~Chapter Fifteen~

11 2 0
                                    

"LATE NA AKO!"

Napasigaw na ako nang makita ko sa orasan na freebie lang sa may Tondo na alas-siyete na ng umaga. Kung ngayon ka pa naman talaga mamalasin! Patay ako nito kay Ma'am Bella. Baka kulang na lang ipakain n'ya sa akin 'yung orasan.

"Baste ano 'yon?" sabi ni Mama.

"Late na ako Ma!"

"Plantsado na damit mo. Maligo ka na at magtoothbrush." Sabi ni Mama at nanakbo na ako pababa sa hagdan. Yes. Improving na kami. May hagdan na kami na may barnis! 'Yung huli, wala 'yung barnis. Ngayon meron na!

Paano ba naman ako hindi malalate ng gising? Akala ko kayang-kaya pa ng katawan ko. Pagkatapos ng night shift ko sa pagcacashier sa convenience store, nagguard pa ako sa malapit na bar sa amin. Mga alas-kwatro na yata ako nakauwi.

Pagkalabas ko sa CR, takbo ako sa mga damit ko at sinuot ko na. S'yempre pagkasuot ko, hindi na ko nanakbo na parang tanga. Mapunit pa ang pantalon ko. Nang matapos ako, nasal abas na 'yung tricycle na pamasada ni Mang Turyong, tatay ni Kokoy.

"Mang Turyong, sa sakayan tayo." Sabi ko at agad namang pinaandar ni Mang Turyong ang tricycle niya.

Ang sarap na umagahan ang usok ng jeep na nasa harapan namin. 'Di naman makapagovertake si Mang Turyong kasi rush hour, baka maaksidente kami.

Bumaba ako at inabutan ko si Mang Turyong ng isang daan.

"Nako Baste, sobra!" wika ni Mang Turyong.

"Okay lang Mang Turyong, pa-buena mano ko na sa'yo ngayong umaga! Ingat ko po kayo!" sabi ko sa kanya at kumaway.

"Napakabait mo talagang bata. Maraming Salamat hijo!" sabi ni Mang Turyong at pinaandar na paalis.

Sinadya ko talagang sobrahan para may kitain si Mang Turyong. Alam ko din naman ang pakiramdam ng isang katulad niya na isang kahig, isang tuka.

Nakasalubong ko naman si Pete na naglalakad.

"Nako, mag-time in ka na sa floor n'yo. Deads ka na naman kay Bella n'yan." Sabi ni Pete at napatakbo naman ako sa elevator.

Hinanap ko naman si Ma'am Bella para humingi ng tawad. Nako, patay talaga ako nito.

"Rina, nakita mo ba si Ma'am Bella?" tanong ko din sa isang empleyado. Paano ko nalaman pangalan? S'yempre may ID siya. H'wag kayong ano d'yan.

"Nakita ko siyang pumasok kanina sa may office ni Sir Augustine tapos naglad papuntang CR." Sagot ni Rina at umalis na.

Pumunta naman ako sa may CR para maghintay pero parang may narinig ako...

...mga hikbi.

Nakita ko si Ma'am Bella, kaunti lang kasi may salamin na bintana 'yung pinto. Nakatayo lang siya, nakayuko sa may salamin at naiyak. Siya 'yung naiyak.

Maya-maya pa lumabas na s'ya.Nagkasalubong kami.

"Ma'am bakit po kayo naiyak?" tanong ko sa kanya.

"..." hindi siya umimik at tinignan ako. "Kung gusto mong tumulong, matuto ka na dumaldal sa mga kaibigan mo sa tamang lugar." Sabi niya at umalis na siya.

Hindi ko maintindihan. Dumaldal? Sa tamang lugar? Hindi kaya?

Agad akong nanakbo sa office ni Sir Augustine. Tama, maaring napagalitan si Ma'am Bella kasi naikuwento ko kila Pete na nabulyawan ako ni Ma'am Bella at baka narinig ni Sir Augustine 'yun.

(loud knocks on the door)

"Come in"

"Sir Augustine. Magandang umaga po. " bati ko kay Sir Augustine.

"Ah, Pierro! Sit down! Sit down! What can I do for you?" sabi ni Sir Augustine ng nakangiti.

"H'wag po kayong magalit sana kay Ma'am Bella. Kasalanan ko naman po talaga 'yun. Hindi ko inayos ang trabaho ko." Sabi ko kay Sir Augustine.

"Narinig ko ang pag-uusap n'yo noon ng mga kaibigan mo. At first, I thought wala namang bago, because that's Bella. Pero noong sinabi mo na hindi mo naman sinasadya, I was angered. Everybody commits mistakes! She should be more considerate since you're an intern not a permanent employee. To think I invited you to work for me." Sabi ni Sir Augustine ng mahinahon.

"Sir, but it's really my fault. H'wag n'yo pong pag-initan si Ma'am Bella. I'll do my best next time." Sabi ko kay Sir Augustine.

"Actually, life after college is like war and peace in the middle. That's why there are internships, to teach you how to handle pressure in the real world. Just understand Bella if she puts too much pressure on you. I know you can." Sabi ni Sir Augustine.

"Maraming Salamat po Sir." Saka ako nagpaalam kay Sir at bumalik na sa trabaho ko. Nakita ko naman si Ma'am Bella na parang balik na ulit sa dati. Lumapit naman sa akin si Ma'am Bella.

"Make the affirmation letter for the five universities of Montefalco Group of Companies. Mahirap? Hindi. Now, move." Sabi ni Ma'am Bella at agad naman akong pumunta sa table ko.

Nawala sa isip ko na ang Montefalco Group of Companies ang may pinakamalawak na branches ng education, culinary, communication, at marami pa. Kaya pala malaking pressure ang nasa opisinang ito.

Sinimulan ko na mag-type na sa limang universities ng affirmation letter. Ang nasa isip ko lang noon ay h'wag mag-isip ng kung anu-ano, h'wag magkamali ng grammar, at h'wag malito sa you're at your.

Quote of the Chapter:

"Actually, life after college is like war and peace in the middle."-Augustine Montefalco

~End of Chapter Fifteen~

Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon