~Chapter Twelve~

9 2 0
                                    

"Libre?"

'Yan ang nasambit ko agad ng marinig na may outing ang buong section. Isipin mo naman ang isang linggong outing dahil lang natapos na daw namin ang midterms at dahil intramurals ng university next week at ayaw nilang magparticipate, eh damay damay na.

"Sira! Hindi! Magaambagan tayo." Sabi ni Ash. Siya nga pala ang pinakamaingay na president sa buong university na ito. Katulad nito, hindi talaga siya titigil hangga't hindi nakakasama lahat.

"Ambagan? Pagkain nga namin mamaya hindi ko alam kung saan ko kukunin, ambagan pa kaya? Ang maiiambag ko na lang sa inyo ay panalangin na walang mangyari sa inyong masama at sa girls, sana bumalik kayo ng walang labis at walang kulang." Pagkasabi ko n'yan nagtawanan ang buong classroom. Pati nga si Alliana nahampas ako ng konti dahil sa sinabi ko.

"Sumama ka na Baste, ako na bahala kila Tita Clarisse tsaka sa ambag mo. You need to take a break sometimes." Sabi ni Alliana sa akin.

"Ayoko Alliana! Nakakahiya na kaya sa'yo. Marami ka na kayang naitulong sa akin at abuso na ang tawag pag um-oo ako sa sinabi mo." Sabi ko.

"Oo, at abuso din ang tawag 'pag hindi ka sumama. Tignan mo nga ang katawan mo! 'Konti na lang e' sahog ka na sa bulalo dahil mukha ka nang buto!" sabi sa'kin ni Alliana.

"Aray. Medyo personal ha." Sagot ko ng pabiro.

Nilabas n'ya ang phone n'ya. "I moved on from Matthew. I did what you said and dapat ngayon, ikaw naman ang sumunod sa advice ko." Sabi niya.

"Moved on ka na? Eh nakita ko si Matthew na may dalang bulaklak sa harap ng bahay n'yo kanina. " sagot ko.

"Panget ka na nga nag-iimbento ka pa!" sabi niya sa'kin sabay hampas sa likod ko.

"Araaay!—"

"Masakit ba 'yung hampas ko?"

"Hindi. 'Yung sabihan mo akong panget. Medyo personal. MALAMANG 'YUNG HAMPAS MO!" sigaw ko sa kanya.

"Ikaw kasi eh. Wala na sa'kin si Matthew. Isa s'yang siraulong lalaki na mababaog someday." Sabi n'ya.

"E'di ikaw na ang moved on. Pero hindi pa rin ako sasama." Sabi ko sa kanya. Sayang kasi ang isang linggo ng sweldo ko. Pangdagdag ko 'yun sa tuition ko next sem, lalo pa at magiinternship na ako.

"'Hello Tita...Opo... Opo...Okay na po... Salamat po! Sige po." Sabi niya habang hawak n'ya 'yung telepono.

"Sabi ng nanay mo, h'wag mo daw tangkaing umuwi ngayong linggo dahil wala ka daw uuwian. Pinasundo ko sila sa driver at dadalhin sila ngayon sa resort namin sa Batangas, dadalhin daw nila ang susi ng bahay n'yo at kinandado daw n'ya bahay n'yo. Sabi pa n'ya, matuto ka daw magpahinga." Sabi pa n'ya.

So, literal na wala akong choice?

"Wait." Tuwag s'ya ulit at kinausap ang nanay ko.

"Pinasama ko na ang buong barangay n'yo para wala kang matutulugan. Isang linggo sila doon." Dagdag pa n'ya.

"Ano! Grabe Alliana!" sabi ko. Wala na akong choice kung hindi sumama.

"Wala ka nang choice Baste." Sabi niya na ngingiti-ngiti pa.

"H'wag kang mang-inis d'yan baka bigwasan kita d'yan." Sabi ko na kunwari galit na galit.

"Hoy babae pa din ako!" sagot n'ya.

"Hindi ka babae. Lalaki ka lang na tinubuan ng dalawang siopao!" sagot ko. Piningot naman n'ya ang tenga ko!

"Araaaaay!—"

"PIER-IANA!"

Lahat sila nag-umpisa na mang-asar sa amin. Inumpisahan kasi ni Ash eh. Napakatalaga ng lalaking 'yon.

"Ang baho! Parang isda! Piranha? Umayos ka nga Ash. Gagawa ka na lang ng ganyan 'di mo pa ayusin!" sigaw ni Alliana. "Ano? Sasama ka na ba?" tanong n'ya sa akin.

"Oo na!" sagot ko.

Bakit kasi napakayaman nila Alliana? Hindi ba sila nagbabayad ng tax? Hindi ba sila malulugi sa dami ng tao sa barangay na pinapunta n'ya sa resort! Tsaka nakakapagtaka naman kung siya pa talaga 'yung gumastos para mapasama lang ako.

"Teka, wala akong damit! Saan ako uuwi mamaya?" biglang tanong ko.

"Ako bahala sa'yo pars!" biglang sabi ni Pete. Isa pa 'to. Halos magkakapantay ng yaman si Pete, Ray, Ash at pati si Alliana. Ako lang naman 'tong si isang kahig isang tuka. Sila 'yung isang kahig, forever tuka na lang ng tuka.

Ang pupuntahan daw ay Baguio. Mainit daw kasi. Kanya kanyang dala daw ng kotse. Nakakaamoy ako ng uutusan--.

"Ikaw magdrive Baste ha? 'Yung kotse namin gamitin natin." Sabi ni Ray.

'Ayan na nga. Ako na ang mukhang driver. Ito ang sumpa 'pag natuto ka nang magdrive. Habang biyahe, sila ang tulog, ako ang gising. Ibangga ko kayo d'yan!

"Oo na. Anong balak mo dun Ash?" tanong ko.

"Wala. Malalaki na tayo. Kada grupo lang. Magkikita tayo 'pag gabi na. May hotel naman kami dun na uuwian nila. Papipirmahin ko sila ng waiver 'pag nandun na sila, na 'pag nawala, nakain ng pine trees o kinain ng polar bear, hindi ko na sila sagot." Sagot ni Ash. Siraulo talaga 'tong lalaking 'to.

"Pero alam mo pars, kailangan 'to ng katawan mo. Maaring hindi kailangan ng utak mo, pero kailangan ng katawan mo. Aanhin mo pa lahat nang maiipon mo kung malapit na kitang tapunan ng bulaklak habang nakabarong ka?" sabi ni Ray.

"Tama Ray. Ingatan mo katawan mo Baste, nandito naman kami para tumulong sa'yo. Kaya nga magkakaibigan tayo 'diba?" sabi ni Pete.

"PWE!" sabi naming apat at nagtawanan kami.

"Maraming Salamat ha? Tama na, hindi 'to retreat para mag-iyakan tayo." Sabi ko at tumayo na kami para pumunta sa laboratory.

Quote of the Chapter:

Ingatan mo katawan mo Baste, nandito naman kami para tumulong sa'yo. Kaya nga magkakaibigan tayo 'diba?"-Pete

~End of Chapter Twelve~


Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon