Third Person
Maaga pa lang ay isa-isa nang gumising ang mga kasama ni Adriel para agad silang kumilos.
Isa-isa silang bumangon habang nagkukusot ng mata. Rinig na rinig ang mga huni ng mga ibon dahil papasikat na ang araw.
''May nakita akong stream sa di kalayuan. Sumunod kayo sakin.'' Utos ni Ad.
They set out and walked through the forest, Adriel on the lead. Palinga-linga sila sa gubat.
''Oops!'' Muntik ng madapa si Karen pero agad naman siyang inalalayan ni Chris.
'Crunch' 'crunch' 'crunch'. Dinig na dinig ang tunog ng mga tuyong dahon. Maya-maya ay nakarinig sila ng sound ng umaagos na tubig. They walked further and the trees started to thin outt. Lumabas sila sa makakapal na puno at tumambad sa kanila ang isang malawak na stream. Kitang kita ang bundok kung saan nanggagaling ang umaagos na tubig.
''Wow!'' Tumakbo agad si Chris. Sumunod na ang iba. The water's crystal clear! Tiningnan nila ang reflection nila sa tubig.
''Can we drink this?'' Tanung ni Karen habang nakaluhod sa gilid.
''Yep.'' Tipid na sagot ni Adriel. Sumalok sila ng tubig gamit ang kamay at saka uminom na madami.
Pagkatapos uminom ay saka nila hinugasan ang mga mukha at braso nila.
''Dito muna kayo, titingnan ko lang kung san tayo dapat pumunta.'' Malakas na sabi ni Adriel. He walked away quickly.
Tinitigan lang nila ang image ng nakatalikod na si Adriel hanggang sa mawala siya. Papunta siya sa bundok para sa gayon ay malawak ang maabot ng tingin niya at malaman kung san dapat sila tumungo.
He walked silently while his eyes were fixed on the ground. Punong-puno na ang isip niya dahil sabay sabay na pumapasok ang mga idea ng mga bagay sa utak niya, pati ang pag-aalala at pag-iisip ng kapakanan ng mga kasama niya. He was the one responsible for this, kaya kaylangan siya ang mag-protekta sa mga kasama niya at siya dapat ang maghanap ng paraan kung paano sila makaka-alis.
Marami sila na dapat niyang protektahan at medyo nahihirapan na siya. Idagdag pa na dapat limitahan ang paggamit niya ng kapangyarihan niya. What's in him is an evil fire magic. Siya ang holder ng kapangyarihan ng Scorcher Phoenix, ang pinakamalakas na power sa mga fire wizards. Lahat ng abilities gamit ang apoy ay kaya niyang gawin, at siya lang ang may kayang gumawa non. Lahat ng powers ng pinakamalalakas na fire wizards ay under sa kapangyarihan niya.
He can summon burning meteors, yun ang kapangyarihan ng holder ng Flame of Heaven, isa rin sa pinakamalalakas na fire wizards.
He can master all the fire spells, at yon ang power ng Dragon Sorceress.
Kaya niyang gayahin ang power ng Ember Spirit, na nakakapag transform upang maging higanteng gawa sa umaapoy na mga bato.
And lastly, ang kinatatakutang kapangyarihan, ang power of the Firecatcher. The Firecatcher can change his body temperature into a million degrees, enough to burn a whole place in just a second. At ang kakayahang iyon ay kay Adriel nalang nag-eexist dahil tuluyan ng binura ang Firecatcher dahil sa kinatatakutang kapangyarihan nito.
Ang kapangyarihan ng Scorcher Phoenix ay evil. Dahil sa tuwing gagamitin ni Adriel ang fire magic niya ay unti-unting kakainin ng Phoenix ang katawan niya. The Phoenix's power wants a life of it's own, at kapag tuluyan siyang nakain ng Phoenix ay mawawalan siya ng kontrol at maari niya masira ang buong planeta ng EnchantedAcre.
Kahit ganun siya kalakas ay wala pa rin iyon sa kalahati sa kapangyarihan ni Henry, ang legendary Ice Master. Ang kapangyarihan ni Henry ay sobrang lakas na kaya niyang gawing yelo ang buong planeta sa maliit na panahon lang. Wala ding laban ang apoy sa yelo, kahit gano pa kainit. Pero gaya niya, ganun din ang kapangyarihan ni Henry, gusto rin ng sariling buhay. Kaya nanghihina si Henry palagi ay dahil unti-unting kumakalat ang yelo sa katawan niya twing ginagamit niya ito.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasiaA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...