"Sir Yes Sir!"
Pumunta na ako sa locker room para magpalit. Sa wakas, natapos na ang afternoon shift ko bilang security guard. Buti nga napakiusapan ko na kung pwede ako mag-guard pangdagdag din sa mga bayarin kahit afternoon shifts ko. Buti na lang kakilala ni Mang Kadyo 'yung head guard at hinayaan na ako. Tinuruan ako ng basic defense stance. Confident naman sila na pagbantayin ako ng isang parlor.
Umalis na agad ako kasi hilong hilo na ako sa amoy ng iba't-ibang pang-ayos ng buhok. 'Yung mga parlorista doon ay kalimitan babae, pero may mga bakla rin. Kalimitan daw ng guard dito nilalandi nila, ngayon lang daw sila nagbehave. Akalain mo 'yun.
Sumakay na ako sa jeep papunta sa bahay. Medyo kaya namang lakarin ang distansya papunta sa bahay kaso pagod na rin ako sa pagtayo. Tsaka malaing tulong 'yung makaupo muna ako saglit, makaligo at makapagpahinga ng saglit sa bahay para sa susunod kong trabaho mamaya sa isang fastfood chain.
Pagkarating ko sa kanto namin, gano'n pa rin. Naroon ang aking mga napakabuting mga kapitbahay. Kung hindi n'yo naitatanong, mga siga 'tong mga 'to. Ramdam ko nga na 'yung iba dito mamamatay-tao 'eh. Pero kung tatanungin n'yo sila kung sino ang boss...
"Boss! Shot ka muna!" sigaw ng isang mag-iinom.
"Pass muna ako pre! May trabaho pa mamaya!" Sigaw ko.
"Yes boss! Yakang yaka mo 'yan idol!" sabi niya.
Bilib daw sila sa akin dahil nabubuhay ko ang pamilya ko. Ano kaya 'yun? Hindi ko rin alam. Pero mga limang taon na 'yan silang ganyan. Sabihin ko lang 'pag may gusto daw akong ipatumba. Sila na daw bahala. Kaya nga 'di ko na rin gugustuhing lumipat dahil sa tagal namin dito, 'di pa kami nanakawan kahit kalian. Kahit nga mag-iwan ako ng pera sa labas ng gate, kahit isang buwan pa 'yan diyan, walang kukuha.
Paano ko nalaman? Ginawa ko na 'yan. Mataas talaga respeto nila sa akin.
Pagdating ko sa harap ng bahay. Hindi pa ako nakakapagtanggal ng sapatos, sumigaw ang kapatid ko.
"KUYAAAA! May bisita ka. Ang ganda!" sabi ni Chloe, kapatid ko.
"Bisita? Ganoon ba? Sandali lang." sabi ko habang nagtatanggal ng sapatos. Ang hirap kaya tanggalin ng sapatos ng security guard.
Naglakad na ako papasok. Habang may kinukuha ako sa bag ko, "Sino ba 'yun Chloe?"
"Hi!"
"Wait. Alliana?"
"Ba-baki...Paan—" 'yan na lang nasabi ko. Bakit siya nandito at paano niya nalaman? Kung bisita man, dapat 'yung apat na kumag 'yun. Nanay na ang turing nila kay Mama.
"Silly! Pinasundan kita kay Nanay Conch. Siya pa nga daw nag-abot ng bayad mo that time hindi mo pa daw napansin. Lutang ka nga daw eh. Tapos sabi niya dito ka daw nakatira!" sabi niya at naglibot-libot.
"Ang cute naman ng kapatid mo ha? Ang ganda pa ng mommy mo!" sabi niya habang natingin ng pictures sa dingding.
"Sobra ka naman!" sabi ni mama na tuwang tuwa sa papuri ni Alliana. Maganda naman talaga si Mama hindi sa pagbibiro. Gwapo din si Papa. Hindi ko alam kung ano nangyari sa akin. Kung alam n'yo lang kung gaano kaputi at kaganda ni Chloe. Ako 'yung literal na black sheep sa pamilya.
"Bakit ka nga pala naparito Alliana? Gusto mob a ng makakausap?" sabi ko sa kanya. "Juice?" alok ko habang nasa kusina.
"Tubig na lang Baste." Sabi niya habang yakap yakap si Chloe.
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
De TodoThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...