~Chapter Five~

8 2 0
                                    

"Aray!"

"Dahan dahan lang kasi!"

"Pasensya na! Ang sarap kasi!"

Bago pa maging matured content ang istorya ng buhay ko, nahigop ko 'yung kape sa agad. Ang sakit sa dila! Paano ba naman kasi, ang sarap maggawa ni Nanay Conch ng kape. Noong unang tikim, ang sarap talaga. Akala ko nga malamig na, 'ayun, nahigop ko agad.

"Sorry talaga about kanina ha?" sabi ni Alliana sa akin.

"Ano ka ba! Huwag mo nang isipin 'yun! Tsaka, ramdam ko naman 'yung sakit talaga. Pero kung ako tatanungin, dapat 'dun ka nanakbo sa may sidewalk. Hindi sa kalasada. Hahaha!" Sabi ko ng tumatawa. Ganito talaga ako, I always make the atmosphere change once in a while.

"Bakit ba ganyan kayong mga lalaki? Hindi marunong makuntento—"

"Hopya, mani, popcorn! Wait a minute, kapeng mainit! Bago mo ako husgahan ang buong sang-kalalakihan, paalala ko lang sa'yo na hindi lahat ng lalaki ay katulad niya. Lahat ng tao iba-iba. Hindi porket ng kasalanan ng isa, kasalanan na ng lahat. Okay?" sabi ko sa kanya. Humigop ako ng kape at kumain ng cake. Papakabusog na ako para pagkain na lang nila Mama ang bibilhin ko mamaya. Sorry po at parasite na naman ako!

"May tatay ka pa ba?" sabi niya.

"Well, wala na. Nagtatrabaho siya sa America two years ago. Umalis siya ng buhay, bumalik ng wala nang buhay." Sabi ko.

"Oh, I'm very sorry to hear that."

"Nako, huwag mo nang isipin. Katulad nga ng sabi ko, hindi lahat ng lalaki katulad ng bugok mong ex. Si Papa ang best tatay ever. Mahal na mahal niya si mama ng higit pa sa puso niya. Hindi man perpekto nanay ko, pero siya lang ang babaeng minahal niya." Sagot ko.

"He said I'll never be enough for him." Bigla niyang sabi while crying.

Kailangan niyang mailabas lahat ng pain ngayon. I know she needs someone right now.

"Wala ka bang bestfriend na malapit?" sabi ko.

"Marami naman. Pero 'yung mga gawa sa plastic." Sabi niya. "Wala eh. Akala ko sa telenovelas lang 'yun, pero everytime laging shopping, trips tapos all on me." Sabi niya na maiyak-iyak na. "Wala akong kaibigan dito. I never had any real friends. Maybe, it's really lonely to be on top, right?"

"Ganoon ba? Well, if you want, pwede tayong maging magkaibigan! Yes, total ginawa mo nang brown ang uniform ko, at magkaklase din naman tayo." Sabi ko.

"O-okay." Sagot niya. "Sabi niya, hindi daw ako magiging enough. Hindi daw niya maramdaman ang pagmamahal ko. I really guess I'll never be enough for anyone."

"Nako, 'wag ka magself-pity Iana. Don't ever think na nagkulang ka. Sadyang may mga tao talaga na hindi marunong makuntento. Kung hindi niya makita lahat ng magandang bagay sa'yo, siguro never ka niya talagang minahal 'di-ba?" sagot ko.

"'Pag nagmahal tayo, matuto dapat tayong mag-overlook sa lahat ng flaws ng taong mamahalin natin. Pagkatapos noon, makikita natin ang true love. Ang totoo niyan, ang love hindi naman talaga 'yan nakikita agad..."

"...Love is a matter of acceptance. Accepting the best and worst of who you are." Panapos ko. Minsan duda na talaga ako kung ako pa talaga 'to. Masyadong wise na 'yung mga pinagsasabi ko eh.

"Sabagay. May point ka doon. Thank you ha? Medyo gumaan ang pakiramdam ko." Sabi niya.

"Moving on? Sobrang hirap n'yan. Pero para mas dumali, isipin mo na lang ang mga bagay na gusto mong gawin. Be busy, until your heart'll use time to heal itself. 'Kay?" sabi ko and I smiled reassuringly.

"Salamat talaga ha?" At doon, nakita ko na siyang ngumiti.

Tinignan ko ang orasan. Magsisix na pala ng gabi! Shoot! Magaannouncer ako ngayon ng liga sa amin. Two hundred-fifty 'din ang kikitain ko doon. Hanggang eight lang naman.

"Ah Iana, alis na ako ha? May trabaho pa kasi ako."

"What? Trabaho?"

"Oo, since mamatay si Papa, ako na ang bumubuhay sa kila Mama. 'Yung kikitain ko kasi mamayang gabi, 'yun ang ipambibili ko ng pagkain nila Mama. Baka nga gabing-gabi na sila makakain eh." Sabi ko.

"Wait! 'Nay Conch!" sigaw niya sa may likuran.

"Yes po?" dumating si Nanay Conch niya.

"Pakihatid naman si Baste sa bahay nila tapos..." may ibinulong siya. Syempre, bulong nga. Alangang marinig ko 'diba?

"Masusunod po." Sabi ni Nanay Conch.

"Nako, 'wag na Iana! Malaki na ang naitulong mo sa akin! Sapat na itong kape. Hahaha! Tsaka isang jeep lang naman mula dito 'eh! Alam kong sasabihin mon a 'I insist' pero this time, I'll resist okay? Hahaha!" sabi ko ng nakangiti.

"Kahit hanggang sa sakayan na lang? Please?" sabi niya.

"Okay okay!" sabi ko at inihatid na nila ako papunta sa labasan.

Masyadong malawak nga itong village nila. May mga malalaking bahay na pati yata banyo, may aircon. Meron naman na parang gold ang nakalagay kasi nakakasilaw. Kalimitan, wala pang nakatira dito. Siguro, mahal ang lupa dito. Buti pa ang lupa, mahal. Tsk!

Nakarating na nga kami sa may labasan at nagpaalam na ako sa kanila.

"Ingat kayo ha? Maraming Salamat!" sabi ko at tumango sila at mag-ingat din daw ako.

Sumakay na agad ako ng jeep na tumigil. Pagkasakay ko, kasya pa naman ako. Pero grabe naman kasing umupo 'yung ibang pasahero. Nahiya pa silang humiga. Sinusulit nila ang siyete pesos? Kailangan pati in-grown na kuko sa paa nila, nakaupo.

"Makikiupo po." Sabi ko doon sa babaeng malapit. Inirapan niya lang ako at umusod naman siya ng medyo slight. Medyo slight lang naman.

"Dapat mga kwatro na lang ang bayad ko sa driver dahil kalahati lang ang upo ko eh. Hindi pa ako makasandal." Bulong ko sa sarili ko.

Pagkabunot ko ng siyete sa tabi ng bag ko. "Makikiabot po ng bayad." Sabi ko.

"Makikiabot po..."

"Makikisuyo po ng bayad ate." Sabi ko.

Baka jeep yata ng bingi 'tong nasakyan ko ah? O baka naman gusto nila na sisigaw pa ako ng "Manong catch!" at ibato ko doon sa driver.

Kinuha naman ng matandang ale 'yung bayad ko na kahit napakalayo ay kinuha pa din. Nagpasalamat naman ako. Grabe naman 'tong mga pasahero na 'to. Jeep ba talaga 'to o pribadong kotse?

Nakarating naman ako sa basketball court bago magalas-siyete. Late na naman ako. Kapangyarihan ko na talaga 'to eh. Kaya kong talunin ang calltime.

Tinignan nila ang suot ko. Lalo na 'yung katabi kong announcer din.

"Wow pare! 'Yan 'yung sikat na brand ng damit na hindi ko nabili kasi limited edition!" sabi niya.

"Ha?" 'Yan na lang ang naisagot ko sa kanya. Oo nga pala, ibinili pa ako ni Alliana ng damit. Ngayon ko lang napansin na ito 'yung mamahalin na damit sa mall.

Ibang klase talaga si Alliana. Pero bago pa ako makapagisip nagumpisa na 'yung laro at umpisa na din ako sa trabaho ko.

Quote of the Chapter:

"I never had any real friends. Maybe, it's really lonely to be on top, right?" –Alliana

~End of Chapter Five~

Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon