"Mr. Santos?"
"Mr. Santos?"
*snap!*
Napatingin ako na kaharap ko na pala si Mr. Montefalco. Harap harapan ang galling talaga ipitik ni Ma'am Bella 'yung daliri niya.
"Pasensya na po Sir Augustine!" 'yan na lang ang nasabi ko.
"Kamusta naman ang pagiging assistant ni Bella?" sabi niya.
"Ok naman po Sir Augustine, I get to learn more things each day po. "
"If there's anything you need, let me know okay—"
Naputol ang sasabihin niya nung nag-ring ang telepono niya.
"Yes Mr. Montecillo, I'll be there. Okay... Yes... Definitely Mr. Montecillo." Halos 'yan lang ang naintindihan ko.
"Kaya kita pinatawag dito kasi, we need to get to Mr. Montecillo's house para sa contract signing ng assets and stocks niya. Since malaking shareholder si Mr. Montecillo sa kumpanya, I'd rather give him the papers personally. You and Bella are going with me. We'll leave this afternoon and we'll be back by tomorrow." Sabi niya at tumalikod na—meaning exit frame na dapat kami ni Ma'am Bella.
"Ma'am Bella, matanong ko lang po, saan po tayo pupunta?"
"Sa liblib na province sa Laguna. Base sa form na nakuha namin sa school mo, you're from Laguna and we thought maituturo mo 'yung tamang daan. Also, you'll be the driver. Walang driver na available. Mahirap? Hindi. " sabi niya sabay talikod. "Mr. Santos, life is full of pressure. You need to know how to handle them all at the same time."
Naisip ko na lang, Bakit ko ba nasabi kay Ma'am Bella na may driver's license ako? 'Yan tuloy mapapasabak pa ako sa night driving. Kape! Don't let me down.
"Matanong ko lang po ulit, bakit po ako ang kinuha na driver?" tanong ko.
*snap!*
"Bakit ang dami mong tanong? Print the contract file." Sabi niya sabay abot sakin ng isang flash drive. "Don't mess this up. I-print mo ipatong mo sa table ko. Mahirap? Hindi. Now, go!" sabi niya sabay alis.
Medyo nakakapagtaka ha? Kasi sa aming apat, kaming dalawa lang ni Pete ang marunong mag-drive. Bakit hindi siya 'eh out na siya rin kasabay ko diba? Maya-may tumayo na ako at naalala ko na may utos nga pala si Ma'am Bella sa akin.
Pinrint ko na 'yung papel contract. Hindi ko maintindihan ang nakalagay. Pinrint ko na lang at hang inaantay ko 'yung papel.
"Aray!"
"Dude! Pinaakyat sa akin ni Ma'am Bella 'tong electric fan dito since ang bilis daw mag-init ng printer n'yo." Sabi ni Ray habang isinasaksak 'yung electric fan.
Nadali kasi ako nung ulo ng electric fan. Tumama sa buto kaya napaaray ako. Hindi bale sana kung masaktan lang ako, paano ung masira 'yung damit? Napaka overreacting ko talaga.
"DUDE!" sigaw ko. Binuksan n'ya kasi 'yung electric fan at lahat ng papeles sa table ko lumipad kasama 'yung contract!
"Shoot sorry dude! Hindi ko alam na bukas na 'yun! Isinaksak ko lang!" sabi niya at tinulungan ako na magpulot ng papel.
"Nako dude, hindi ko na alam alin dito 'yung pinaprint ni Ma'am Bella!" sabi ko.
"Kung hindi ka ba naman isa't-kalahating gunggong!" sabi niya at kinutusan pa ako. "'Edi tignan mo sa computer, kung parehas, 'edi 'yun 'yon!" sabi niya.
"Contract, contract, blah, blah, blah. 'Eto 'yung dude!" sabi ni Ray.
"Akin na! Magkakape pa ako at baka antukin ako mamaya." Sabi ko sa kanya.
"Oo nga pala dude. Nasabi na sa akin 'yan ni Pete. Ipagda-drive mo nga daw si Mr. Montefalco papunta sa Laguna?" sabi niya.
"Hindi naman siya ganoong kabilis tsumismis? Oo. 'Eh diba marunong ka rin? Bakit hindi ka kinuha ni Ma'am Bella?" sabi ko sa kanya.
"Ang alam ko may staff meeting daw mamayang 5pm at kasama kami doon kasi interns are considred employees na rin daw."
"Five? Eh mamayang three na ang alis namin!" sabi ko.
"Dude, thirty minutes past two na. Mag-ayos ka na para magmukha kang presentable." Sabi niya. "Sige dude, baka dumating na si Ma'am Bella! Sibat na 'ko!" tapos noon ay umalis na siya.
Nagkape na nga agad ako at nagayos-ayos. Sinuot ko din ang coat na hiniram ko noong isang araw. Dala dala ko 'yan araw araw. Hiniram ko pa 'yan sa anak ni Mang Kadyo! Ganito kasi 'yun, may dinalaw daw s'ya na kamag-anak sa Amerika. Noong namatay, kailangan daw suit ang suot. 'Yun daw ang ginamit n'ya. Hindi na daw n'ya sinuot ulit kasi mainit daw. Hindi naman ako maarte kahit medyo amoy sampaguita pa ang coat niya.
*snap!*
"Pumunta ka na sa ground floor, nakapark doon ang kotse. Nandito na ba 'yung file?" sabi ni Ma'am Bella na nakaayos na rin.
"Yes Ma'am Bella."
"Mr. Montecillo'll be expecting us before dinner. I-expect mo na gagabihin tayo doon but after the signing, we'll be heading home. Naiintindihan?"
"Yes po Ma'am Bella."
Inabot niya 'yung susi sa akin. Wala naman din akong sasabihin kaya oo na lang ako ng oo. Kailangan ko na lang tiisin ang pressure.
Pumunta na ako sa elevator at pumunta sa ground floor at nakita ko na ang kotse ng kompanya. Noong nakita ko, napabulong na lang ako sa sarili ko.
"Nako, 'wag kang sasablay Baste, kahit ibenta mo organs mo, 'di mo mababayaran ang kotseng 'to." At napatawa na lang ako at sumakay na sa loob at ini-start ang makina.
Quote of the Chapter:
"Mr. Santos, life is full of pressure. You need to know how to handle them all at the same time."-Bella
~End of Chapter Six~
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...