Prologue:
Ang buhay, ika nga, para lang 'yang gulong. Minsan ikaw ang nasa baba at nadadaganan, pero isang araw, ikaw naman ang nasa taas. Patunay na minsan ang buhay, hindi 'rin natin kayang pangunahan.
Sa larangan kaya ng walang katapusang pag-ibig, kailan kaya natin mapapatunayan na hindi dapat natin pangunahan si Destiny? Sino ba 'yang Destiny na 'yan at lagi na lang siyang inaasahan ng lahat? At paano ba nagkaroon ng tinamaan na hugot na 'yan!
Kilalanin si Pierro Sebastian Santos o si Baste, bente-uno anyos. Karaniwang fourth year college student. Nagpapakadalubhasa ngayon sa kursong Mass Communication. Siya 'yung tipo ng lalaki na hindi yung malaBoy-Next-Door ang hitsura. Kung baga sa mata ng mapanghusgang lipunan, isa lang siyang nabubuhay na nilalang. Hindi hipon, hindi rin lollipop. 'Yung tama lang. Wala siya dun kaya naniniwala siya na wala na siyang pag-asang makaranas magmahal. Eh, sa kasamaan nga naman ng kapalaran 'eh, naging sadlak sa kahirapan ang ating leading man ngunit may pampalubag-loob naman ang tadhana sa kanya, pinagpalang maging madiskarte naman ang ating bida para magkapera.
Paano 'pag nakilala na niya si Alliana San Agustin. Bago kayong manghusga ulit, hindi famous o kung ano pa man si Alliana. Simpleng babae. Naglalakad sa hallway at sa school araw-araw na walang mga baliw na estudyante sa ibang storya na akala mo asylum ang school nila dahil pinagkakaguluhan. Ngunit, maganda, sexy, maraming admirers na lalaki, babae, tomboy at kahit mga beki, ngunit tamad mag-aral. Pag sinabing tamad, TAMAD talaga. Hangal nga siyang maituturing pero 'wag ka, rich kid si girl. Kaya afford pa 'din ang panghabambuhay na summer classes.
Ano kayang rambol ang mangyayari sa buhay ng ating bida 'pag pinagsama ang langit at, lupa. Well, si Baste maicoconsider na sadlak sa putik. Hindi siya lupa. Maganda kaya ang kakalabasan ng langit at putik? O, kailangan lang natin tanggapin na hindi talaga magandang tignan ang langit at putik?
Date Started: June 03, 2013
Status: ON-GOING; Editing on process
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...