Chapter 13: Taking Care of Mr. Kupsy

2.9K 88 0
                                    

Henry's POV

Sabado...

Haay sabado nanaman ang bilis talaga ng araw ba't ganun? Parang miyerkules palang kahapon eh.

Agad akong bumangon at naglinis. Nagbihis ako at saka inayos ang kwarto, baliktad ata. Binuksan ko yung bintana. Maganda yung panahon.

Si Adriel kaya bakit parang tulog pa? Hmm sabagay madaling araw na umuwi kagabi eh.

Nagpunta ko sa kusina at gumawa ng sandwich, si Adriel nalang magluto mamaya, anu pang silbi ng pagiging Culinary niya diba?

Nagpunta ko sala at nanuod ng t.v. Mahigit alas 9:00 na di pa rin siya bumabangon. Sinilip ko yung pinto ng kwarto niya. Hmm, puyat eh.

9:30 at hindi pa rin siya bumabangon. Kumatok na ko sa pintuan niya.

''Oy, *tok* *tok*. Nabulok ka na ata diyan?'' Hindi siya sumagot. Binuksan ko yung pinto ng kwarto niya. Umuwi nga ba siya?

Nandun siya sa kama at nakahiga. Natutulog pa rin. Nilapitan ko siya at tinanggalan ko ng kumot at saka niyugyog.

''OY TANGHALI NA!'' sinigaw ko talaga yun. Bigla siyang nanginig at parang gininaw.

Napakunot yung noo ko at hinawakan siya sa braso. Ay pucha paka-inet! Binawi ko agad ang kamay ko. Sa noo ko naman sinubukan, ang inet din mukhang napaso ata ako dun. May lagnat ba siya oh dahil lang yan sa fire magic niya?

Ibinalik ko ulit yung kumot. Lalo pa niya yung siniksik sa kanya. May sakit nga siya!

Nataranta ako. Hindi ako marunong mag-alaga ng may sakit! Panung gagawin ko? Hala. Tama tatawag ako sa iba.

Kinuha ko yung cellphone ni Ad at tiningnan ang contacts niya. Ayun buti nasa pinaka-una, Allyza.
---
Allyza's POV

Bababa na sana ko ng biglang tumunog yung cellphone ko. May tumatawag. Whoo may nakaalala saken! Tinakbo ko agad sa kwarto yung cellphone ko.

Adriel Black calling...

Napakunot ang noo ko. Anu namang naisipan ng lalaking 'to at tumawag? Nagdalawang isip pa ko pero sinagot ko din. Baka importante eh.

''Hello, si Allyza ba to?''

Sino kaya yung nasa kabilang linya? Boses lalaki pero hindi ka-boses ni Kupsy.

''Sino to?''

''Si Henry 'to.''

Weh? Si Henry tatawag sakin? Ows?

''Sinong Henry?''

''Ako to yung kapatid ng boyfriend mong si Adriel. Yung puti yung buhok. Ah anu kasi eh, ang taas kasi ng lagnat ni Ad eh at hindi kn naman kaya na asikasuhin siya. Please, pwede ka bang pumunta dito tapos ikaw mag-aalaga sa kanya? Please?''

Natigilan ako sa sinabi niya. May sakit si Kupsy? At sinabi ba niyang boyfriend ko si Adriel? Hmm. Wala ba silang kasama ni Henry dun? At seriously ako pupunta dun para alagaan siya? Totoo ba 'to? Bakit parang ang lakas naman ata ng kamalasan ko? Pero sige na nga pinagtanggol naman niya ko eh. Pero ako talaga di ba pwedeng sina Jess nalang? Hayaan na nga. At parang tarantang taranta na si Henry.

''Oh sige, san ba ang bahay niyo?''

''Ah, dito sa *toot*. Yung kulay pula yung gate. Katabi ng bahay na may nakataling aso sa harapan na may tusok tusok yung bintana. Abangan kita sa harapan.''

''Okay.'' Sabi ko nalang kahit medyo naguluhan ako sa description niya. May nakataling aso pa daw at may tusok tusok na bintana. Pero basta pulang gate sa *toot*.

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon