~Chapter Twenty-Three~

6 1 0
                                    

"Ay putek!"

Biglang sigaw naman ni Pete. Nabigla naman kami kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Araaaay." Sabi niya. Nasugatan pala si Pete. Nagbabalat kasi siya ng prutas.

"Hindi ka kasi nag-iingat. Ray, linisan mo nga ng sugat si Pete." Sabi ko sa kanila.

Oo nandito pa rin ako sa hospital. Halos pangalawang buwan ko na dito. Kakatapos lang ng operasyon ko. Sinabi ko naman sa kanila na maayos lang hitsura ko ay okay na. Hindi naman ako naghahangad ng heartthrob. Pero kung ganoon? Sige aarte pa ba ako?

"Kayong tatlo kasi, ang tagal na ng graduation, bakit hindi pa kayo humanap ng trabaho? O kaya manahin n'yo na ang mga kumpanya ng magulang n'yo?" sabi ko sa kanila.

"Well, mapera magulang ko. May kanya-kanya na silang pamilya at hindi nila ako priority. Sapat na 'yun para maghanap ako ng sarili kong trabaho. Hindi ako aasa sa kanila. Psh." Sabi naman ni Pete.

"Ganun din ako, parang si Pete." Sabi naman ni Ray habang nililinis pa rin ang sugat ni Pete.

"Ako? Ayoko! Anong kinalaman ko sa hotel hotel na 'yan! Tsaka kung saan kayo, doon na rin ako. Si Kuya na bahala doon." Sabi naman ni Ash at napangiti naman ako.

"Tsaka, sabay sabay tayong maghahanap ng trabaho. Ano ba kayo!" pagkasabi ni Pete sabay pasok ni Sir Augustine kasama ang doktor.

Si Sir Augustine ang umaasikaso sa akin. Araw-araw siyang nadalaw kasama ni Ma'am Bella. Sinuspinde nga muna ni Ma'am Bella ang kasal n'ya kasi gusto daw n'ya naroon ako.

"Hindi n'yo na kailangang maghanap ng trabaho!" pambungad ni Sir Augustine.

"Po? Bakit po?" sabat ni Ash.

"Dahil ikaw..." turo ni Sir Augustine kay Pete.

"...Ikaw..." turo niya kay Ash.

"...ikaw..." turo niya kay Ray.

"...At syempre, my most valuable asset, Pierro." Tinignan n'ya ako.

"I want to hire all of you in my company as soon as Pierro gets better." Sabi ni Sir Augustine na agad naman naming ikinatuwang apat.

"Bilisan mong magpagaling d'yan. 'Pag ako iniwan ng asawa ko, patay ka sa'kin." Biro sa akin ni Ma'am Bella. Ang totoo niyan, ganoon pa rin si Ma'am Bella. Pero pagdating sa akin, nakikipagbiruan siya. Nalaman ko nga na ang papakasalan niya ay nine years na mas bata sa kanya, isa daw Thai na lalaki.

"Kamusta na pakiramdam mo Mr. Santos? I'm so sorry if we can't let everybody here in your room. I can only limit you as many as their presence." Sabi naman sa akin ni Dra. Espinosa, siya ang umopera sa akin.

"Okay lang po Doktora. 'Eto po maayos ayos na po. Parang kakaiba lang sa nakasanayan." Sabi ko naman sa kanya.

"Basta 'yung mga bilin ko ha? H'wag mo kakalimutan?" sabi naman n'ya at inexamine n'ya ang vitals ko at ang mukha ko na balot na balot ng benda.

"Doc, matanong ko lang po. Ano pong hitsura ni Pierro 'pag natanggal na 'yung mga benda sa mukha n'ya?" sabi naman ni Pete at agad naman siyang binatukan ni Ray. 'Malamang tao? Alangang maging paru-paro 'yan?' Bulong pa sa kanya ni Ray.

"Well, tomorrow is actually the day we will lift the bandages, and you will see the results tomorrow." Sabi ni doktora sa amin at umalis na nga siya.

"Maraming salamat po sa lahat Mr. Montefalco, ang laki po ng utang na loob ko sa inyo." Sabi ko kay Sir Augustine ng sinsero.

"Pierro, wala 'yun. Habang hinihintay natin ang imbestigasyon kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, kailangan asikasuhin mo ang sarili mo." Sabi naman ni Sir Augustine sa akin.

"A-ano po ba ang pwede kong gawin para makabawi sa inyo?" sabi ko kay Sir Augustine at hindi ko na napigilang umiyak. Marami nang naitulong sa akin si Sir Augustine at utang na loob ko talaga sa kanya ang buhay ko.

"...be like me."

"Po?" Maging siya? "Hindi ko po maintindihan..."

"Pierro, listen and listen you must." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

"You're not living if you're not surviving. Surviving is a part of human race. We survive to live." Sabi niya sa akin.

"...Life will always be headache. Life will always give you problems. But then, you'll learn that being good is not enough. You need to play LIFE's game..."

"...Be tough, be strong, and be clever..."

"...Life will find its way to overcome you. Overcome struggles and you'll have a good survival towards life..." sabi niya sa akin.

"...Hijo. H'wag mo nang hayaan na tapak-tapakan ka. It's time for you to grow up."

Naiintindihan ko na. Gusto ni Sir Augustine na matuto akong lumaban. H'wag kong hayaan na lunurin ako ng problema, insecurities at kahit ng mga tao sa paligid ko.

"Naiintindihan ko na po. I promise Sir Augustine. Tomorrow, you'll see the new me." Sabi ko sa kanya at nagkaroon ako ng perception that it's time for me to walk onto the path of success.

Pero of all the bad things that happened to me, nageexpect pa rin ako na pupunta siya, na dadalawin ako ni Alliana.

Quote of the Chapter:

"Life will find its way to overcome you. Overcome struggles and you'll have a good survival towards life."-Sir Augustine

~End of Chapter Twenty-Three~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon