emoticon. Pagkatapos non, hindi na sya ulit nagtext. Siguro busy.

Hanggang sa nag alas sais, nilipat ko sa channel na sinasabi ni Castro.

At yun. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakikinig sa news.

Oh my god, Cole. Bakit mo ginagawa sa akin to?

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now