"Ma'am Bella, sigurado po ba kayo sa address na ito?" sabi kokay Ma'am Bella. Binigyan n'ya kasi ako ng address. Alam ko 'to. Pangmayaman na village na 'to pero 'yung daan papasok ang mahirap kasi pugad ng criminal 'yun eh.
"May kasama naman kaming dalawang bodyguard. Now, go. Baka matraffic tayo." Sabi ni Ma'am Bella at pinaandar ko na 'yung makina. Teka, bakit hindi na lang 'yung mga bodyguard ang magdrive imbis na ako? Baste, 'wag ka nang magreklamo. Baka mawalan ka pa ng trabaho n'yan.
Medyo sundown na ngayon, panigurado talagang before dinner kami makakadating doon. Sa likuran, naroon si Mr. Montefalco kasama si Ma'am Bella at dalawang lalaki na bodyguard daw nila.
Natutunan ko na magdrive noong first year college ako at doon ko din nakuha ang student permit ko. Tinuruan ako ni Papa noon gamit ang jeep namin. Pero kasabay ng pagkawala n'ya eh ang pagkawala din ng jeep namin. Ibinenta na dahil wala kaming pangbayad ng matrikula noon.
Makalipas ang dalawang oras na pagda-drive, nakarating na kami sa liblib na papasukan namin para makarating sa village. Walang ilaw at walang tao sa paligid. Ilaw ng kotse ang nasa paligid. Marami ring mga puno.
Huwag lang nilang tangkain na kidnappin kami. Marunong ako magmartial arts at muay thai. Paano ko natutunan? Dahil naging gym instructor din ako dati sa may Maynila.
Nakarating kami ng matiwasay sa bahay ni Mr. Montecillo. Pinagbuksan kami ng maid. Naiwan 'yung dalawang bodyguard sa kotse para magbantay. Isinaman naman ako ni Mr. Monteflco sa loob.
"Ah! Goodevening Mr. Montecillo!" sabi ni Sir Augustine.
"Goodevening din Augustine. Nag-abala ka pa na dalhin ang dokumento personally. Kasama mo rin pala si Bella." Sabi ng isang matandang lalaki na naggugupit ng bonsai sa loob ng bahay n'ya.
"Magandang Gabi Mr. Montecillo." Sabi ni Ma'am Bella at tumungo. "This is Pierro Sebastian Santos, my assistant." Tumungo naman ako bilang respeto.
"Magandang gabi po." Sabi ko.
"Come in, alam ko na napagod kayo sa b'yahe. Ihanda ang hapunan!" sigaw n'ya at lahat ng maids nagsimulang mag-ayos. Bigatin si Mr. Montecillo. 'Pag mayaman ba, sigaw na lang ng sigaw?
Inabot ni Ma'am Bella ang dokumento kay Mr. Montefalco.
"Ah, Mr. Montecillo. This is the contract that will serve as your affirmation to buy more shares in the company. This states that your shares will be used para ipatayo 'yung pangatlong university ng kumpanya. " at itinuloy ni Mr. Montefalco ang pagdiscuss sa dokumento ng hindi binubuksan ang envelope.
Kinuha naman ni Mr. Montecillo ang dokumento. Nakangiti nga siya kasi magaling talagang inexplain ni Sir Augustine ang laman ng dokumento.
"Very well, tama ang dokumentong naibigay n'yo. PIpirmahan ko na." sabi ni Mr. Montecillo.
Pagkatapos ng contact signing ay pinakain kami ni Mr. Montecillo ng hapunan. Naalala ko sila Mama, wala pa silang pagkain. Tinext ko agad siya na kumuha sa ipunan ko ng pangkain nila ngayong gabi. Mukhang gagabihin na ata kami ng uwi.
Grabe, lechon? Lechon agad! Ayan ang handa ni Mr. Montecillo para sa amin. Nasa harap pa namin ang chef niya na siyang naggayat ng lechon na siya daw mismo ang personal na naghanda. Grabe naman! 'Yung buong lechon na 'yan isang buwan na naming ulam 'yan.
Umaandar na naman ang pagkaparasite ko. Gusto kong mag-uwi para kila Mama. Syempre, pinigilan ko naman ang sarili ko. Baka magmukha na akong patay gutom n'yan.
Matapos ang pagkain, umuwi na kami agad. 'Yung isang bodyguard ang nagdrive kasi pauwi na naman. Alam na daw nila ang daan.
"Bella, dapat 'yung university ay ma-construct na sa darating na pasukan. Understood? Also, find me professors to hire in our university. I want high standard okay?" sabi ni Mr. Montefalco.
"If you want Mr. Santos, 'pag maganda ang performance mo, I can hire you immediately kahit anong branch ng company ko. " sabi niya.
"Nako, nakakahiya naman po Mr. Montefalco!" sabi ko sabay kamot sa ulo. Nakakapagtaka din naman. Parang napakabait sa akin ni Sir Augustine. Pero baka naman sadyang mabait si Sir Augustine?
"Huwag mo aalahanin 'yun hijo. Alam ko namang kailangan mong kumita ng pera 'diba? That's why I'm giving you opportunities. Besides, you deserve them." Sabi niya habang nakaharap sa tablet niya.
Nakarating na kami sa opisina at doon na kami nagsiuwian.
"Dude!" sigaw nila Pete, Ray, at Ash.
"Hoy mga pars! Bakit hindi pa kayo nauwi? Gabi na ah?" sagot ko.
"Naikuwento kasi ni Pete na may pinuntahan ka daw. Kaya hinintay ka namin. Kaibigan ka namin eh. Pwe." Sabi ni Ray.
"Paano kung hindi kami nakauwi agad? Edi ginabi na kayo ngayon?"
"S'yempre uuwi na kami 'pag medyo malalim na ang gabi. Pero at least, nageffort kami sa kaibigan namin. Pwe." Sabi ni Ash.
"Bakit parang diring diri kayo ha?" sabi ko ng natawa.
"Tara tara na mga pars! Kain tayo dun sa may lugawan! Mura daw dun!" sabi nila.
Minsan talaga sa buhay natin, gagawa tayo ng mga desisyon na makakakapekto sa buhay natin. Isa na doon maging kaibigan sila Pete, Ray at Ash. Sila 'yung mga tinatawag na mabuting mga kaibigan. Wala sa kanila na mahirap lang ako. 'Yan ang tunay na kaibigan, nand'yan sila para sa'yo no matter what.
Noong nakauwi na ako sa bahay, naligo muna ako at nagpahinga saglit. May isang oras pa ako para magpahinga tapos diretso na ako sa night shift ko sa isang fastfood chain.
Quote of the Chapter:
"Yan ang tunay na kaibigan, nand'yan sila para sa'yo no matter what."-Baste
~End of Chapter Eight~
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...