~Chapter Eleven~

10 2 0
                                    

"Magandang Tanghali Pilipinas!"

'Yan ang paunang bati ng radyo sa may employee's area. Dahil nga may radyo all around the area, eh kahit saan ako magsuot ay maririnig ko ang boses ni Ray at Pete sa magkasunod na oras. Tiyak maririndi na naman ako nito.

"Noong isang araw nga mga listeners may humingi ng payo sa atin. Ano bad aw dapat ang piliin love or family?" sabi niya.

Hindi ko alam kung nang-iinis talaga itong si Pete sa akin eh. Alam naman niyang medyo sensitibo pa ako sa mga ganyang usapin at talagang pinababalik-balik pa niya.

Habang nagawa ako ng paperworks na iniutos sa akin ni Ma'am Bella ay naririnig ko pa rin siya. Wala naman akong choice kung hindi pakinggan ang nakakarindi niyang boses kaya imbis na magalit ay nakinig na lang ako.

"Alam n'yo mga listeners, mahirap talaga 'yan. Kumbaga sa chess, CHECKMATE ka na. Wala kang magagawa 'pag pinapili ka. Kaya nga nauso ang tanan 'diba? Pero mga listeners, piliin n'yo kung ano ang sinisigaw ng puso n'yo. Kung anuma't-anuman ang mapili n'yo, siguraduhin n'yo na walang masasaktan. Magpaliwanag kayo both sides." Sabi ni Pete. Sabin a ng aba mas magaling magbigay ng payo sa akin ang mokong na 'to.

Napatigil naman ako sa pagttype. Naisip ko ang nangyari last nine months. Kahit naman lalaki ako, marunong din ako masaktan. Marunong din akong umiyak. Hindi naman nakakabawas o nakakadagdag ng pagkalalaki ang pag-iyak.

*snap!*

"Bumaba ka sa ground floor, kunin mo ang folders na nakaassign sa floor na 'to. Tapos ipamigay mo sa mga employees sa tenth floor. Mahirap? Hindi. Galaw!" sabi niya at napatayo naman ako agad at naglakad ng mabilis papunta sa ground floor.

Tenth floor? Eh 'yun ang floor nila Pete ngayon. Nako naman! Aalaskahin lang ako ng mga 'yun eh.

Pagkakuha ko ng mga papeles na hindi naman ganoong kadami ha. Mga isangdaang kopya lang naman. Feeling ko nanandya na si Ma'am Bella eh. Pero dapat positive lang dapat!

Pagkalabas ko ng elevator ay dumiretso na ko sa employee area ng tenth floor. Hindi ko maintindihan ang nakasulat kaya ginaya ko na lang ang ginawa ni Ma'am Bella na sunod sunod kong binigay 'yung mga papeles.

Noong matapos ako mamigay eh napadaan ako sa booth nila Pete. Tinignan ko nga kung kamusta na ang trabaho niya. Sinenyasan naman niya ako na pumasok.

Ako naman 'tong si ulol, pumasok.

"Bakit?" bulong ko sa kanya.

"BIgyan mo nga ng advice 'to. Ihing ihi na ako! Kailangan ko ng mag-air within two minutes. Kaya mo 'yan ha. Magkaboses lang tayo halos. In-off ko muna 'yung live streaming. Paltan kita agad pagkatapos ko sa CR." Sabi niya at tumakbo na paalis.

Paano ba naman kasi, mahilig uminom ng uminom ng tubig, alam naman niya na maihiin s'yang tao. Napasubo pa ako sa pag-DDJ. Kaya ko naman, dahil Mass Comm naman kaming tatlo 'diba?

"Nagbabalik ako mga ka-listeners! Basa po muna tayo ng text message! Una, galing kay Teddy mula sa Cavite, Anong apelyido ni Cedie?" basa ko. Ano daw Cedie? Cedie?

"Player. Cedie Player kuya. H'wag kang ano d'yan! Hahahaha!" at pinindot ko naman 'yung sound effects para kahit papano ay may support naman ako sa kacornihan kong taglay.

Feeling ko, nasa portion ako ni Pete ng "Ano ang first at Last Name?". Ito daw ang naisip n'yang pakulo para daw maraming dumating na texts at dumami ang listeners. Magsesend daw sa kanya nga kahit anong first or last name, tapos siya ang sasagot ng kadugtong.

Wala akong choce kung hindi sinagot ko ang mga tanong nila. Nako, h'wag sana akong isumpa ni Pete sa pagkawala ng listeners n'ya.

"Okay na Pars! Salamat ha!" bulong sakin ni Pete. Agad naman akong umalis sa booth, nakakahiya kaya. Narinig pa ata ang kacornihan ko sa buong kompanya.

Bumalik na ako sa table ko at tinapos ang mga gawain ko. Napabalik na naman ako sa pag-iisip tungkol sa nangyari nine months ago. If it weren't for her, I wouldn't feel loved for once in my life. Pero bakit naman gano'n?

*snap!*

"Tumawag sa akin ang employees ng tenth floor! They are complaining na puro maling papeles daw ang ibinigay mo sa kanila! Ano ba 'yan Mr. Santos! Simpleng trabaho lang hindi mo magawa! Tinuruan kita na mamigay ng folders accordingly!" bulyaw sa'kin ni Ma'am Bella.

"I-I'm sorry Ma'am Bella. Nangangako po ako na hindi na po 'to mauulit."

"I don't want to hear promises from a person failing a simple task. " sabi niya at talagang beastmode na beastmode siya. "Ayusin mo ang trabaho mo Santos." Sabi niya sabay alis.

Medyo na-down ako sa mga sinabi niya. Siguro kakalutang ng utak ko ay hindi ko na napapansin ang trabaho ko na dapat pinag-aayos ko. Ito lang ang susi para maiahon ko sa hirap sila Mama kaya 'di dapat ako pumalya.

Maghapon akong hindi inutusan ni Ma'am Bella. Pansin ko nga na hangga't maari siya na ang nagawa ng simpleng tasks. Nakakahiya naman kay Ma'am Bella kasi nawalan na siya ng tiwala sa akin. Sabi nga naman niya sa unang meeting namin, we can't afford mistakes because we become mistakes ourselves.

Pagkatapos ng oras ng internship ko ay hinintay ko sa baba sila Pete, Ray at Ash. Buti pa 'tong apat na 'to, mga heartthrob talaga ang mga itsura. Samantalang ako, mukhang alalay lang nila.

"Oh Baste bakit nakabusangot ang mukha mo ngayon?" sabi ni Pete.

"Nako, siguro napagalitan kasi ako ni Ma'am Bella kanina dahil mali 'yung naibigay kong mga papeles." Sabi ko sa kanila.

"Nako Pars, okay lang 'yan! Parte talaga ng buhay ang magkamali 'diba?" sabi ni Ash.

"Tsaka, alam mo naman na beastmode lagi si Ma'am Bella 'diba? Narito tayo para sa internship pati kaya magpasalamat na lang tayo." Dagdag pa ni Ray.

"Sige sige mga Pars. Tara doon sa lugawan ulit tayo!" akag ko sa kanila.

"Libre mo?"

"Hindi ko naman mukhang libre Ash? " sabi ko kay Ash na lagi nilang libre ang gusto bago sumama. "Anong oras na ba Pars?" tanong ko kay Pete.

"Alas otso na Pars." Sagot niya.

"Nako, mabilis lang tayo ha? May trabaho pa ako!" sabi ko sa kanila.

"Pars, gabi na ah? Bakit gabi ang trabaho mo?" sabi ni Ash.

"Kasi panggabi lang talaga 'yun." Sabi ko sa kanya.

"PARS! Alam ko namang sadlak ka sa putikan, pero BAKIT MO IBINIBENTA ANG KATAWAN MO?" sabi ni Ash na kala mo naghihysterical na. "Hindi ko akalain na isa ka palang kalapating mababa ang lipad!"

Kinutusan ko nga ng isa, "Siraulo! Kung binenta ko katawan ko, umaga na, wala pang nabili! Lugi pa ko sa puhunan!" sabi niya na agad naming itinawa.

"Siguro snatcher ka sa gabi 'no?" sabi ni Pete.

"Isa ka pa!" binigyan ko nga ng isang kutos pa 'to. "Malinis akong tao!" saad ko. "Saan ba kayo nakakita ng 24/7 na convenience store na umaga lang bukas!" sabi ko pa at naglakad naman ako papunta sa lugawan na malapit.

Ramdam ko may nakatingin. Ramdam ko lang naman. Buti hindi ako manhid.

Quote of the Chapter:

"Parte talaga ng buhay ang magkamali 'diba?"-Ash

~End of Chapter Eleven~

Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon