~Chapter Nineteen~

7 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa isang mansion. Buti na lang malapit-lapit 'to sa amin at hindi ko na kinailangang mamasahe ng malaki. Nag-tricycle na lang ako at baka bumalik na naman 'yung bwsit na jeep na 'yun.

Tsaa, katahimikan, at isang painting na hindi ko maintindihan. 'Yan ang mga nakikita ko. Ayaw kong tumingin sa magulang ni Alliana at sa apat na kapatid niya. Well, 'yung panganay lang ang nakatingin sa akin.

"Full name?" sabi nung panganay na kapatid ni Alliana.

"Uhm, Pierro Sebastian Santos po." Sagot ko naman.

"I'm Alleigne, sumunod sa akin si lleane, tapos si Alloina, then si Allaina then si Alliana. Meet my our dad, Mr. Richard San Agustin III, and our mom, Mrs. Ailleen San Agustin." Sabi ni Alleigne.

"Magandang Gabi po sa inyo." Sabi ko sabay tungo ng bahagya.

"So, you're a Santos? How are you related with Mr. Frederico Santos?, the owner of wine brewery in Pampanga?" sabi nung dad nila.

"Wa-wala po."

"How about Mr. Caesar Santos, the owner of Sky Airlines?" sabi ni Mrs. San Agustin

"Wa-wala din po."

"Naku Dad, baka mommy n'ya si Mrs. Tina Santos, the owner of QR Mall in Pasig?" sabi ni Alleigne na agad namang sinang-ayunan nila.

"Hindi din po."

"Then tell us you're parents we might know them." Sabi nila at parang expectant sila. Kung alam n'yo lang po na daga lang po ako.

"Nanay ko po ay si Clarisse Santos, maybahay po. Wala na po akong tatay, pangalan n'ya po ay si Pierre Santos." Sabi ko at kung alam n'yo lang ang reaction nila.

"Who are them? Well, anong business n'yo and saan kayo nakatira?" saad ng mama ni Alliana.

"Natanggap po minsan ng palaba at paplantsa ang nanay. Nagtitinda din po kami ng yelo. Nakatira po kami sa may tabi po ng tulay. Hindi po sa ilalim, sa tabi lang po." Sabi ko sa kanila. Hindi ko ikinakahiya na 'yan ang trabaho o pinanggagalingan ng pera namin. At least, nagtatrabaho kami ng marangal at wala kaming naagrabyado.

"Conchita, ang whiteboard please." Sabi ni Alleigne.

Habang hindi nagsasalita magulang n'ya at nakatingin naman sa akin ang magulang ni Alliana. Kulang na lang kainin na ako ng lupa dito. Hindi pala, 'yung tiles nilang parang diamante ang kakain sa akin.

Nagsulat naman ang kapatid n'ya.

"1,000,000" sulat ng kapatid n'ya. "'Yan ang monthly allowance ng bunso naming kapatid." Isang milyon? Saan naman dadalhin ni Alliana ang isang milyon!

Kinuha naman ng Mrs. San Agustin 'yung marker. "500,000". "'Yan ang matrikula ng anak namin sa isang semester given all the priveleges by the university." Kaya pala sabi ni Alliana, kahit ano daw gawin n'ya sa university, hindi s'ya masisita. Samantalang ako, kuko pa lang ata ng matrikula n'ya ang akin. Siguro pare-pareho lang sila nila Ash, Pete at Ray ng matrikula.

Kinuha naman ng papa n'ya ang marker, "500,000"."That's how much ang sustainment at maintenance ni Alliana including insurances..."

"Car" sabi ni Ma'am San Agustin.

"Home." Saad pa ni Alleigne.

"Damit and other necessities n'ya." Panapos ng papa nila.

Alam ko na ito. Ito 'yung isasampal nila sa mukha ko 'yung kayamanan nila kasi wala ako n'un.

Somewhere between Life and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon