~Chapter Ten~

21 2 0
                                    

"Alliana naman eh!"

"Tinatamad talaga ko ngayon Baste. Anong oras na ako natulog kagabi!"

"Dali na!"

"Kaya mo 'yan. Graduating ka na, ngayon ka pa ba tatamarin? Paano ka nakakatapos kada taon?"

Nagtatalo na naman kasi kami ni Alliana. Tinatamad kasi siyang gawin 'yung mga natitira naming homeworks ngayong araw.

"Kababaeng tao mo Alliana, napakatamad mo talaga." 'Yan ang sabi ni Pete sa kanya.

"'Di baleng babae ako basta tinatamad ako, period!" sabi niya at natulog.

Well, magiilang buwan na naming kaibigan si Alliana at sa amin lang siya nakakaarte ng totoo. 'Pag sa iba, napakagentle at 'di makabasag pinggan siya. Pagdating sa amin, para talaga siyang hindi babae. About 'dun sa ex niya, 'di a rin yata siya moved-on.

"Alliana, 'pag 'di ka naggawa ng homework mo, sisipain na kita!" sabi ni Ray na hinahamon pa si Alliana.

"Kaya mo?" sabi ni Alliana at tumingin kay Ray.

"Ikaw naman, jinojoke lang kita." Sagot ni Ray.

Grabe, napakaganda ni Alliana pero sadyang napakatamad. 'Pag sinabi niya niyang ayaw n'ya ayaw n'ya talaga.

"Alliana, akin na 'yang homework mo. Ako na ang gagawa." Sabi ko kay Alliana. Well, napapagalitan na nga ako nila Pete eh.

"Baste naman, iniispoil mo si Alliana, hindi 'yan matututo talaga kung ganyan." Sabi ni Pete.

"Alam mo, bukas na ang pasahan. 'Pag 'di n'ya ito napasa, bakit ma-incomplete lang s'ya. Tsaka, h'wag kayong magselos, ganyan din naman ako sa inyo ah?" sagot ko habang nag-uumpisa na sa homework ni Alliana.

"Sige na sige na. Pero Pier-iana pa din kami." Sagot n'ya.

"Ilang buwan n'yo na kaming kinukulit ni Alliana sa Periana na 'yan. Parang tunog Perya eh!" reklamo ko.

"Eh bakit ba? Periana! Periana!" pang-aasar pa nila.

"Tutal maingay kayo, ibili n'yo na lang kami ni Baste ng makakain sa canteen." Sabi ni Alliana.

"Yes Madam!" sabi nila at umalis na nga.

"Nako, h'wag mo nang pansinin 'yung mga 'yun. Alam mo namang mga adik 'yun eh." Sabi ko habang tuloy pa din sa pagsusulat.

"Nako, sanay na 'ko Baste. Thankful pa nga ako kasi nailalabas ko 'yung totoong ako 'pag kasama ko kayo eh." Sabi niya.

May dinukot naman s'ya sa bag n'ya. Cellphone lang pala niya.

"Tinext ako ng boyfriend—"

"Ex-boyfriend."

"...ex-boyfriend ko. Gusto n'ya makipagbalikan. 'Di naman ako tinatamad talaga, nagiging preoccupied lang ako ng mga bagay na 'yan." Sabi n'ya.

"Oh, anong balak mo?" tingin ko sa kanya.

"I don't know. I need some advice." Sabi niya.

Itinigil ko namang magsulat at tumingin sa kanya. "Alam mo, kahit anong sabihin ko o ng kahit na sinong tao sa paligid mo, isa lang ang dapat mong sundin. 'Yun ay ang puso mo. Kung gusto mong bumalik, susuportahan kita kasama nila Pete. Pero sana lagi mong tandaan—"

"...na kung ano na ang itinapon ay hindi na binabalikan." Panapos ni Alliana.

Lagi kong sinasabi sa kanya 'yan. Kung ano man ang itinapon ay hindi na binabalikan. Dalawa lang ang rason kung bakit ka babalikan, una dahil nagkamali siya. Pero kung mahalaga ka sa isang tao, hinding hindi ka niya sasaktan at pangalawa, dahil sawa na s'ya sa nakuha n'yang bago.

"Babalik s'ya ngayon? Ngayon pa na okay na ako?" sabi niya.

"Hindi ka pa okay. May puwang pa s'ya d'yan sa puso mo. Hangga't hindi ka natututo na bitawan ang kahapon, hindi ka uusad ngayon papunta bukas. " sabi ko sa kanya. Sabi na ba hindi ako 'to eh. Masyado nang malalim ang pananalita ko ah. "Aralin mo munang mabuhay na wala s'ya. 'Pag isang araw, sa tingin mong okay ka na, 'yung wala ng sakit, ibig sabihin hand aka na ulit buksan ang puso mo." Panapos ko.

"Salamat talaga ha? 'Di ko kasi maikuwento kila Pete 'yan baka kasi asarin lang nila ako." Sabi pa ni Alliana.

"Nako! Hindi 'yun! Gan'un lang 'yun pero mas magaling pa mag-advice 'yun sa akin." Sabi ko sa kanya sabay kuha ulit ng notebook n'ya.

"Ang swerte naman ng mamahalin mo." Sabi niya.

Ano raw? Mamahalin ko?

"Nagbibiro ka ba?" sabi ko sa kanya na tumatawa. "Sa mukha kong 'to? May magmamahal sa 'kin? Sa kulay ng balat kong 'to? May magkakamali. Hahaha! H'wag ka nga magbiro d'yan!" sabi ko sa kanya.

"Alam mo, seryoso ha, gwapo ka naman eh." Sabi niya.

"Heto bente. Alam ko hihingi ka lang ng pambili ng fishball sa labas." Sabi ko sa kanya.

"Hangal ka 'pag binigay mo sa akin 'yang bente. Papatay ka na ng tao 'pag mawalan ka ng bente eh. Anyways, gwapo ka nga swear. You just need to, get a makeover." Sabi niya.

"Nako, mahal 'yan. Panghapunan nga mamaya problemado ako, pang-ayos ko pa kaya sa sarili ko? Okay na ako sa ganito." Sagot ko.

"Those who choose not to love you, they are the ones who can never find true love. For true love requires eyes that can overlook flaws. " sabi niya.

Medyo hindi ko nagets 'yun kasi una, malalim, pangalawa. ENGLISH. Biro lang!

"Alam mo gutom lang 'yan! Hindi ka na naman kumain ano?" sabi ko pabalik. Ayoko ng mga ganyang topic. Alam ko naman sa sarili ko na tatanda na akong mag-isa kasi hindi naman ako kagwapuhan talaga.

"Hindi! Toto—"

"Hoy! Tig-singkwenta kayo ni Baste ha! O kung gusto mo sagot mo na si ugok!" sabi ni Ash.

"Fine fine! 'Eto oh." Sabi ni Alliana sabay abot ng fifty pesos kay Ash

Pero napaisip ako doon sa sinabi ni Alliana habang nanguya ng burger na sa unang kagat, tinapay lang ang makakain mo at masuwerte pa kung may catsup. Tama siguro s'ya. Pero sino namang tao ang ganoon?

'Yan ang mali sa mga tao ngayon. Gustong makahanap ng forever. Gusto makahanap ng true love. Pero hindi naman kayang tanggapin kung ano at meron ang taong mamahalin nila.

Quote of the Chapter:

"Those who choose not to love you, they are the ones who can never find true love. For true love requires eyes that can overlook flaws. "-Alliana

~End of Chapter Ten~

Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon