Chapter 50

777 23 0
                                    

What the hell was that? Anong nangyare? Did he just... Left a mark? On my neck?

Makailang ulit akong napakurap habang pinoproseso sa utak ang ginawa nya. Napahawak pa ako sa parte ng leeg ko kung san nandoon ang iniwan nyang marka. Ramdam na ramdam ko pa ang init doon na parang hindi pa natatapos ang halik.

He left a mark! On my neck! Pinamulahan ako ng pisngi.

"What the hell, Cole?!" Padabog akong tumayo saka sya hinabol. Ang hinayupak, tumatawa pa habang tumatakbo! "Bumalik ka dito!" Gigil kong sigaw habang pilit syang inaabutan. Pumasok pa sya sa loob ng kwarto kaya naman mabilis ko syang hinabol doon.

"Sira ulo ka!" Sigaw ko. Nang maabutan ko sya ay agad ko syang pinaghahampas.

Nakakagigil! Ang mas nakaka inis pa, eh tawa lang sya ng tawa! Parang hindi man lang nasasaktan! Bwisit!

"Manyak ka! Manyak, manyak!" Sigaw ko habang patuloy ang paghampas sa kanya. Parang balewala lang naman sa kanya ang paghampas ko dahil tawa lang sya ng tawa. Ako pa nga yata ang nasasaktan sa paghampas ko sa kanya! Paano ba naman kase, ang tigas tigas ng katawan! Grabe siguro kung mag work out tong taong to.

"You're hurting yourself, babe." Tumawa sya saka hinuli ang magkabila kong pulso. "Tama na." Ngumiti pa sya ng matamis.

Hay, Cole. Nababaliw na ko sayo. "Ang manyak mo!" Galit kong singhal habang pilit na inaagaw ang pulso ko. Waepek naman dahil sa higpit ng pagkakahawak nya. Nakakaiyak. Wala talaga akong laban! Ganito ba ako kahina?

Ngumisi sya saka ako inihiga sa kama.

"Cole!" Napadaing ako ng malakas nang pumaibabaw sya sakin. Ang bigat! Ilang kilo ba tong lalaking to at pakiramdam ko ay isang sakong bigas ang nakadagan sa akin ngayon? Papatayin pa yata ako! Hindi ako makahinga! "Ang bigat mo!" Hindi ko mapigilang isigaw. Tumawa naman sya saka isinandal ang isang balikat sa kama bilang suporta sa katawan nya. Nakahinga ako ng maluwag. Subalit saglit lang iyon dahil napigilan ko ang paghinga ko nang ilapit nya ulit ang mukha nya sa akin.

"Let me show you what 'Maniac' means." Sabay ngisi nya.

"Cole! A-anong gagawin mo?" God damnit, Jivril! Bakit para akong nanghihina?

"Bubuntisin na kita para wala ka nang kawala." He seductively said then leaned forward to kiss my neck.

"Cole!!" Sinadya kong itapat ang bibig ko sa tenga nya. Hindi naman sya natinag at tuloy lang sa ginagawa nya sa leeg ko kaya naman tinulak ko sya sa dibdib.
Waepek. "Cole!"

Tumawa sya ng mahina. Isang nakakapanindig balahibong tawa.

"Sisigaw talaga ako dito, Cole!" Pagbabanta ko. Pag ako sumigaw, baka magsisugod dito ang mga kapitbahay at gulpihin si Cole. Sus. As if naman magugulpi nila. Eh ang laki laki ng katawan nitong gwapo, este taong to.

Tila hindi naman sya natakot sa pagbabanta ko. Narinig ko syang tumawa ng mahina saka nya ako tiningnan. "Mapapasigaw ka talaga." Maloko nyang sabi sabay kindat.

Alright. That's it. I've had enough.

Lord, wag nyo po sana akong hayaang makapatay ng tao.

"Get off' me, Cole." Mahina at may pagbanbanta kong sabi. Tila naintindihan nya naman na hindi na ako natutuwa kaya agad syang tumayo mula sa pagkakadagan sa akin.

"Hindi na ako natutuwa sayo." Tumayo ako sa inayos ang nagusot kong damit.

"Jivril... Hey, I was just joking." Aniya sa isang malambing na tono.

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now