Kaliwa't-kanan naman ang galaan na naganap sa Baguio. Shopping sila kaliwa't kanan. Ako wala akong balak mamili pero sila na ang namili para sa akin. Ligtas na nga ang pasalubong kasi may pasalubong na sila kay Mama lalo na ang tatlong mokong na kala mo sila ang anak.
"Maganda 'to kay Tita Clarisse" sabi ni Alliana habang hawak sa dress.
"Magugustuhan 'to ni Tita Clarisse." Ani ni Pete habang dala dala ang sandamukal na peanut brittle.
"Bagay 'to kay Tita Clarisse." Sabi ni Ray habang hawak ang iba't-ibang hand-knitted products ng Baguio.
"Matutuwa nito si Tita Clarisse at Chloe." Sabi ni Ash habang hindi nagpatalo habang may biniling furnitures.
"Wow naman guys. Kayo anak?" sabi ko sa kanila sarcastically. "Bakit hindi n'yo pasalubungan pamilya n'yo? Bibilhan ko sila Mama mamaya." Dagdag ko pa.
"Done."-Alliana
"Tapos na. Kanina pa Pars." –Pete
"Well, no need kasi anytime na gustong pumunta ni Dad dito, one helicopter away lang s'ya."-Ray
"May tindahan kami dito bro. No need na."-Ash
"Sabi ko nga!" sabi ko. Ang daldal ko kasi. Ayan tuloy, nasampal pa ako ng katotohanan na 'di na nila kailangan ipamili parents nila kasi rich kids sila.
Nagrenta pa ng isang jeep sila Ash kasi hindi na kasya sa jeep ang pinamili nila.
"Nakakahiya naman sa inyo guys. Ako nga walang maipamili para kay Mama eh." Sambit ko habang nagdadrive.
"Sus! Wala 'yun. Napakabait kaya ni Tita Clarisse at Chloe. Siya na rin 'yung nagturing saming anak. Ramdam na ramdam namin na halos kapatid ka namin." Sagot ni Ash na agad namang sinegunduhan nila Alliana, Pete at Ray.
Pangalawang tip sa buhay, "All good things come at a cost." Hindi lahat ng bagay sa mundo, libre. Siguro, mangarap libre. Pero lahat ng kasunod, may bayad na. Hindi naman sa ano, pero mayaman sila ngunit ang bayad 'dun, bilang lang sa daliri ng kamay kung ilang beses lang nila makita ang magulang nila. Kulang sila sa pagkalinga ng magulang. Kaya nga nand'yan si Mama para sa kanila.
"Wala 'yun kay Mama. Wala rin naman din akong choice kasi 'pag makikitulog kayo eh dala n'yo na 'yung mga gamit n'yo kaya sapilitan ko kayong pinatutulog." Sabi ko.
"Maiba ako, mamayang gabi anong balak mo Ash?" sabi ni Alliana kay Ash.
"Wala? Kung gusto n'yo nature walk na lang tayo mamaya sa likod ng hotel namin?" sabi ni Ash.
'Yung laki ng hotel nila ganoon din ang kinalaki ng park sa likod nila. Parang hacienda na nga eh. May nangangabayo na talaga sa background.
Nakarating kami sa hotel at ibinaba namin 'yung mga napamili dahil may magdedeliver daw ng lahat ng mga pinamili nila sa bahay namin.
"Guys, salamat talaga ha?" sabi ko. "Salamat naalala n'yo si Mama. Tiyak matutuwa 'yun!" sabi ko.
"Sus, magkakaibigan tayo. H'wag kang magdrama. Hindi talaga bagay sa'yo drama." Sabi ni Ray.
Kinagabihan, napagdesiyunan nga namin na mag-nature walk. May nakahanda ng camp fire para sa amin. Duda ako sa apoy. Feeling ko pati apoy, may ginto. Baka nga ang ginamit na pang-ningas dito, pera. Paano ba naman kasi, 'yung apoy nasa palayok na may ukit pa talaga.
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...