*snap!*
"Habit mo ba talaga ang tumulala?" sabi ni Ma'am Bella. "I-arrange mo 'tong mga papeles alphabetically. Gusto ko malinis ang bawat rack na 'yan. Maliwanag?" sabi niya.
"Opo Ma'am Bella." Sagot ko.
Umalis siya 'nun at pinuntahan sa office is Mr. Montefalco. Nagiging habit ko na ata ang pagtulala, pangalawang linggo ko pa lang, nako naman! Kung hindi lang talaga ako...
"Dude!" sabi ni Pete.
"'O Peteriano?" sabi ko.
"Balita ko sa floor namin, ikaw daw ang assistant secretary ngayon ah? To think na internship pa lang, bigatin ka na agad?" ani niya. "Balita ko pa, never pa daw kumuha ng interns ang kompanya na 'to dekada na ang nakalilipas." Panapos niya.
"Hindi ka naman tsismoso nang lagay na 'yan ha?" sabi ko habang napapailing.
"Kasi nga daw pars, wala daw nakakatiis kay Ma'am Bella. Tuwing may intern daw dito nun, lagi daw nagreresign kasi gawa ni Ma'am Bella. Patay ka 'nan pars!" saad pa niya habang natatawa.
"Sus pars. Kayang-kaya ko 'to. Mas masahol pa nga 'yung naging boss ko dati sa burger stand. Laging masungit tapos amoy mandirigma pa. Kinaya ko naman!" sabi ko habang confident na confident na tinitignan siya. "Teka, saan ba kayo na-assign?" dagdag ko.
"Si Ash, technical staff 'dun sa may broadcasting station sa may seventh floor. Si Ray at ako naman, student DJ sa broadcasting, magkasunod na oras." Sabi niya.
"Wow naman! Dumi-DJ ka na ngayon ha? Pabati naman ako Pars! Pahinging love advice!" tsaka tumawa ako habang nag-aarrange sa mga apelyidong nakakalito. Dimaugong, Dimaguiba, Dimanalo, Diocampo.
"Gusto mo malaman love advice ko para sa inyo?"
"Anong "inyo" ka d'yan! Bilang ako ang assistant secretary, humayo ka na 'dun Pars!" sabi ko habang taboy sa kanya.
"Nako, kinain ka na ng Sistema Pars. Alam mo, 'eto lang advice ko ha---"
Tinulak ko na siya palabas ng office at kung ano namang hugot sa buhay ang ibibigay n'ya na kahit papano, tumatama sa puso ko.
"Pars!" sabi niya sa may salamin na dingding. Medyo blurred ang boses pero naiintindihan ko. Sinenyasan naman n'ya ako ng 12'o-clock para siguro sa lunch break. Tumango na lang ako tapos dumiretso sa aayusin ko.
"Nasaan na nga aba ako? Reyes, Rozo, Ruam, San...Agustin?"
Napailing na lang ako. Dahil pag inisip ko na naman siya 'eh, tuloy-tuloy naman 'to.
*snap!*
"Focus Pierro! Kailan pa nauna ang S sa Q?" sabi niya. "Alphabetizing is not that hard. Don't make it one for me." Sabi niya sabay upo doon sa silya niya.
Inayos ko na 'yung trabaho ko at tinapos 'yung pag-arrange ng sandamukal na folders. May binigay 'din na isang lamesa si Sir Augustine para sa akin.
*snap!*
"Done? Sundan mo ako." Sabi niya at naglakad na naman palabas. Tanging 'yung tunog ng high heels n'ya ang maririnig mo hanggang nakaabot kami sa stockroom.
"You need to know how I run things around here. Hindi ko na sigurong i-explain pa kasi—"
*snap!*
"...may mata ka."
*snap*
"...at hindi ka retarded. Nagkakaintindihan?"
"Opo Ma'am Bella." 'Yan na lang ang naisagot ko kasi ang galling niya mag-flick ng fingers. Para siyang magician na anytime may trick na gagawin. Sabagay medyo luting ako ngayong mga nagdaang araw kaya 'di na ako nagtataka.
Kumuha ako ng notepad at nililista ang mga ginagawa niya. Mahirap na, baka mawalan pa ako ng internship. Nagsimula siya sa pagkuha ng folders na may laman na papeles tapos inaabot niya sa akin. Umabot halos na benteng folders ang dala dala ko.
Pumunta kami 'doon sa floor na puro employee ang laman. Tapos abot siya ng abot. Hindi nangiti, hindi rin nagsasalita.
"Bawal kang magkamali sa documents na iaabot mo. Nasa broadcasting media tayo, we can't handle mistakes or we become mistake ourselves. Naiintindihan?" sabi niya.
"Yes Ma'am!" Sabi ko ng nakangiti. Ayokong magpalamon d'yan sa kung anu-ano na 'yan.
Tumunog 'yung parang headset ni Ma'am. Receiving headset yata 'yun?
"Why did you let him? Okay. Pupunta na ako d'yan." Sabi niya tapos tinapos 'yung tawag. "Follow me." Utos niya.
"Umalis 'yung technical staff ng broadcasting committee na naghahandle ng calls and texts from audiences before basahin ng DJ. Now, I need you to be that technical staff." Sabi niya.
Bago pa man ako nakaangal...
"May reklamo? Wala. " sabi niya na pautos.
Nakarating nga kami sa booth tapos nagpapanic na nga silang lahat. Nakita ko din si Pete na s'ya na 'yung nakasalang na mag-DDJ this hour.
"Simple lang ang gagawin mo. When this (sabay turo sa telepono) rings, you'll answer it. Tanungin mo sila ng basic information like name, address and age. Then alamin mo ng bahagya ang pakay tapos 'pag okay na, put the on hold. 'Pag pabati naman, write it here (turo sa bond papers) then ipaskil mo sa harap nung DJ's. Mahirap? Hindi. Don't mess this up." Sabi niya at umalis na.
Nakakapressure naman 'to! Kanina lang may hawak akong folders, ngayon technical staff na ako. Hindi na ako magtataka 'pag bukas inaayos ko na 'yung tubo sa CR.
So, dahil medyo may pressure, hindi ako makapagsalita ng diretso sa phone. Puro ako bulol pero dapat masanay na ako.
May isang caller kanina. 'Yung boses parang familiar. Pero sabi naman niya, Conchita daw pangalan niya. Maybe hindi s'ya 'yun.
Since wala pa namang tawag, nakinig muna ako sa pagdaldal ni Pete sa radyo.Tawa lang siya ng tawa doon. Pero hindi na ako magrereklamo. Unang tip para sa buhay, matutong makuntento sa kung ano ang meron ka. Huwag maghangad ng mas mataas dahil ang lahat ng bagay, may tamang panahon para d'yan.
"Hello! Pangalan, age at 'san sila nakatira please?" sabi ni Pete.
"Conchita Asuncion po, 20 po, Lucena, Quezon po. Hi po DJ Pete!" sabi nung caller.
"Bakit po tayo napatawag? Ganda ng name mo ate ha? Medyo oldies!"
"Hihingi lang po sana ako ng advice sa inyo DJ Pete."
"Ganun ba? Sige! Kwento mo at bibigyan ka namin ni DJ Nikks ng advice."
Medyo one hour na pala ako dito. Napansin ko na palapit si Ma'am Bella. As usual, hindi s'ya nangiti.
"Santos, pinapatawag ka ni Mr. Montefalco. Follow me." Sabi niya at napatayo naman ako agad. "Paltan mo si Santos sa pwesto n'ya." Utos n'ya doon sa isang trabahador na nakatayo lang.
Bakit kaya ako pinapatawag ni Mr. Montefalco? Nako, baka nainis si Ma'am Bella sa'kin kasi lagi akong natulala. Patay ako nito!
Quote of the Chapter:
Unang tip para sa buhay, matutong makuntento sa kung ano ang meron ka. Huwag maghangad ng mas mataas dahil ang lahat ng bagay, may tamang panahon para d'yan.
-Baste
~End of Chapter Four~
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...