Allyza's POV
Nasa isang gubat kami ni Adriel. Maggagabi na. Malapit nang lumubog ang araw.
Kulay pula na ang mga treetops, at beams ng kulay pulang sunrays ang sumisingit sa mga dahon at sanga ng mga puno ang pumuno sa kagubatan.
Tahimik lang kaming naglalakad, nasa likuran lang niya ko. Isang oras mula ng ibaba kami ng dragon sa isang cliff ay puro lakad lang ang ginawa namin, at etong si Adriel na mukhang walang kapaguran eh walang imik na naglalakad habang naghihingalo na 'ko dito.
Muntik na kong matisod sa isang bato, at lalo lang akong nairita. Naupo ako sa isang ugat ng puno at saka tinawag si Adriel.
''Pahinga muna tayo.'' Sabi ko at napahinto siya saka lumingon. Walang kahit anong expression sa mukha.
''We need to find them.'' Sabi niya na kinainis ko.
''I'm tired. Pwede pagpahingahin mo naman ako?'' Asar na sabi ko. Naging cold ang mata niya pero tumango siya saka umupo sa may ugat ng isang puno mga dalawang metro ang layo mula sakinn.
Sinandal ko ang chin ko sa kanang palad at saka nag-isip. Nasan na kaya yung ibang kasama namin?
Ibinaling ko ang tingin ko kay Adriel. Palinga-linga siya sa paligid, alerto sa mga tunog at pinakikiramdamang mabuti ang gubat.
Nag-isip ulit ako at nagpatuloy sa pag-upo--
''Fvck! Allyza!'' Nagulat ako ng makitang tumakbo papalapit sakin si Adriel at hinablot ako. Napatayo ako agad at saka niya ko hinatak para tumakbo.
Doon ko napansin ang makapal na kulay violet na fog na kumakalat sa paligid! Napaka-kapal! Hindi ko alam kung anung meron doon pero alam kong masama iyon dahil ganito nalang si Adriel kung mataranta.
Naramdaman ko ang pagkahiwa ng mga binti ko sa pagtama sa mga tinik at putol na kahoy pero patuloy lang ako sa pagtakbo. Nakita ko ang kumakalat na fog sa harapan ko at agad akong hinatak ni Ad papakanan at saka kami tumakbo.
''Fvck this!'' Singhal niya ng halos kitang kita na ang malaking porsyento ng fog sa paligid!
Sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko habang tumatakbo!
''FVCK!'' Sigaw ni Adriel ng makitang nakapalibot na samin ang fog at napahinto kami saglet. Umikot si Adriel na tila ba takot na makalapit ang kumakapit na fog.
Mabilis itong sumuot sa mga damo at parang kino-corner kami!
Naramdaman ko ulit ang paghatak sakin ni Adriel at may napansin akong maliit na butas na wala pang fog, mga kalahating metro ang luwang.
Huminto muna si Ad at tila bumwelo pero naramdaman kong tinulak niya ko palayo at bago siya sumunod para makalusot sa parteng walang fog.
''Shit!'' Naramdaman kong bulong niya. Napadapa ako sa pwersa ng pagkakatulak niya.
Ng papatayo na ko ay naramdaman kong hinatak niya ulit ako bago kami nagtatakbo papalayo. Hindi ko alam pero punung-puno na ako ng gasgas sa mga halaman, tinik at sanga ng mga punong tumatama sakin!
Ng makarating kami sa isang clearing ay saka lang kami huminto. Tinukod ko ang mga kamay ko sa magkabilang tuhod at ilang minutong lumanghap ng hangin. Parehas kaming tagaktak ang pawis at naghihingalo.
Ng makasagap na ko ng hangin ay--
''BWISIT! Makahatak ka wagas! Halos mabali na yung braso ko!'' Naiirita ko bwiset! Ramdam ko ang panginginig at ang paghapdi ng buong kaliwang braso ko. Hindi ko ito maigalaw ng maayos at alam kong napilay ito ng bahagya. Takte!
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...