Chapter 14: The Cure

1.8K 45 2
                                    

Allyza's POV

Tiningnan ko lang si Jess habang umiiyak siya sa harapan ng walang malay na si Adriel. Bahagya akong sumulyap sa direksyon ni Henry. Nakatalikod siya, nakatingin sa malayo, at walang kaalam-alam sa nangyayari.

Tiningnan ko si Adriel. Bakit wala manlang epekto sakin na isiping wala na siya? Bakit parang wala lang sakin? Umiling lang ako, hindi ako masayang wala na siya, pero bakit ganun, ako lang ang hindi nalulungkot?

''Hindi ko kaya, sorry.'' Paulit-ulit na sinasabi ni Jess. Patuloy lang si Karen sa paghagod sa likuran ni Jess para patahanin ito.

Masyado nang nabibigatan ang lahat sa sitwasyon namin.

''Hindi mo k-kasalanan.'' Maski si Chris ay naluluha na, lahat sila maliban sakin.

Anytime ay babalik si Henry at makikita niya ang nangyayari, at ngayon pa lang ay natatakot na ko sa magiging reaksyon niya.

Bahagya akong lumapit kay Jess at tiningnan si Adriel.

''Hindi pa siya patay, bumabagal lang ang heartbeat niya dahil sa yelo na napunta sa katawan niya, pero hindi ko siya kayang pagalingin.'' Sabi pa ni Jess na pahikbi-hikbi pa.

Ngayon ko na-realiyze na kaya wala akong pakialam ay dahil malakas ang kutob kong mabubuhay siya. Hindi ko alam kung bakit, pero alam kong hindi siya mamamatay.

Nakita kung paano mag-contract ang dibdib niya, senyales na humihinga pa siya, pero sobrang bagal kesa sa normal.

Lumapit ako ng bahagya at hinawakan ang noo niya, nagulat ako ng makaramdam ng kung ano. Parang may gumagalaw sa katawan ko, parang may electricity, at pinakamalakas iyon sa kamay ko na nakahawak sa noo ni Adriel.

Napatigil kaming lahat ng bahagyang napa-ubo si Adriel at agad akong lumayo. Anung nangyari? Bakit ganun? Anung ginawa ko?

Napatingin lahat sila sakin at napatigil din si Jess. Ilang segundong katahimikan bago ko narinig ang pag-ubo ulit ni Adriel.

Tila natauhan sila at agad na binaling ang tingin kay Adriel.

''Adriel!'' Agad na lumapit si Jess at bahagyang kinabog-kabog ang likuran ni Ad para matigil ito sa pag-ubo.

''Anung *cough* n-nangyari--*cough*?'' Tanung niya at bahagyang umi-straight.

''Ah eh, basta ok ka na.'' Sabi ni Chris na napahawak sa batok niya.

''May nasaktan ba sa inyo? Natalo ko ba yung Troll?'' Sunod-sunod na tanong niya at tiningan kami na parang binibilang kung sino ang wala. Tumapat ang tingin niya sakin, at saka siya bumuntong-hininga.

Tingnan mo siya na nga itong muntik mamatay kami pa inalala, ganyan ba siya ka-over protective?

''Ayos lang kaming lahat.'' Sabi ni Karen.

Tatayo na sana si Adriel pero pinigilan siya ni Jess.

''Wag ka muna tumayo, magpahinga ka muna.'' sabi ni Jess at kumunot naman ang noo ni Adriel.

''Kaya ko.'' Sabi niya at nagtatakang tumingin sa amin.

''Ganito, kami na muna bahala, diyan ka muna. Alam mo kasi, basta diyan ka muna ok?'' sabi ni Jess.

''Hindi pwed--''

''Wag makulet!''

Lalong kumunot ang noo niya ng putulin ni Jess ang sasabihin niya. Saka ito tumango at napahawak sa noo at sumandal ulit sa puno.

Kumilos na sila at nilinis ulit ang camp, saka may sinabi si Ad.

''Jess, pwede bang libutin niyo ni Henry ang forest sa ibaba?''

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon