Allyza's POV
Kung anu man ang naisip na paraan ni Adriel ay hindi ko alam kung maganda ba ito.
Nasa bunganga kami ng isang kweba na halos dalawang oras niyang ti-nrack. Ang sabi niya ay malakas ang nararamdaman niyang fire power dito sa kweba. Ewan ko kung anung sinasabi niya na fire chuchu.
Pinagmasdan muna namin ang opening ng madilim na kweba.
''Anung nasa loob niyan?'' Tanong ko. Hindi siya sumagot agad, sa halip ay lumingon muna siya sa paligid.
''Dragons.''
O.O Natameme ako sa sinabi niya. All this time pinakikiramdaman niya ang mga fire power ng mga dragon? Para san? Sasakay nanaman kami diyan?
''W-wait. Anung plano mo?'' Natatarantang sabi ko.
''What's inside of this cave is...I'll try to tame the Dragon King.'' Sabi niya na punung puno ng confidence ang boses. Gusto kong hatakin siya palayo ng cave para hindi matuloy ang balak niya.
''N-No! Wala na bang ibang paraan?''
''None. Look, wala na kong lakas para ipagtanggol ka kapag may dumating na anumang panganib. If we ride the Dragon King, walang anumang hayop ang magtatangkang lumapit, at mas mapapabilis ang paglalakbay natin.'' Sabi niya. Napaisip naman ako. Tama naman siya, pero nakakatakot ang sumakay sa mga dragon. At Dragon King? Gusto kong i-figure out ang hitsura niya pero kinikilabutan na ko.
''We have to do this.'' sabi niya. Hindi ako kumibo. Narinig kong bumuntong-hininga siya. ''Don't worry. Kaya ko 'to. I'm a fire wizard, right?''
Eh anu ngayon, hindi mo na nga kayang lumaban eh. Tumango nalang ako.
''Follow me.'' Sabi niya at tumalikod na. Sumunod nalang ako. Sobrang dilim ng kweba at maluwang. Halos isa lang ang daan at wala ng mga labyrinths. Medyo mataas ang ceiling nito.
Nag-eecho ang bawat yabag ng mga paa namin sa lupa. May naririnig akong sound na parang dahan dahang pagpatak ng tubig.
Nilingon ko ulit ang liwanag na nagmumula sa labas ng kweba na pinanggalingan namin. Malayo na iyon kaya wala kong choice but to go further on.
Palinga linga ako sa paligid at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
''Don't be scared.'' Sabi ni Adriel na tila kino-comfort pa ako. Tumango nalang ako.
''This is it.'' Pagkasabi non ni Adriel ay nagulat ako ng may biglang nagliwanag sa magkabilang gilid ko, tila dalawang bilog na apoy na sumindi.
Agad akong kumapit kay Ad at tinuro ang dalawang fireball.
''W-what are t-t-those?'' Nanginginig na tanong ko.
''Dragons. That was their mouth opened.'' Sabi ni Ad. Kinilabutan agad ako. Dragon yan na nakakanganga? Oh my...
''C'mon,'' sabay hatak niya sakin. Gusto kong humiyaw sa gulat ng bawat paglagpas namin ay bigla bigla nalang may sumisindin bolang apoy sa magkabilang gilid. Tila binibigyan kami ng liwanag habang naglalakad kami ni Ad.
Nilingon ko ang likuran at nakita ang pagkakalinya linya ng mga bolang apoy, excactly oppossite with one another, na tila ba liwanag na nagfoform ng aisle.
Maganda, pero ang fact na mga bunganga ng mga dragon yan ang nagbibigay parin ng takot sakin.
''Here we are.'' Huminto si Ad. Dalawang malaking apoy ang sumindi sa tila magkabilang gilid ng isang elevated na lugar.
Nakaramdam ako ng paggalaw sa madilim na parte sa likod ng dalawang malaking apoy na nasa harapan namin.
Gusto ko ulit humiyaw ng dalawang bottle green,slit-pupiled at napakalaking mga mata ang nangibabaw sa kadiliman. Nakakatakot, parang mata ng isang demonyo.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...