1st Chapter.

3.5K 60 2
                                    

Jivrielle's POV

Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos ang lahat ng pangyayari

Sa ilang buwan na yon, wala pa ring pagbabago. Ako pa rin si Jivril na nagmamahal kay Cole.

Ang tanga ko lang. Inis na inis ako sa sarili ko dahil di ko sya makalimutan. Hindi ko magawang alisin yung nararamdaman ko sa kanya

Hindi ko maiwasang isipin... kamusta kaya sya? Masaya ba sya?

Masaya ba sya sa pinili nya?

Napabuntong hininga ako

"Huy, girl. Tama na ang tunganga. Kung ano ano nanamang iniisip mo" sabi ni Gab. Isa sa mga katrabaho ko.

Nagtatrabaho ako ngayon sa isang fastfood bilang crew.

Hindi excuse ang pagka broken hearted ko para hindi magtrabaho. Kaylangan namin ng pera, lalo pa't marami na kami. Lumalaki na ang pamilya namin.

"Pasensya na, Gab. May inisip lang ako" sabi ko.

"Ok ka lang? Baka naman may sakit ka?" Tanong nya sa akin.

"Ayos lang ako" sagot ko nalang kahit hindi.

"Sure ka ah? Sige maglinis ka na ng mga lamesa don. Bago pa lumabas yung manager nating chaka"

Nginitian ko sya. "Oo na"

Lumabas na ko para mag linis ng mga bakanteng tables.

"Jivril! Table 9!" Sigaw sa akin ni Emily

Kinuha ko yung tray at sinerve iyon sa table 9

Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng isang lamesa ng mapatingin ako sa kaliwa.

Napatigil ako. Nanlalaki ang mata ko at nanginginig ang hindi ko maigalaw na mga kamay.

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

"Huy, Jivril. Ok ka lang?" Tanong ng isa kong kasamahan.

"A-ah... ikaw muna dito" dali dali kong ibinigay sa kanya ang hawak kong basahan pamunas ng lamesa.

Hindi pa man sya um-oo ay tumakbo na ko sa likod ng counter

Pinanood ko sila.

Hindi ako nagkamali. Sila nga iyon.

Malaki laki na rin ang tiyan ni Crystal. Halatang buntis nga sya.

So hindi nagsisinungaling si Silvia.

Pero nasan si Cole? Bakit si Kuya Andy ang kasama nya?

Talaga bang naghahanap ka ng sakit sa puso, Jivril? Gusto mo pa sila makitang magkasama?

Hindi ko pinansin ang sinasabi ng isip ko at ipinagpatuloy ang panonood sa kanila

Nakita kong sinubuan ni Crystal si Kuya Andy ng chicken...

Bakit parang ang sweet yata nila?

Pumalakpak pa si Crystal na parang bata. Napailing si Kuya Andy.

At sa pag iling nya, di sinasadyang magkatinginan kami.

Shit

Agad akong umiwas ng tingin at nagtago.

Shit. Hindi nya dapat ako makita.

Ayoko nang magkaron pa ng kahit na anong koneksyon sa kanila

"Jivril"

Napapitlag ako kay Gab.

"Ayos ka lang? Kanina ka pa ah" Nag aalalang tanong nya.

Marahil kanina nya pa napapansin ang mga ikinikilos ko.

"A-ah.... Gab, pwedeng mamaya muna ko lalabas? Saglit lang... Siguro mga, 20 to 30 minutes?" Pagapapaalam ko.

"Sure, sige. Magpahinga ka muna"

"Salamat"

Dumirediretso ako sa banyo naming mga crew.

Ewan ko ba pero kinakabahan ako

Alam ko sa sarili kong wala akong ginawang masama kay Cole pero pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko.

Lumabas ako saglit para silipin kung wala na sila.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita silang palabas na.

"Oh. Ok ka na?" Tanong sa akin ni Gab.

Ngumiti ako ng alanganin.

"Ah. Oo, salamat Gab. May bakante na ba?"

Tumango sya sabay turo sa pwesto nina Kuya Andy kanina.

"Ayun, pakilinis na lang" sabi nya.

Tumango ako saka dumiretso sa kaninang kinauupuan nila Kuya Andy.

Nagpuppunas ko ng mesa nang makaramdam ako ng kakaibang kaba.

Makalipas ang isang oras nang mag pasya akong umuwi na.

Hindi pa tapos ang shift ko pero ewan ko ba. Parang kinukutuban ako.

"Gab, papaalam ako kay Manager. Uwi muna ko" pagpapa alam ko kay Gab.

"Bakit? May emergency ba?" Nagaalala nyang tanong.

Nginitian ko sya. "Wala, hindi lang maayos ang pakiramdam ko"

Si Gab talaga. Napaka maaalahanin. Kung hindi lang to bakla, baka nagka-crush na ko sa kanya. Gwapo pa man din. Sayang.

Nakayuko akong nagtungo sa opisina ng manager namin.

Huminga ako ng malalim bago kumatok.

"Pasok" rinig ko ang malalim nyang boses

Marahan kong binuksan ang pinto.

Nakita ko syang nagkakalikot sa cellphone nya bago bumaling sa akin.

"Jivril, ikaw pala. Maupo ka" itinuro nya ang isang upuan sa tapat ng mesa nya.

"Sir, magpapaalam lang po sana ako kung... pwede na kong umuwi?" Pinagpapawisan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Uuwi ka na? Pero hindi pa tapos ang shift mo~"

"Please, Sir. May na~" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may tumikhim sa likod ko.

Marahan akong lumingon.

Shit. Hindi ba talaga nila ako titigilan?
**********

(A/N): Yow, guys! Yan muna for th th first chapter. Mamaya na natin basagin ang inyong mga puso. Hinay hinay lang muna. Chos.. mwahahah

Btw, we have a new character! Please welcome Coleen Garcia as Avery Euson! Ghaad! May bago nanamang karibal si Jivril! (Please dont hate me!) Lol.

Appologies for the late update. And for some typos:(kung meron man) Comments and votes are highly appreciated.

SMB2: Chance of LoveWhere stories live. Discover now