"ARAY!"
"'Ayan, mga butinga sa inyo. Umalis tayo ng alas-kwatro ng umaga tapos mahigit pitong oras na biyahe ni hindi man lang kayo gumising para pakainin ako? Napakasasama n'yo talaga." Sabi ko.
Biniglang preno ko ang kotse noong nagparking na ako sa hotel. Paano ba naman, ni hindi man lang naalimpungatan ang mga kumaw simula makaalis kami sa bahay ni Ray. Ako pa ang sinusundan ng lahat ng kotse ng mga kaklase namin kasi ako lang ang may alam ng daan. Kulang na lang kainin ko 'yung manibela para mabusog ako!
"Ay! Sorry naman bespren. Akala namin paggising namin, hapon na. 'Yun pala tanghalian pala. Ray, bigyan ng award 'yan!" sabi ni Pete na nakuha pang magloko.
"Oh 'eto ang gawad ulirang kaibigan award para sa pagddrive ng walang kain o tulog." Sabi ni Ray sabay abot sa akin ng mga bag nila.
Aba! Kung hindi ba naman isa't-kalahating utak-isaw 'tong lalaking 'to ah! Driver tapos taga-buhat pa ng bag nila? Bago sila makababa, pinaandar ko ang kotse.
"Saan tayo pupunta Baste?" sabi ni Alliana.
"Uuwi na. Sabi n'yo ipahinga ko katawan ko, pero parang mas mapapagod pa yata ako dito eh." Sabi ko.
"Ikaw naman Baste! Hindi ka na mabiro! Joke lang! Pamasahe ka na lang kay Ash mamaya!" sabi ni Pete. Pinatay ko na 'yung makina at bumaba.
"Ano bang gusto mo mahal na prinsipe?" sabi ni Ash.
"Higaan, gusto kong matulog." 'Yan lang ang sinabi ko. Totoo naman. Alas kwatro kami umalis. Nagtrabaho pa ako hanggang alas tres ng madaling araw. Wala akong tulog. Buti na lang sanay ang katawan ko na hangga't walang higaan, hindi nakakatulog. Hindi ko kaya matulog ng nakaupo o kaya nakasandal.
"Pars naman! Hindi ka pumunta ng Baguio para lang matulog! Sana binigyan na lang kita ng aircon para matulog ka sa inyo 'diba?" sabi ni Ray.
"Ganito na lang, masarap daw kape nila dito. Lumagok ka ng isang gallon." Dagdag pa ni Ash.
"Napakatalino mo talaga Ash!" sabi ni Alliana. "Ikaw kaya painumin ko ng ganong kadami tignan natin kung hindi ka kabahan d'yan sa mga pinagsasabi mo!" sigaw ni Alliana.
"Minsan kasi kulang kulang din 'tong si Ash, Alliana. Alam mo na 'pag galing ng rehab talaga, medyo kailangan ng pag-unawa." Sabi ni Pete na itinawa namin.
"Rehab? Sa gwapo kong 'to?" sagot ni Ash.
"Ang lakas ng hangin! Tara na pumasok sa hotel baka liparin tayo!" sabi ni Alliana. "Mabuti sana kung mabango 'yung hangin. Ang baho eh." Dagdag pa niya.
Pagkatapos naming makapasok sa hotel, pumunta sa reception si Ash.
"Magandang tanghali po Mr. Santillano." Sabi nung receptionists. Sama sama naman kami sa waiting area kasama 'yung mga kaklase namin. Bumalik naman agad si Ash.
"Mga boys, 'eto room n'yo. Limang rooms 'yan. Kayo na bahala maghati-hati. Please lang po, h'wag kayong mag-uwi ng kumot at twalya. Lalong lalo na 'yung aircon at TV h'wag n'yong iuwi. " sabi niya sabay tawanan ng lahat. Tumayo na 'yung mga boys at pumunta na sa rooms nila. In-assist naman sila ng mga hotel maids.
"Girls, ganon din ha? Baka iuwi n'yo 'yung bathtub at shower. H'wag n'yo din iuwi ang kurtina ha?" sabi ni Ash sabay may pagkindat pa. "Alliana, gusto mo ba sumama sa kanila o bigyan na lang kita ng sarili mong kwarto?" tanong ni Ash kay Alliana.
"Siguro, sariling kwarto na lang. Wala kasi akong kaclose sa kanila. Baka maout-of-place lang ako. Tatambay na lang ako sa kwarto n'yo tapos 'pag matutulog na kayo, pupunta na ako sa kwarto ko." Sabi ni Alliana. "I'd rather be where my friends are." Panapos n'ya.
"Okay! Magandang idea 'yan babaeng halimaw." Napatingin naman sa kanya si Alliana ng masama. "Mga Pars! Atin ang rooftop! May apat na king size beds doon at Jacuzzi!" sabi ni Ash na ikinatuwa naman namin.
Sumama naman samin si Alliana at mamaya na daw s'ya maglilipat. Hallway pa lang may chandelier na. 'Yung receiving area nga, halos mabulag na ako sa dami ng kumukuti-kutitap eh. Ang daming ginto ginto sa paligid. 'Yung sahig nila na parang salamin ang nilalakaran namin, 'susko!
Pagdating namin sa rooftop, kulang na lang lumuwa ang mata ko. Ako lang. S'yempre hindi na bago 'to sa apat. Baka nga kwarto lang 'to ng maid sa kanila eh. Makapag-hardinero na lang kaya sa kanila?
"Pinasadya ko na talaga ang kama at ayos ng rooftop para sa atin guys. 'Yung kwarto mo Alliana, VIP room 'yun, okay lang?" sabi ni Ash at tumango naman si Alliana.
"Nagugutom na ako Pars, kain na tayo sa baba."sabi ko.
"Don't worry. Meron na dito sa loob. " sabi pa ni Ash.
Halos lumuwa naman 'yung dila ko sa dami ng pagkain. Grabe 'yung katawan ko, kung anu-ano ang lumuluwa. Walang dignidad ang parte ng katawan ko eh, grabe.
"Anong gusto mong pagkain Baste, kuha na kita!" sabi ni Alliana na nakangiti.
"Ah, Eh—Ako na lang Alliana! Kain ka na din!" sagot ko sa kanya.
"No, no, let me! Pagod ka nang magdrive, kaya ako na lang. Ano gusto mo?"
"Ka—kahit ano! Salamat!" sabi ko. Nakakapanibago lang si Alliana. Mabait sakin tapos parang laging beastmode doon sa tatlong ugok.
Parang 'yung tanghalian namin ay gawa ng mga iskulptor at painter. Artwork na 'to eh. Nakakahiya naman kainin! May parang swan pa na gawa sa yelo. Ano 'yan ilalagay ko sa softdrinks? Samantalang 'yung tinda ni Mang Kadyo na yelo eh 'yung labas lang ang yelo, 'yung loob tubig na.
"'Eto oh! One of each. " sabi ni Alliana ng nakangiti. Medyo naweweirduhan na ako kay Alliana pero hinayaan ko na lang kasi baka nagiging mabait lang siya. Binigyan n'ya ako ng tig-isang serving ng lahat.
"'Eto juice. Freshly squeezed daw 'yan from Sagada Mountains 'yung orange!" sabi niya sabay abot sa akin ng juice.
"Thank you Alliana ha?" sabi ko sa kanya. "Kumain ka na." sabi ko sa kanya.
"I'm full, makita lang kitang busog, busog na din ako." Narinig ko pero mahina.
"Ha?"
"Ah! Sabi ko busog ako! Hehehe!" sagot niya.
Nako, Alliana, medyo weird ka ngayon ha!
Quote of the Chapter:
"I'd rather be where my friends are."-Alliana
~End of Chapter Thirteen~
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...