~Chapter Seventeen~

7 2 0
                                    


Hindi katulad ng ibang istorya ang buhay ko. Sabi ko nga, hindi lahat ng bagay na nababasa o nalalaman natin ay makatotohanan. Kalimitan ay kathang-isip lamang. Minsan, dahil likha ito ng mga utak na desperadong mangyari 'yon sa totoong buhay.

Kaya nga may mga pelikula, libro, teleserye at kung anu-ano pa. Mayroon d'yan na mala-Cinderella story. Isasagip si babae ng lalaking kulang na lang ay maging ambassador ng Mister International dahil sa kagwapuhan. O hindi kaya si ate na hindi masyadong kagandahan ay papakasalan ni kuyang escort lagi sa Santacruzan.

May kanya-kanya tayong istorya, kanya-kanyang problema at kanya-kanyang paraan kung paano natin ihahandle ang buhay. Ako? Heto, bantay ngayon sa cconvenience store kaya nakuha kong mag-contemplate ng buhay.

S'ya nga pala, kami na ni Alliana.

Mabilis? Nabigla ka 'no? Well, hindi 'yan ang pinaka-climax ng buhay ko. Sa buhay kasi, kung alam n'yo naman na kayo, kayo talaga. Hindi ko na ikukuwento. Hindi dahil sa hindi maganda o hindi romantic. Best things in life are best reminisced with heart, not with words.

So, ayun. Higit na mahalaga sa buhay ng tao kung paano niya malalagpasan ang mga pagsubok. Katulad namin ni Alliana. Ang mahalaga lang ay kung paano malalagpasan ang pagsubok. 'Pag nalagpasan mo 'yun, masa masarap balikan ang sweet moments, they get much sweeter. Kaya after ng conflict part ng buhay ko, babalikan natin kung paano talaga naging kami ni Alliana.

(cellphone ringing)

"Hello Pars? Nasa convenience store ka ba? Hanggang anong oras ka pa ba d'yan?" si Ray pala.

"Oo, bakit? Mga hanggang alas-dos pa ng madaling-araw bakit?" sagot ko.

"Wala lang, nasaan electric fan sa kwarto mo?" sabi niya.

"Nasa may salas. Teka!!! Nakikitulog na naman ba kayo!" sabi ko sa telepono. Biruin mo naman, may kanya-kanya silang aircon sa bahay, king size na mga kama, tapos makikitulog sila sa papag ng tagpi-tagping kubo?

"Sige, daan ka na lang sa may bintana ha? Ni-lock na ni Ash 'yung pinto tsaka nagkukuwentuhan kami nila Mama. Bye!" sabi n'ya at binabaan na nga ako ng telepono.

Hindi na ako magtataka kung isang araw ay legally adopted na sila at mga kapatid ko na 'yang mga 'yan. Since naging kami na nga ni Alliana, maraming pro's at con's 'yan.

Scenario number one:

May date kami ni Alliana ngayon, dadalhin ko s'ya dun sa favorite naming lugawan. 'Yung lugawan ni Aling Tetchi. Pero bago pa ako makalabas ng bahay...

"Anak, nagdeodorant ka ba? Baka maturn-off sa'yo si Alliana?"

"Anak, medyo baduy suot mo ha? 'Wag mo pagsamahin ang orange at violet utang na loob. Nagmumukha kang kakanin na tinda ni Aling Coring."

"Anak, magpulbos ka man lang. Kakagaling mo lang sa banyo pero 'yung mukha mo nanggigitata na agad. 'Di naman ako na-inform na nasa mukha mo pala ang plantasyon ng langis."

At marami pang iba, nagsimula na silang manglait sa akin. Pati si Chloe. Since paboritong paborito nila si Alliana ay pati yata bilang ng buhok ko sa ilong ay bilang nila.

Scenario number two:

Simula ng maging kami ni Alliana, hindi na ako makatingin sa mata n'ya. Parang may something sa akin na napapangiti at ngiwi ako. Kilig? Oo kinikilig agad ako sa tingin niya.

Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon