Allyza's POV
Kasama ko si Jaz at kasalukuyang naggagala sa mall. Wala talaga akong balak mag-mall kaso wala na din naman akong gagawin sa bahay kaya eto, pulang pula na yung braso ko sa kaka hatak dito hatak doon na ginawa sakin ni Jaz.
''Mamili tayo ng damit Liz.'' Saka niya ko hinatak sa isang botique na puro pambabae yung mga nakadisplay.
''Ayoko mamili.'' Sabi ko at sumunod nalang sa kanya.
''I think bagay to sayo.'' Sabi pa niya at kumuha ng isang dark green na trousers.
''Ang mahal mahal ayoko.'' Sabi ko ng makitang 2,100 yung presiyo. Bumili nalang sana ko ng denim pants sa RRJ.
''Ang kuripot mo.'' Sabi niya sabay irap.
''Balak ko ngang bumili ng tuta.'' Sabi ko.
Sa sabado talaga bibilin ko na si Toby. May pangalan agad.
''Hmm. Kung anu anu nanamang ka-ek ekan yang tuta tuta na yan. Bibilin ko na nga to.'' Sabi niya at kumuha ng dalawang t-shirt na pink.
Inintay ko siyang makabalik galing sa counter.
''Oh sayo yung isa.'' Sabi niya at hinagis sakin yung isang pink na shirt. V-neck at short sleeved. May nakasulat na 'Best'.
Tiningnan ko yung kanya. May nakasulat na 'Friends.' Parehas na may mga cute na doodle yung damit. Waah ang cute!
''Hala magkano 'to?'' Tanung ko.
''P980 isa. Tara isuot natin.'' Sabi niya at hinatak ako papuntang restroom.
Sinuot namin yun at naggala ulit.
''Kain tayo.'' Sabi niya.
Hinatak niya ko sa Jollibee. Hindi naman ako nagugutom eh. Tsk.
Bumili na siya at nag-abang nalang ako sa bakanteng lamesa.
Maya maya ay dumadating na siya dala ang isang tray.Kinuha ko yung sundae at fries at ngumata.
''Si Jonas bakit di mo niyaya?'' Natanong ko.
Pwede naman kasing si Jonas nalang ang isama niya, makakapag-date pa sila.
''Ayoko nga! Hmm. Isa ding kuripot yung lalaking yun eh.''
So ibig ba niyang sabihin na kuripot din ako? Di ba pwedeng nagtitipid lang ako? Umirap nalang ako at ibinaling ang tingin ko.
Muntik na kong masamid at agad akong kumuha ng tissue.
Nakita ko si Kupal! As in si Kupal! At may kasama siyang dalawang lalaking nakakatakot na mga naka black-t shirt!
Hindi ko nalang pinahalata kay Jaz na nakita ko si Adriel. Made-danger zone nanaman ako sa babaeng 'to.
Pasimple ko ulit tiningnan yung table nila Kupal. Parang malalim yung pinag-uusapan nila. Nakakatakot talaga yung mga kasama niya, ang laki ng mga katawan tapos parang mga basagulero. Judgemental na kung judgemental pero sa porma pa lang, oo gwapo nga yung mga kasama niya, pero nakakatakot talaga. May mga kadena pa nga sa pantalon eh tapos yung isa may tattoo sa braso.
Hindi kaya kasali si Adriel sa Mafia? Oh fraternity? Gangster? Oh kaya sa Super Yolandi organization?
''Aha!''
Muntik nanaman akong masamid ng malakas yun na sinabi ni Jaz.
''Huli ka Liz! Tinititigan mo si---'' tinaas taas niya yung kilay niya, ''haay, pinagtapo nanaman kayo noh? Yan ang tinatawag na destiny.'' Kinikilig pa siya.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...