(Nine months before internship)
Naglalakad ako ngayon papasok ng eskwelahan. Afternoon classes ako ngayon. Makulimlim naman kaya naglakad na ako. Syempre, sayang din naman ang siyete pesos kung dalawang kilometro lang naman ang layo ko sa university. Pangdagdag-ipon ko na din 'yun.
Pero napadaan ako sa isang park sa tabi ng highway. Inuulit ko, hindi ito perpektong istorya. 'Yung damo sa park, hindi na yata damo. Yung ibang parte talahib na ata. Hula ko may ahas na roon. 'Yung mga slide at swing, ayun; Pangunahan sila kung alin ang maunang makaaksidente ng tao dahil tadtad na ng kalawang. 'Yung mga paso, lupa na lang at piraso ng mga balat ng chichirya ang nakalagay, hindi bulaklak. May mga malaki namang puno na pwedeng masilungan. 'Yun lang ang kagandahan dun.
"Ano bang mali ang nagawa ko Matthew? Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin ha?" narinig kong boses.
Balak ko nang kunwari walang narinig at maglakad na lang sa background. Tuloy pa din sila sa sigawan. Pero ako, binibilisan ko ang lakad ko. Mahirap na baka akala nila usisero ako.
"Hindi na kita mahal! Simple lang Iana. Hindi ka sapat para sakin." Sabi nung lalaki.
Ano daw? Hindi sapat?
Eh kung hindi naman isa't-kalahating utak-monggo 'tong lalaking 'to ah?
Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Narinig ko na. Magiging tsismoso na si Baste.
"'Wag na ulit tayong magkita. Lilipat na akong ibang university para hindi na tayo magkita. Ayaw na kitang makita." Sabi nung lalaki.
Noong makita ko na 'yung itsura noong lalaki—matangkad, mestizo, at batak ang katawan. Uumbagan ko sana eh. Kahit pa anong pagkukulang nung babae, hindi niya pa din dapat ganong kausapin. BABAE 'yun!
'Ayan si Baste, 'pag nakakarinig ng tsismis, daig pa ang bata kung makisawsaw. Ganyan ako eh.
Papalakad na ulit ako noong biglang may nakabangga sa akin.
"Ahh!—" sabi ko. Syempre natumba ako at napahiga...sa putikan.
"Hay nako naman! Alam kong sadlak na ako sa putik pero 'wag mo nang i-emphasize! Kailangan may visual demonstration pa?" Sabay lapag ko sa mga libro ko sa gutter ng kalsada. Tinignan ko muna kung 'yung white kong uniform ay papasa na para sa lalabhan ng Ariel 7.50 commercial.
"Oh my God! Sorry-" *sniff* "Sorry talaga kuya. Hindi ko nakita dinadaan ko." *sniff* "Sorr-"
"IKAW?" sigaw naming dalawa.
"Oo ako. Ako. Sino ako?" sagot ko habang nagpapagpag.
"Kablockmate kita. Hindi ko matandaan pangalan mo kasi...'di ako matandain ng hitsura." Sabi niya.
Sa loob-loob ko naman, hitsurang 'to tatandaan mo? Baka naman bangungutin ka lang.
"Let me help you, may klase ka pa ba kuya? Kanina pa tapos natin ah?" sabi niya.
"May naiwan lang akong isang subject pa na kinukuha ko. Bumagsak kasi ako noon." Sabi ko. Nako naman, 'eto napapala ng pagiging tsismoso ko. "Hindi na ako papasok. Tutal, hindi na ako aabot sa klase ko kasi late na ako. Don't worry hindi ako galit." Dagdag ko pa.
Pagtingin ko umiiyak siya.
Inalalayan ko muna siyang umupo sa malapit na bench. Syempre, hindi ko siya pinaupo dun sa nangangalawang. Baka magka-tetano pa 'to, ako pa masisi.
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
DiversosThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...