-PART ONE (Pierro's POV)-
*Tok* *Tok* *Tok*
"Baste! Gising na! Akala ko ba unang araw mo ngayon sa school?" wika ni Mama. Bakit bas a lagging una ng istorya, laging gising part ang mababasa?
"Ma, hindi ako tulog! Nag-aral ako buong magdamag!" sigaw ko sa ay pintuan at tinuloy ko ang pagtulog. Para namang joke 'yung sinabi ko. Ako mag-aaral magdamag? Sagad na ang hanggang alas-dose para sa'kin ano. 'Pag sumagad na 'dun, himala na 'yun.
"Hindi pala tulog ha? Aral ka diyan, kelan ka pa nag-ganun?" Nako! Si Mama! Akala ko hindi siya papasok!
Napabalikwas naman ako si hinihigaan ko. "Ah-Eh!" Sabay kamot sa ulo. "Hahaha. Goodmorning my beautiful mother!" sabi ko sabay halik sa pisngi niya tapos takbo pababa sa kusina.
"Ikaw talagang bata ka!" Rinig kong palahaw ni Mama habang ako ay nananakbo. Ang totoo n'yan kasi, kaninang alas tres na ako nakauwi. Nagovertime pa ako sa fastfood chain na pinagtatrabauhan ko. Ang alam nga lang ni Mama noong umuwi ako ng alas otso mula sa isa kong trabaho ay matutulog na ko. Ngunit tumakas ako at ayun nagtrabaho ulit ako.
Hindi kami mayaman. Buti nga nagkahagdan na kami ditto sa bahay. Dati kasi kailangan ko pa ng bangkito tapos aabutin ko 'yung second floor saka ako mag-aabot doon na parang tanga. Ang liit ko pa man 'ding tao.
Habang naliligo ako, pinagmasdan ko katawan ko. Grabe. Ang itim ko na sa kakatrabaho ngayong tag-araw. Tutor, fastfood crew, cashier sa convenience store, pati nga salesman sa isang record outlet ng mga CD pinatos ko na din. Kailangan sa panahon ngayon, maging madiskarte na tayo. Hindi na nga ako kagwapuhan, magiging pabigat pa ba ako sa pamilya ko?
Nanaba na din ako kasi puro kung anu-ano ang kinakain ko para lang may ipanglaman ng tiyan. Sayang naman kasi kung ibabawas ko sa sweldo ko ang ipangkakain ko. Kaya 'pag may malapit na fishball vendor, 'dun na lang ako kumakain. Hindi naman ako mataba, medyo lang. Paano ako tataba kung puro ako trabaho di'ba?
Pagka-ayos ko sa sarili ko bumaba ako para kumain. Sardinas at sinangag. Masarap 'to!
"Baste, anong oras awas mo ngayon?" sabi ni Mama habang nagkakape.
"Alas diyes po Ma. " Sinabi ko pa 'yan na punung puno ang bunganga ko.
"Dapat siguro mag-resign ka na sa mga trabaho mo? Baka mapagod ka lang anak at hindi kayanin ng katawan mo." Ani niya.
"Yakang yaka ko pa din Nanay. Kahit 24 hours pa 'yan. Para may maipangdagdag din ako sa bayarin di'ba?" sabi ko sabay tayo para uminom ng tubig.
"Sigurado ka anak?" wari ni nanay. Kitang kita pa sa mukha niya naa hindi siya napayag sa mga sinasabi ko.
"Ma, kailangan natin magsikap para mabuhay 'diba? Tsaka, isang taon na lang naman eh. Tapos makakahanap din ako ng trabaho diyan! Yayaman tayo Ma at dadalhin kita sa lahat ng bansa na gusto mo. Oks ba 'yun?" sabi ko habang yakap siya.
"Oo na sige. Basta huwag mong papabayaan ang sarili mo ha?" sabi niya. Tumango naman ako bilang sagot.
Saka ko kinuha ang bag ko na lumang luma na at umaasa na lang sa Ariel 7.50 para mamuti. Tanging polbo at pabango na lang ang sandigan ko para magmukha akong gwapo. Hindi ko alam kung binibiro ako ng mga tao sa paligid ko. Lagi kasi nilang sinasabi na ang kagwapuhan ko daw parang kayamanan. Nakabaon pa daw sa lupa. Hindi ko alam ang irereact d'yan pero ang pananaw ko ngayon ay magpayaman at iahon sa hirap ang pamiya ko. Kung single ako forever, at least napatunayan kong may forever.
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...