Isipin mo naman 'yun mga Pars. Bakit ba lagi sa istorya, laging 'pag mabubuhay pa ang bida, pipilitin pa din s'ya patayin ng author at mga scriptwriter? Katulad ko. Dapat mabubuhay pa ako. Dapat nga baling buto lang ang mayroon ako. Pero ano, heto ako ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ako.
"Baste?"
Sino ba 'yun. Anyways, mga Pars. Wala akong regrets dahil alam ko kung wala na ako, ligtas sila nanay at ligtas ang mga kapitbahay ko. Ligtas sila, 'yun lang ang mahalaga para sa akin.
"Baste? Doctor! Nurse! Tulungan n'yo kami doc!"
Napakaingay. Pero sa isip ko, parang lumiliwanag? Alam mo 'yung nasa loob ka ng isang horror booth noong high school kayo tapos 'pag nakita mo na 'yung liwanag doon ka pupunta kasi nandoon 'yung pintuan? Tanda ko pa noon kami ni Ray, Pete at Ash noon. Sila minamanyak ng multo samantalang ako, pinagkamalan pa akong multo. Naglakad naman ako papunta sa may liwanag.
"Check vitals!"
"Cardiac seizure po Doc!"
"Blood pressure decreasing 110 to 60."
Tanda ko pa noon kung paano ipagtanggol ni Mama si Pete kasi inaway naming tatlo noong bata pa kami. Nilagyan kasi namin ng bubblegum sa ulo. Hindi matanggal kaya 'ayun nag-iiyak si Pete kay Mama. Matagal ng walang pamilya 'yang tatlo na 'yan. Puro hiwalay at sinusustentuhan na lang. Si Ash naman may magulang pa rin pero nasa ibang bansa lagi.
"Nag-ffail po ang lungs n'ya doc!"
Hanggang sa wala na akong narinig na maingay. Medyo nalindol lang sa isip ko pero tuloy pa rin ako sa paglakad.
Naalala ko na may pamilya pa pala ako.
Napatigil naman ako sa paglakad.
Tama may pamilya ako! May pamilya ako na dapat balikan. Hinihintay pa nila ako. Kailangan ko silang bigyan ng magandang buhay bago ako mawala.
"Defribillator!"
"Clear!"
Nanakbo naman ako sa ilaw na unti-unti nang nawawala. Paano na sila Pete, Ash, at Ray? Kahit naman ganoong 'yung mga 'yun alam kong kapatid na rin ang turingan namin.
Pagkadating ko sa may ilaw, unti-unti kong nakikita. Puti.
Maputi ang paligid. Nasa hospital ako.
"Mr. Santos, can... hear... Mr. Santos?" sabi nung doctor na nakikita ko. Hindi ko siya masyadong marinig pero nakikita ko s'ya.
"If you...hear...blink once." Sabi noong doctor at chineck ang vitals ko.
"Igalaw mo nga ang daliri mo." Naigagalaw ko naman ang kamay ko kaya pinagalaw ko ito.
Nasa hospital ako? Paano ako napunta dito? 'Di kaya?
Tama, sa pagguho ng bahay ni Mang Turyong nakasama ako sa gumuhong bahay nila na nasusunog.
Maya maya umalis na sila. Pero may pumasok na isa. Nakaheadcap siya at mask. Si...
Si Sir Augustine Montefalco.
"Pierro. Mabuti naman gising ka na. Matagal-tagal ka na ding tulog." Sabi naman n'ya. "Teka, h'wag ka nang magsalita. Malala pa ang burn scars mo." Burn scars?
Hindi na ako nagtaka dahil natabunan ako ng nasusunog na bahay. Masuwerte pa nga ako na nabuhay ako.
"Sabi ng head ng police, arson daw ang nangyari. Sinadya raw ang panununog ng mga bahay sa inyo." Saad pa niya.
Paano? Wala naman akong kasalanan!
"I'll know kung sino ang nagtangkang sunugin ang kabahayan niyo." Dagdag pa niya.
"About the families, ako na ang tumulong sa kanila. Wala namang sugatan. Lahat sila pinatira ko sa village na pag-aari ko rin." Sabi naman niya.
Hindi ko maiwasang umiyak. Ano ba ang naging kasalanan ko para parusahan ako ng ganito at idinamay pa ang mga taong malapit sa akin.
"Nangangako ako Pierro, justice will be served for you and your loved ones." Sabi naman niya at pumasok na ang doctor.
"Mr. Santos. Are you okay now?"
Tumango naman ako bilang sagot. "Your body suffered third degree burns mostly 90%." Hindi naman galit na galit ang apoy para sunugin ang buong katawan ko?
"Mabuti na lang at nasagip ka nila or you could have died in there." Dagdag pa niya.
"Nagkaroon ka pa ng saksak malapit sa intestines mo." Hindi ko alam kung anong goal ni Doc. Matakot ako na nabuhay pa ako?
"How should I say this? We need to conduct plastic surgery after the observation." Sabi ng doctor. "Gusto mong makita?" pinanglakihan ko naman siya ng mata para sabihing hindi. 'Yung normal nga, ayoko nang makita, ano pa 'yung sinunog?
"You're still under observation. When every vital is okay, we'll proceed to your surgery." Sabi nung doctor at umalis na.
"You've been the hero to your family, friends, and loved ones. You saved a life hijo and that's no money can ever repay." Sabi ni Sir Augustine.
"Also, natapos na ang graduation n'yo."
WHAT? I've been asleep for six months?
"Don't worry nagawan ko na siya ng paraan at nakuha mo na ang diploma mo. After all of this, may naghihintay na sa'yong pwesto sa kompanya kasama ang mga kaibigan mo."
"Get rested hijo. Pupunta lang ako sa police to follow up your case. I hired the best investigator and loyal polices for you. Don't worry."
Pinahid naman niya ang luha ko. "People are not always good. You'll learn how to avoid them. But the best thing to learn is how to defend yourself when you're hurt." At kasabay noon ang pag-alis niya.
Ipinangako ko sa sarili ko na pagkagaling ko, hindi ako papayag na hindi sila makulong. Hindi bale kung ako lang ang tinangkang patayin pero idinamay niya ang pamilya ko.
Oo, mahirap ako.
Oo, wala kong kakayahan.
Pero, hindi na ako magiging mahina.
Ipaglalaban ko kung anong tama.
Makilala n'yo na si Pierro Sebastian Santos.
Quote of the Chapter:
"People are not always good. You'll learn how to avoid them. But the best thing to learn is how to defend yourself when you're hurt."-Sir Augustine
~End of Chapter Twenty-Two~
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...