Nasa shed kami ngayon sa may tabi ng warehouse. As usual, nagkakatuwaan kami lagi habang kami naman ni Alliana ay manakit na ang tiyan kakatawa.
"Anong nakakatawa?" sabi ni Kean, nakauniform na din s'ya katulad namin?
"Kean!" sabi ni Alliana at nanakbo kay Kean at niyakap s'ya. "Oh my gosh! Kailan ka pa dumating dito?" tanong ni Alliana.
"Alliana, kagabi lang. Gising na gising nga ako kasi 18 hours akong tulog sa eroplano isipin mo 'yun! Buti na lang nakita ko si cutie mong bf and he kept me company for a while." Sagot niya.
"Hi! Ako nga pala si Kean Santillano." Pakilala naman ni Kean at napatingin kami sa kanya lalo na si Ash.
"Pete Sandoval, nice meeting you!" pakilala ni Pete.
Sumunod naman si Ray, "Raymond Sandozo. Hello. "
"Nice meeting you kagabi, I'm Pierro Sebastian Santos." Pakilala ko.
Pero noong si Ash na, "Psh. Ash Leonardo SANTILLANO." Pagdidiin pa n'ya sa apelyido n'ya. Bakit ba ang init agad ng ulo nitong si Ash?
Nagtawanan sila at nagkuwentuhan at hindi na kami nakinig. Nakita ko naman si Ash na halos maningkit ang mata kay Kean.
"Hoy Pars, bakit ganyan ka makatingin kay Kean?" tanong ko.
"May gusto ka kay Kean?!" sabi ni Pete at lahat naman kami umarteng nagulat. "Kaya pala niyayakap mo ko 'pag gabi 'pag nakikitulog tayo kila Tita Clarisse!" sabi pa ni Pete.
"Ugok! Iniisip ko lang kung lalaki s'ya or bakla." Sabi ni Ash sa amin.
"Well, technically. LALAKI pa din ako bro." biglang singit ni Kean at kindat kay Ash. "Pero mas prefer ko ang boys. I'm a bisexual to clarify things." Sabi pa ni Kean.
"Uyy. May naamoy akong panibagong love story dito?" sabi ko sa kanila at nagtawanan kami.
"Hoy Hoy Baste tumigil ka d'yan ha! Hinding hindi ako magkakagusto d'yan sa... sa..."putol na sabi ni Ash.
"May natamaan?" sabi ko.
"Ano! Ituloy mong lalaking mukhang janitor fish! Ituloy mo!" sabi ni Kean at pinandilatan n'ya ng mata si Ash.
"Boo, feeling ko magkakalovelife na pinsan ko ah?" sabi sakin ni Alliana at sumang-ayon naman ako.
"AKO!? Ako mukhang janitor fish? Baka mabalitaan ko isang araw buntis ka na sa kindat ko pa lang!" Sabi ni Ash. Nag-whoo naman kami. Kasi natatawa ako sa kanila. D'yan nag-uumpisa ang mga love story sa mga istorya eh.
"Wow. Mga kababayan, palakpakan po natin ang lalaking may sperm cell sa mata!" sabi ni Kean at nagpalakpakan naman kami habang tawa ng tawa. "Pacheck up mo na 'yan bro, baka abnormal ka na." dagdag pa ni Kean.
"Arggh!" sabi pa ni Ash at halatang naghahanap ng pambawi.
"Oh, h'wag mo sabihing panget ako. Mas gwapo ako sa'yo. Kahit sila pa tanungin mo." Sabi ni Kean. Well, totoo. Iba yata lahi nitong si Kean. Wala naman siyang make up o kaya kung ano man. Sa pananalita at galaw lang siya medyo feminine.
"Abangan na lang natin kung bukas baka sabihin mo inlove ka na sakin!" sabi ni Ash at halatang pikon na pikon na.
"Hahaha! Hintayin na lang natin hanggang magmakaawa kang sagutin na kita Mr. Ash Leonardo Santillano." Sabi pa ni Kean.
"Pars, tandaan mo, tulak ng bibig, kabig ng dibdib! Baka kainin mo lahat ng sinasabi mo pagdating ng panahon!" sabi ni Pete habang natawa.
Well, sobrang saya ngayon ng grupo gawa ng dumagdag si Kean sa amin at wala na silang halos ginawa ni Ash kung hindi magbangayan.
Sama college life, aral, trabaho ako, date with Alliana, family, friends. 'Yan lang naman ang nahahandle ko. Pero hindi 'yan ang conflict ng buhay ko. Alam n'yo kung ano?
'Eto. 'Etong pesteng jeep na 'to. Nasakyan ko na naman ulit ang jeep na 'to. Ang jeep na ang isinasakay lang yata ay mga binging pasahero. Pero this time, matalino ako! Doon ako sumakay sa likod ng driver.
Naghihintay naman mapuno 'yung jeep hanggang sa ramdam ko na parang may basa ata balikat ko, nakita kong puno na kami.
"Oh, kasya pa tatlo! Tatlo na lang ho para makaalis na!" sabi nung barker.
Tatlo pa? Eh dikit dikit na kami dito? Kulang na lang mag-ulam ako ng paksiw mamaya dahil sa katabi kong lalaki na siya pala ang nagtatago ng waterfalls sa kilikili n'ya!
Noong nakuntento na sila, "Paabot na lang ho ng bayad." Sabi nung driver at lahat sila naglabasan na ng kanya kanyang bayad.
"Bayad ho."
"Makikisuyo naman ho."
"Bayad."
"Makikisuyo 'toy."
"Oh. Bayad."
"Saan ho 'to?" Tanong ng driver at sumagot naman 'yung pasahero. "Saan ho?"
Aba, mahusay. Hindi naman ako na-inform na ang driver pala ang bingi. "Sa San Juan lang daw ho Manong sabi ko." Sabay abot ko sa mga bayad ng mga pasahero isa isa. Hindi rin ako na-orient na magiging konduktor na din pala ako.
Pagkaandar ng jeep, dalawang bagay lang naman ang nagpahirap sa akin. Una, ang kilikili ni Kuya na parang sa g'year ata galing. Medyo amoy mandirigma. Makapisil nga mamaya para may magamit si Mama sa pinaksiwan bukas. Pangalawa, ang long hair ni kuyang driver. Akala mo, model siya ng shampoo dahil lahat na lang ng buhok niya nasampal na ang mukha ko at 'yung iba pa, nakakain ko na.
Ilan lang 'yan sa napagdadaanan ko kada araw. Pero s'yempre, natuto na lang ako magpasensya kasi ganito naman talaga ang buhay. Kung nagrereklamo man ako, sa utak ko lang 'yun.
Pagkababa ko naman ng jeep sa may kanto namin, hinawakan ko 'yung basing damit ko. Kadiri man, inamoy ko.
"Grabe, naging mabangis ang digmaan. Gumuguhit ang amoy sa ilong." Sabi ko naman.
(phone ringing)
Nilabas ko ang cellphone ko at may natawag.
"Huh? Unknown?"
"Hello po?" sabi ko.
"Hello, ikaw ba si Sebastian?" sabi nung boses. Boses lalaki.
"Opo, sino po 'to?" sagot ko naman.
"Ako ang ama ni Alliana. Kailangan nating mag-usap ngayon." Sabi niya at ibinaba ang tawag. May text naman akong natanggap, address lang. Siguro siya din 'to.
Ngayon, 'eto. 'Eto na ang problema ng buhay ko. Paano ko kaya reresolbahin 'to. Kabadong-kabado ako.
Quote of the Chapter:
"Pars, tandaan mo, tulak ng bibig, kabig ng dibdib! Baka kainin mo lahat ng sinasabi mo pagdating ng panahon!"-Pete
~End of Chapter Eighteen~
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...