~Chapter Two~

13 2 0
                                    


*snap!*

"Handa ka na ba Mr. Santos? Kakausapin ka ni Mr. Montefalco about sa internship mo dito sa kompanya." Nabigla ako noong narinig kong may pumitik na daliri, si Ma'am Bella lang pala, ang secretary ni Mr. Montefalco.

So, gumana na naman ng aking pagka-scanner. Ini-scan ko si Ma'am Bella, tipikal na middle-aged woman. Hindi rin siya nangiti. Sabi nga nung receptionist kanina, matakot na daw ako. Ewan ko kung bakit.

Well, kasama ko yung tatlong mokong. Wala daw iwanan. Eto na yata ang mga ka-forever ko eh. Internship, trabaho, at pamilya. Kailangan ko silang ma-handle ngayong taon. Wala na akong panahon para sa iba.

Umakyat kaming lima, kasama si Ma'am Bella. Hindi nga kami naimik kasi baka pandilatan na naman kami nito ng mata. 'Yung tunog lang ng heels niya ang maririnig mo sa sa hallway. Kitang-kita namin kung gaano kabusy ditto sa network station na pinasukan namin. Si Mr. Montefalco ang may-ari ng nangungunang broadcasting company sa bansa. Actually, dapat sa local stations lang kami pupunta ngunit may natanggap akong isang letter noong isang araw.

Dear Mr. Santos,

A day of blessing!

We at Montefalco Group of Companies are looking for internship recipients this year. We have known that your university are looking for a company to work with. With that matters supposed to bound with each other, we would like to invite you, along with your classmates to apply your internship here in our company. We would be glad to assist you. If ever you're interested, please contact the information attached herewith. Thank you very much.

Signed:

Mr. Augustine Montefalco

Head of Montefalco Group of Companies

Nagkataong problemado ako noon sa pamasahe kasi medyo malayo ang pagaapply-an ko. Hindi pa sigurado kung tatanggapin kasi ang balita ko eh ang kinukuha nila e' 'yung taga-kabilang university. Para hindi na ako mamroblema, ito na lang pinili ko.

Noong pagkatawag ko nga, kinausap kami nung receptionist at sinabi ko pangalan ko. Sabi niya papasundo daw ako sa company car. Masyado namang hospitable ang kompanyang ito aba. Pagkasakay ko nga kanina, nahiya yung sapatos ko na binili ko lang sa tiangge. Crocs na ata 'tong sapatos ko. Literal na crocodile na kasi medyo nangangain na.

Pagkadating namin sa harap ng opisina ni Mr. Montefalco...

*snap!*

"Kakausapin kayo ni Mr. Montefalco one by one. Habang naghihintay kayo, fill up this form. " sabi niya sabay abot sa amin ng mga papel.

"Behave. " sabi ni Ma'am Bella at pumasok na sa loob.

"Grabe dude. Ang strict ni Ma'am Bella. Hula ko walang asawa 'yan. " Sabi ni Ash at nag-tawanan na naman sila. "'Diba Pete 'yung mga tipo ni Ma'am Bella ang gusto mo?" Pahabol pa niya.

"Ako'y tigilan mo ha. Ang hirap magsulat 'pag ganitong walang lamesa, ihahampas ko sa'yo papel." Sabi niya ng pabiro.

"Hmm. Full name?" bulong ni Ash. "Sa tagal ko na sa college halos masanay na akong Ash Santillano lang ang nilalagay ko sa sa ng documents ko. " sabi niya.

"Bakit? Nakalimutan mo na pangalan mo Abo?" sagot ni Ray. "Ikaw si Ashton Leonardo Santillano! Hahahaha!" Sabay tawanan namin.

"Tama na ang baho!" Sagot ni Pete.

"Ay 'oh! Nagsalita si Peteriano Sandoval!" sabi ni Ash. Itinawa ko naman talaga 'yun kasi ang baho ng Peteriano. "Palibhasa ang ganda ng pangalan niyong dalawa. Pangmayaman! Raymond at Pierro. Samantalang kami, pangalan pa ata ng lolo niyo ito. " dagdag pa niya.

Nagtatawanan namin kami ng biglang lumabas si Ma'am Bella. "Mr. Sandoval." Idinaan ni Ma'am Bella sa tingin si Pete na pumasok sa loob. Tumayo naman si Pete at sinundan si Ma'am Bella.

Inabot ng halos tig-iisang oras sila. Pagkatapos nilang interviewhin, may nagaassist sa kanila at 'di ko na nakakausap.

"Mr. Santos." Ako na kasi ang natitira dito at pumasok na ko sa loob.

Medyo nakakakaba. Ganito 'yung pakiramdam ko noong magaappply ako sa fastfood chain na pinagtatrabauhan ko. Parang gusto kong maihi na himatayin ng sabay sabay.

Si Ma'am Bella nakatayo lang sa gilid habang sinenyasan si yung lalaking nasa table.

"Goodmorning, ahhh. Mr. Santos... Mr. Pierro Sebastian Santos?" sabi nung lalaki.

"Goodmorning po Sir." Sagot ko.

"I am Augustine Montefalco, Owner of Montefalco Group of Companies. Nice meeting you hijo." Sabi ni Sir Augustine at nagbasa siya sa form na sinulatan ko.

"Uhm... Thank you po Sir Montefalco---"

"Don't mention it hijo. Call me Sir August na lang okay? So, naghahanap din naman kami ng additional help sa kompanya that's why I asked Bella to contact you immediately." Sabi niya.

"Paano n'yo po ako nakilala Sir Monte.., Sir Augustine?" sagot ko.

Hindi agad nakasagot si Sir Augustine at medyo nagpaling-linga siya ng tingin. "You were suggested by the faculty of Mass Communications sa kompanya. " sabi ni Ma'am Bella.

"Ganun po ba? Marami pong salamat kung ganoon Sir Augustine, ang totoo po niyan, namroroblema po ako sa hahanapin ng internship. " sagot ko sa kanila.

"No worries hijo. I gave your friends different fields ng trabaho base sa skills nila. For you, you'd be Bella's assistant. Lahat ng i-utos sa'yo ni Bella, susundin mo. Understood?" sabi ni Sir Augustine.

"Yes sir! Understood po. Thank you so much Sir."

"You may start today. Ikaw na bahala sa kanya Bella. " sabi ni Sir Augustine.

"Yes Sir. Mr. Santos, let's go. "Nauna na ako papunta sa labas at napansin kong magkausap pa sila.

Medyo napalakas nga boses nila eh. Pero inisip ko na lang na mas mapabilis 'to, mas mabilis kong matutulungan na maiahon sa hirap sila Mama.

At para makamove-on na din ako. 

Quote of the Chapter:

 "Pero inisip ko na lang na mas mapabilis 'to, mas mabilis kong matutulungan na maiahon sa hirap sila Mama. "

-Baste

~End of Chapter Two~

Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon