Naisip ko lang, 'pag namatay tayong lahat, importante ba kung sino ang mayaman at kung sino ang mahirap? Kasama ba sa Ten Commandments ni Lord na ang mahirap ay para sa mahirap lamang? Pero siguro dapat ko na lang intindihan na mahal nila ang anak nila. Ano nga namang mapapala sa akin ni Alliana? Baka magig pabigat lang ako sa kanya. Mamamatay lang siya na dilat ang mata.
"Pierro?"
"Ah, magandang gabi po Ma'am Bella!" sabi ko naman sabay tayo. Nakaupo kasi ako sa may tapat ng kubo na tinitirahan namin dito sa Pampanga.
"Salamat sa naitulong mo kanina Santos. Medyo doubtful pa si Mr. Carioso but you pulled things off!" sabi naman n'ya.
Ganito kasi 'yan, gusto daw ni Mr. Carioso ng buko juice. Eh sabi niya umakyat daw kami. 'Pag nakaakyat naman daw kami, pipirma daw s'ya. Hindi ako na-orient na Amazing Race pala ang gusto ni Mr. Carioso. Eh kung suswertihin ka naman, ako lang ang marunong, kaya ako ang umakyat.
Ang moral lesson doon sabi ni Mr. Carioso, "Sweet things come after perspiration and inspiration combined."
"Wala po 'yun! Umaakyat din po ako ng puno ng buko tuwing tag-araw. Malaki din po kasi ang kita doon. Hehehe." Sabi ko naman.
"By the way, it is your last week in internship. Remind me to sign the papers at ako na ang bahala." Sabi naman ni Ma'am Bella at umupo sa tabi ko. "You see, important client si Mr. Carioso, we could have lost valuable assets if it wasn't for you."
"Nako Ma'am Bella, nagkakaintindihan po kami ni Mr. Carioso kasi katulad po s'ya ng boss ko sa pinagaanihan namin ng buko--."
"Can you do me a favor?" putol sa akin ni Ma'am Bella.
"Ah-Eh, ano po 'yun Ma'am Bella?" sabi ko naman. Ibang-iba si Ma'am Bella ngayon. 'Yung parang 'yung totoo siya. Hindi siya 'yung mataray na Ma'am Bella.
"I'll be resigning in a few weeks."
"A-ano po? Bakit po?"
"Alam mo 'yung feeling na kailangan mong habulin ang pangarap mo habang maaga pa, kung hindi, hindi ka magiging masaya?" sabi naman n'ya. "I'll chase my own dreams Pierro." Dagdag pa n'ya.
First time kong marinig na tawagin ako ni Ma'am Bella ng first name ko.
"Gusto ko sana ikaw na ang maging company secretary pagkaalis ko." Sabi niya. "Since it's my position, I carefully chose you to inherit my position." Sabi niya at ngumiti sa akin.
Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi pa ako graduate, may naghihintay ng trabaho sa akin! Nakakatuwa naman.
"In the world full of pressures, everyone will try to bring you down because everyone will do anything just to achieve success. Pierro, you'll achieve success. Trust me." Sabi naman n'ya.
"Ma-maraming Salamat po Ma'am Bella!" sabi ko naman sa kanya at hindi ko na napigilang umiyak. Natutuwa ako kasi kahit nasaktan ako at may nawala sa akin, may parating na opportunity para sa akin na maabot ko ang mga pangarap ko hindi lang para sa sarili ko kung hindi para din sa mga taong mahalaga sa akin.
"Bukas ng umaga ang alis natin, matulog ka na Santos at baka ibangga mo pa kami! Haha!" sabi naman ni Ma'am Bella at tumayo na at ngumiti sa akin.
All this time tinuturuan ako ni Ma'am Bella na maging matatag kahit gaano pa kahirap o pressures ang isang sitwasyon. Kaya pala walang nagtatagal sa kanya kasi hindi nila ma-handle si Ma'am, hindi nila alam para sa kanila din pala 'yun.
BINABASA MO ANG
Somewhere between Life and Love
RandomThey say if you want to survive then live. If you want to live, you need to face life. Life is one tough opponent. Life is a friend and a foe both at the same time. What if in the connection of live-life, sumingit si LOVE? Maging LIVE-LOVE-LIFE? Wil...