"ANO?"
'Yan ang sigaw naming lahat sa classroom. Well, sila pala. 'Di ako sumigaw kasi medyo OA naman kung sigaw. 'Yung katamtaman lang. "Ano?" Ganon lang.
"Bakit may reklamo? Ang tanda ko ako ang professor at kayo ang mga estudyante ko. Oh kung gusto n'yo kayo na lang ako professor at ako ang estudyante. O' mas maganda, huwag ko kayong pagraduatin' lahat para magkita –kita tayo next year. Pili!" sabi ni Mr. Jimenez.
Tumayo naman si Ash, ang pinaka-kolokoy sa amin, "Kayo naman Sir, hindi na po mabiro. Push na po 'yan teh, este sir." Sabi niya. Napatawa naman ako dun sa teh. Feel daw kasi ni Ash na bakla daw si Sir Jimenez.
"Moving on, groups of five members lang. Then you'll present the report next week and then doon ko ibabase ang ipapasa ko ngayong Prelims. Nagkakaintindihan?" sabi ni Mr. Jimenez. "Ipasa n'yo na lang sa akin ang magkakagrupo ngayong hapon sa may faculty. Dismissed."
"Paano 'yan Pars? Apat lang tayo. " sabi ni Ash na agad namang sinang-ayunan ni Pete at Ray.
"Sino na lang idadagdag natin?" sabi ni Ray.
Sakto namang pasok ni Alliana na late na sa klase. Bakit kaya late s'ya?
"SIYA!" sabi ko sabay turo kay Alliana. Nabigla pa nga s'ya.
"A-a..Ako? Anong ako? Na-late lang ako kasi ang ganda nung series na pinapanood ko. Nakalimutan kong mag-alarm! 'Wag n'yo kong i-mark na tardy!" sabi niya na defensive pa.
Lumapit 'yung tatlo sa kanya.
"Pangalan?" sabi ni Pete ng seryoso.
"A..A-Alliana San Agustin." Sagot ni Alliana. Nagumpisa na naman ang mga mokong na manakot. Hobby nila 'yan. Lalo na sa mga freshmen. Kunwari nasa canteen, magpaparinig sila sa canteen na, "Grabe 'yung professor natin dati, binagsak ako kasi masyado daw akong gwapo." Eto namang si mga freshmen, maniniwala.
"Ilang taon?" sabi ni Ash.
"Twenty years old po." Sabi ni Alliana na halatang kabado.
"PASOK NA 'YAN!" sigaw ni Pete at nagsasayaw sila na parang tanga na akala mo gameshow ang nangyari.
Lumapit naman sa akin si Alliana at nagtanong, "Anong nangyayari?" Halata sa mukha n'ya ang tanong. Ako naman hindi ko alam kung ikahihiya ko ang mga mokong.
"Teka, magkakilala kayo Baste?" sabi ni Pete. "Ayieeeee." Sabi nila na parang mga tungaw.
"Oo, nagkakilala kami noong isang araw lang."
"Sa wakas may lovelife na ang ating bossing! PIER-IANA!" sigaw nila at nang-asar pa.
"Mga sira, tumigil nga kayo! Nga pala, Alliana, kagrupo ka na namin. May presentation tayo sa isang linggo. Pag-usapan na lang natin mamayang lunch." Sabi ko kay Alliana.
"Pars naman! Hindi naman kami hangin eh. Ipakilala mo naman kami kay Alliana." Sabi ni Ash.
"Ah, Alliana, tatlo ko pa nga palang kaibigan..."
Tinuro ko si Ash, "Ashton Leonardo Santillano." Ngumiti naman si Ash.
"Si Peteriano Sandoval." Kumaway naman si Pete sa kanya.
"At si Raymond Sandozo." At nginitian naman siya ni Ray.
'H'wag kang mag-alala, matitino 'yang mga 'yan. Kakapaturok ko lang sa mga 'yan. Wala 'yang mga rabies." Pagkasabi ko natawa naman si Alliana.
"Grabe ka naman Pars, ginawa mo naman kaming aso n'yan." Sabi ni Pete.
"Bakit, hindi ba?" sabi ko at tumawa kami.
Pumunta naman kami sa shed na malapit. 'Yun na ahalos ang tambayan namin, malapit sa warehouse ng university. Maraming malapit na tuyong talahib. Tuwing may nakikita kaming nakaupo doon, may drama play na kami.
Pagkadating namin, maraming nakaupong babae. Nako, totopakin si Pete ramdam ko.
"Pars, game." Sabi ni Pete. Sabi na ng aba, 'pag tinopak 'to talagang mapapa-oo ka na lang.
Binulungan ko na lang si Alliana, "Kung anuma't-anumang mangyari, makisakay ka ha?" sabi niya. Bago pa naman siya makapagreact...
"ARAY!" sigaw ni Pete. Apat na taon na namin 'tong ginagawa 'pag may ayaw lumayas sa puwesto namin.
S'yempre 'di naman kami magaling umarte kaya medyo tunog scripted. Pero lagi naman nagana.
"Kaibigan ko! Ang aking kaibigan! Anong nangyari sa'yo?" sabi ni Ray na tama lang para marinig nila.
"Na—na—natuklaw ako ng ahas malapit doon sa may shed. " sabi ni Pete na kunwari hindi na makahinga.
"Dadalhin na kita sa hospital, mukhang nandoon pa rin ang ahas sa shed!" sabi ko. Kulang na lang pang-Romeo at Juliet na ang acting namin. Halatang halata naman kay Allian na natatawa s'ya sa amin.
Napakainit sa library dahil lahat ng estudyante nandun. Dito na lang kami presko pa ang hangin. Kaso, naunahan lang kami ng mga babaeng puro nagmamake-up lang naman.
"OMG. May ahas sa shed? Wait tatawag ako ng guard!" sigaw ni Alliana at nanakbo kunwari papunta sa likod ng warehouse na katabi lang ng shed.
Agad-agad naman naming nakita 'yung mga babae na umaalis na. Tapos 'yung iba nananakbo na. Sabi na ng aba eh, hindi papalya ang siraulo na si Pete.
Tumayo na si Pete at Ray at nagpagpag ng damit. "Puro lang naman sila paganda, 'di na lang sila mag-aral? School 'to hindi parlor." Saad pa ni Pete. Tama nga naman ang ating wise friend.
Umupo na nga kami sa shed at nagtatawa. "Ang galling mo umarte Alliana ha?" sabi ni Ray sa kanya.
"Well, I attended acting class sa Italy last year." Sabi niya. Nabigla naman kami.
"Acting class? Spain?" sabi ni Pete. "Samantalang kami, trip trip lang!" sabi ni Pete na kunwari galit na galit. "Anyways, trop aka na din namin Alliana. 'Yun ay kung gusto mo." Dagdag pa niya na agad naman naming sinang-ayunan.
"Well, I had many girl friends.."
"Nako, tomboy ka!" sigaw ni Ray.
"NO! Girl-space-friends! Anyways, marami man sila, but they were all fake. Hindi na baleng puro lalaki kayo pero I know I'd like your company. It doesn't matter who I am with, what's important is, they are true. " Sabi niya at ngumiti sa akin.
"Hahaha! Akalain mo 'yun may company na tayo?" sabi ni Ash.
"Sira ka na talaga!" sabi ni Pete.
At habang puro lokohan kami, ginawa na namin an gaming report. Nakakatuwa talaga, lalo na si Alliana, pinapakita n'ya 'yung maloko n'yang side, puro tawanan kami at saya. Mabuti na 'to. At least kahit papano natutulungan namin si Alliana na makalimutan ang lungkot niya.
Quote of the Chapter:
"It doesn't matter who I am with, what's important is, they are true."-Alliana
~End of Chapter Nine~
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...