"Araaaay ko..."
"Dahan dahan lang kasi."
"Ash, bakit kasi ang laki n'yan!"
"Sige, wait lang!"
"Aray! Ang hapdi!"
Galing kami sa banquet hall pero pagbalik namin para sana dumalaw kay Alliana pero 'eto ngayon 'yung dalawa, ang lalaki na ng mata nila dahil nakikinig sila sa pintuan. Para silang timang kasi rinig naman kahit hindi mo idikit ang tenga sa pinto.
"Buksan mo na Ray. Hindi ko alam na nagbago na si Ash!" utos ni Pete.
Pagkabukas ng pinto...
"ISA KANG AHAS! AHAS KA! RAPIST! Hindi porket may itsura tayo eh aabusuhin na natin! Malaswa! Rated SPG! OmyGod akala ko ba sacristan ka noong High School kayo? Akala ko ba..." sigaw ni Pete.
"ANO?" sigaw ni Alliana at Ash.
Nakaupo si Alliana at nakahawak naman si Ash sa ice pack na nasa ulo ni Alliana. Bakit ba laging nagmumukhang matured content ang buhay ko?
"Bakit may aray kaming narinig?" sabi ni Pete. "Magsabi ka ng totoo Ash kung hindi mabaog na ang sinungaling!" sabi ni Pete. Si Pete talaga, masyado.
"Ganito kasi, napadaan ako kanina. Narinig kong may kalabog sa kwarto ni Alliana at pagkapasok ko nahulog s'ya. May hangover yata." Sagot n'ya.
"Nalasing ka ng sobra sa wine? May hangover pa!" sabi ni Ray.
"Don't judge me. First time ko 'yun!" sagot ni Alliana.
"Ano 'yung malaki?" dagdag pa ni Ray.
"Bakit ba kasi may malaking vase dito Ash! D'yan ako nauntog! 'Di bale sana kung 'yan ang nabasag. Bungo ko ang nabasag yata." Sabi ni Alliana. "Ang hapdi tuloy ng ulo ko." Dagpag pa niya.
"Ah, ganoon ba? Sabi na nga sacristan talaga si Ash noong High School. 'Eto kasing si Ray, binubulungan ako." Sabi ni Pete.
"Nagsisihan pa kayo ha? Mga timang kayong lahat. Tara na, kakain!" sabi ko sa kanila.
"Teka guys, may ginawa ba akong hindi tama kagabi? May kalokohan ba akong ginawa?" sabi ni Alliana habang nag-aayos na ng buhok niya.
Nagkatinginan naman kaming apat hanggang 'yung tatlo napatingin sa akin. Pinanglakihan ko naman sila ng mata.
"May ginawa ako 'no? Kilala ko kayong tatlo, 'pag may tinatago kayo parang nagiging kuwago kayo gawa ng mga ulo n'yo tapos nagpapalakihan pa kayo ng mata. Oh, anong ginawa ko?" sabi ni Alliana at humarap sa amin. "Hindi naman 'yan malaswa ha?" saad pa niya.
"Hi-hindi ahh!" sabi ko. "Wala kang ginawa, sadyang ganyan lang 'yang tatlo 'pag gutom. Parang manok. Tara na. Kakain na tayo." Sabi ko sabay hila sa kwelyo ng tatlo. "H'wag kayong maingay, kung hindi kayo ang mababaog." Bulong ko sa kanila.
Ang totoo n'yan, 'di ko alam ang ibig sabihin o pakiramdam ng nagmamahal. 'Pag kasama ko si Alliana, parang gusto ko siyang alagaan. Masaya ako 'pag nand'yan s'ya. Minsan bago ako matulog, bigla na lang papasok sa isip ko 'yung nakngiti n'yang mukha.
Kung sakali man na 'yan ang pag-ibig. Sorry na lang, pero wala akong panahon d'yan. Literal na wala kasi may night shifts ako.
Nauna namang maglakad si Pete at Alliana kasi talagang tinatanong ni Pete si Alliana. Pero mukhang may balak 'tong mga 'to.
"Pars, aminin mo na." sabi ni Ray.
"Aminin na alin? HINDI AKO BAKLA!"
"Hahaha! Tungaw ka talaga. Ang ibig kong sabihin, aminin mo na. May gusto ka kay Alliana." Sabi ni Ray.
"Pars, h'wag mo nang itanggi. Iba ang mga tingin mo kay Alliana. Tsaka iba ka mag-alaga kay Alliana. Hindi mo naman 'yan ginagawa sa lahat." Singit naman ni Ash.
"Alam mo 'yun Pars! Parang may sparks kayo 'pag nag-uusap? Tsaka, gusto ka naman ni Alliana." Sabat naman ulit ni Ray.
"Dami n'yong alam, bakit hindi kayo. O ayan." Sabay tulak ko nung dalawa paharap.
"Pero seryoso Pars, kalian mo aaminin sa sarili mo na may gusto ka kay Alliana? Halos ilang buwan na tayong magkakakilala o." sabi pa ni Pete.
"Kung may gusto man ako sa kanya, hanggang 'dun na lang 'yun." Sabi ko.
Teka...
"'Edi inamin mo 'din." Sabi nung dalawa at naglakad papunta sa harap at inakay si Pete. Naiwan tuloy kami ni Alliana.
"Anong problema ng tatlong 'yun?" sabi pa ni Alliana.
"Utak. May problema sila sa utak." Sagot ko at nagtawanan kami ni Alliana.
Nakarating naman kami sa banquet hall at 'yung tatlo ay nakuha na ng pagkain doon sa catering.
"Upo ka na. Ikukuha na kita ng pagkain." Sabi ko kay Alliana. Malamig ata talaga dito sa Baguio. Dahil namula na naman pisngi n'ya bago ako umalis.
"Pars, bakit dalawa pinggan mo? Mag-uuwi ka? Nako naman Pars, pinadalhan ko na sila Tita ng grocery. H'wag kang mag-alala. " sabi ni Ash at agad agad nakakuha s'ya ng mainit-init na kutos.
"Timang! Para kay Alliana 'to." Sabi ko. S'yempre, 'yung tatlo, ngiting aso naman at biglang, "AYIEEEE. PIER-IANA!" at nang-asar na sila.
"Akala ko ba forever na tayong single mga Pars, naunahan pa tayo ni Baste." Saad ni Pete.
"We're so happy for you!" at nagiyak-iyakan pa si Ray.
"Best Wishes!" sabi nung tatlo.
Natawa naman ako sa kalokohan ng tatlo habang nagsasandok ako ng pagkain namin ni Alliana. Siguro puro pang-aasar ang matatanggap ko sa tatlong 'to.
"Dude, seriously. Umamin ka sa kanya. Be a man. Those feelings need to be heard and felt. Those are not meant to be displayed." Sabi pa ni Pete.
Nagpalakpakan naman ang dalawa. Wise words. Aamin ba ako? Teka! May gusto ako kay Alliana? Bigla namang napatalon ang puso ko. Totoo? May gusto ako sa kanya?
Quote of the Chapter:
"Those feelings need to be heard and felt. Those are not meant to be displayed."-Pete
~End of Chapter Sixteen~
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...