Unti-unting humakbang papalayo si Henry. Hindi si Adriel ang kaharap niya, what he was facing was the Scorcher Phoenix. Ang katawan at isip ni Adriel ay nasa ilalim ng kontrol ng evil fire magic.
''No! Stop this!'' Sigaw ni Henry kay Adriel. Nakatitig lang si Ad sa kanya, pula at nakakatakot ang mga mata.
Unti-unting nagliliyab ang apoy na bumabalot sa katawan ni Adriel, at nagsu-swirl ito kasabay sa direksyon ng hangin.
''Itigil mo na 'to!'' Sigaw ulit ni Henry pero hindi siya nakinig.
Inangat na ni Ad ang kanang braso niya sa gilid at isang malakas na apoy ang nagliliyab sa kamay niya. Walang anu-ano ay tinapon niya iyon sa direksyon ni Henry.
''Oh no...'' hindi agad nag-react ang katawan ni Henry ng makita ang fireball na straight na bumubulusok papunta sa kanya. He ducked when the fireball was only a few meters away from his chest.
There's no other option, he had to fight Adriel, or else he can bring harm.
Nag-ipon muna si Henry ng lakas, narinig niya ang pagtama ng fireball sa di kalayuan at ang malakas na pagsabog.
Humakbang siya palapit. Napatigil siya ng magbago ang suot ni Adriel. A red and black vest with a high collar. A large belt at his waist with the symbol of a torch at the buckle. There was a red silk cape at his back, and black carved-metal boots and armsheaths. The Fire Wizard.
Nagsimula ring mag-iba ang suot ni Henry, ganun din, except na blue and white ang kulay instead of black and red.
Ilang metro lang ang layo nila sa isa't-isa. Magkaharap, hindi inaalis ang tingin at alerto sa bawat paggalaw ng kaharap. Napapalibutan sila ng mga piraso ng kahoy na nagliliyab sa lupa dulot ng laban ng troll at ni Adriel.
Sparks of flying embers filled the air all around them. Tila mas lamang ang apoy, pero alam ni Henry na kayang-kaya niyang talunin si Ad, pero hindi niya gagawin iyon. He can kill him, and he have to be very careful.
Nagliliyab na ang mga braso ni Ad at lalo pang naging deep red ang mata niya.
Hindi siya sumugod gaya ng inaasahan ni Henry, at napakunot ang noo niya ng ngumiti si Adriel at hindi gumalaw. He gave a devilish grin, at medyo nataranta si Henry. Unti-unting umaangat ang mga kamay ni Adriel sa gilid niya, and then it hit him---may kinokontrol si Adriel!
Walang nakita si Henry at hindi niya matukoy kung anu ang kinokontrol ni Ad.
Nagulat pa siya ng mapagtanto na wala sa harap niya ang gagawing atake ni Ad at napalingon siya sa likod. Nagulat pa siya ng makita ang napakaraming umaapoy na kahoy, nakalutang sa ere at bumubulusok papunta sa direksyon niya.
Agad siyang kumilos, isang ice staff ang lumitaw sa kamay niya, pinaikot niya iyon at isa-isang sinangga ang mga kahoy. Bawat pagtama ng staff sa kahoy ay nagki-create ng puting sparks, at isa isang nawasak ang mga nagliliyab na kahoy.
Nang maubos ang mga nagliliparang kahoy ay napaharap siya at nakita naman ang isang malaking fireball na papunta sa kanya!
Itinaas niya ang staff, spun it in the air above his head, at saka ito ini-slash sa hangin pababa. Isang cresent-shape na yelo ang nanggaling mula sa pwersa ng staff at mabilis itong bumangga sa fireball. Nagkaroon ng isang malaking explosion sa pagitan nila.
Nagulat pa si Henry ng makita si Adriel na papasugod at lumabas ito mula sa makapal na usok ng explosion. Punong-puno ng enerhiya ng apoy ang mga kamay sa gilid niya.
Nagtapon ulit si Adriel ng fireball at lumundag si Henry para iwasan iyon, tumama ang fireball at sumabog sa lupa. Ginamit ni Henry ang kapa niya para makontrol ang taas ng paglundag niya. Inikot ni Henry ang ice staff sa ulunan at kasabay ng pagbagsak niya sa lupa ay itinutok niya ang dulo ng staff sa ground. Nagsimulang kumalat ang yelo sa lupa na nagmumula sa dulo ng staff at parang puting ahas ito na gumagapang patungo sa inaapakan ni Adriel.
Mabilis si Adriel, he slammed his fist on the ground, at nagsimulang kumalat ang crack patungo sa direksyon ni Henry.
Bahagyang yumanig ang lupa at na-out of balance si Henry at nagulat ng makitang papalapit ng papalapit ang crack. Nakarating ang crack sa paanan niya at---
''BOOM!''
Isang malakas na pagsabog ng apoy ang lumabas mula sa crack at ilang nagliliyab na bato ang nagliparan. Mabilis na nagpagulong sa lupa si Henry at iniwasan ang pagsabog. Agad siyang tumayo at isang malaking bato ang tumama sa balikat niya.
Napahiyaw siya sa sakit. Pinaka-ayaw ng katawan niya ang init, at nasunog ang parteng iyon ng balikat niya. Nakita niya ang isang fireball na papunta sa kanya pero wala na ang staff niya. Ibinagsak niya ang paa niya sa lupa at mabilis na kumalat ang yelo sa harapan niya. Ng malapit na ang fireball ay inangat niya ang kamay niya, umangat din ang yelo mula sa lupa, forming a protective ice wall. Tumama ang fireball sa ice wall at sumabog iyon at gumuho ang wall.
Napadaing ulit si Henry ng maramdaman ang napakatinding sakit. Kitang kita ang exposed na parte ng balikat niya na halos laman nalang ang kita.
Napaluhod siya at nakita si Adriel na dahan-dahang lumalapit sa kanya, nababalutan pa rin ng apoy, the same evil eyes, at ang devilish grin sa mga labi nito.
''STOP THIS ADRIEL!'' sigaw niya kay Adriel. Punong-puno ng apoy ang paligid at halos nasunog na lahat ng bagay. Walang imik si Adriel at biglang sumeryoso ang mukha nito.
''You'll burn, and you'll be dead!'' Singhal nito kay Henry. Ilang mga bato ang gumugulong at bumabagsak sa lupa dulot pa rin ng pagsabog kanina.
''YOU'RE CRAZY! GUMISING KA ADRIEL! AND STOP THIS!''
Sa totoo lang ay kayang kaya ni Henry at madali lang para sa kanya si Adriel, ang dahilan lang ay natatakot siyang i-freeze si Adriel dahil alam niyang wala naman ito sa sarili. Ayaw din niyang gamitan ng yelo si Adriel dahil alam niyang maaari itong mamatay sa lamig, pero hindi na niya alam ang gagawin ngayon, tiningnan lang niya si Adriel ng huminto ito ilang metro mula sa kanya. Nakaluhod pa rin siya at nakahawak sa balikat.
Tinutok ni Adriel ang palad niya sa direksyon ni Henry at saka ito sumigaw--
''Fladranium Firanna!''
Nagulat si Henry, pamilyar sa kanya ang fire spell na yon---yun ang fire-dragon's head summoner, ang isang pinakakinatatakutang kapangyarihan na tanging ang Dragon Sorceress at Scorcher Phoenix lang ang kayang gumawa.
And sure enough, isang ulo ng dragon na gawa sa kulay dilaw na apoy ang lumabas mula sa likuran ni Ad at umangat papataas, saka bumulusok papunta sa direksyon ni Henry.
He had no other choice--
''Freeze!''
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...