Chapter 2: Unexplainable

2.4K 75 1
                                    

Third Person

''Golem Destroyed.'' Isang crew ang nagsalita habang nakaharap sa isang malaking hologram monitor.

Napuno ng galit ang kanilang Master habang tinitingnan ang video na nagpapakitang nawasak ng yelo at apoy ang Golem na ginawa ng mga crew.

''It's ok. Gusto ko muna silang pahirapan para sa dulo ay mahihina nalang sila.'' Tumawa sa mala-demonyong tono ang kanilang master.

''Anu po ang susunod master?''

''Hayaan muna natin sila.''

''CN4 Deactivate.'' Utos ng isang crew habang may ginagalaw sa mga hologram devices sa table niya.

''CN4 Deactivation Complete.'' Sagot ng isang crew. Isang malaking hologram ang nasa harapan nila at nakapaikot doon ang mga crew. Iyon ang mapa ng lugar kung san naroon ang mga biktima nil, si Adriel at ang mga kasama niya.

''Magtatagumpay ang plano natin.'' Their master laughed truimphantly.
---
''Mag-eexplain kami.'' Halos hirap na hirap magsalita si Henry dahil sa sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya.

Nakaharap silang dalawa ni Ad sa mga shocked nilang kasama. Lumapit si Jess kay Henry at inalalayan niya ito.

''Guys listen to me,'' lumakad si Ad papalapit sa kanila pero walang kumibo, ''ang nakita niyo. Isa iyong golem monster. Kaming dalawa ni Henry ay hindi tao na kagaya niyo. Mga wizards kami. Isang ice at isang apoy. At andito tayo sa mundo namin.''

Walang umimik. Pilit na nire-reject ng mga utak nila ang nakita at nalaman.

''Nananaginip lang tayo. Diba?'' Parang wala sa sarili si Chris at tulala lang siya.

''No.'' Tipid na sagot ni Ad.

''Yes! This is just a dream. Walang wizards. Walang magic. Walang monster na gawa sa bato.'' Halos pagalit na sabi ni Allyza.

''Makinig muna kayo.'' Umubo si Henry pagkatapos niyang magsalita at hinawakan ni Jess ang likod niya.

''Alam kong mahirap paniwalaan,'' sabi ni Henry, ''pero maski kami ay hindi namin alam kung panu tayo napunta dito. Pero lahat ng nakita niyo ay totoo. Mga wizards kami ni Adriel. Hindi kayo nanaginip.''

''What?! Henry, Adriel! You're not one of us? Hindi kayo mga tao?!'' Galit na sabi ni Gen.

Napayuko si Henry at Adriel. Oo, hindi sila kabilang sa mga normal na tao, at ang iniisip nila ay nagsinungaling ang dalawa.

''Yeah.'' Sabay nilang bulong.

''Tama. Si Henry at Ad ay hindi tao,'' napatingin sila kay Jess, ''at sila ang po-protekta satin hanggat hindi tayo nakakabalik sa mundo.''

''Dapat lang!'' Galit na sabi ni Allyza. ''Dahil kayong dalawa ang may kasalanan kung bakit kami nandito! Kung bakit kami nasa panganib ngayon!'' Nagsimulang tumulo ang mga luha ni Allyza.

Napatahimik silang lahat. Tama ang sinabi ni Allyza. Ng dahil sa dalawa ay kaya nasa piligro ang mga buhay nila ngayon.

''I-I'm sorry.'' Halos pabulong na sabi ni Henry.

Hindi makatingin sa kanila si Adriel. Kasalanan niya. Nadamay pa ang iba ng dahil sa kanya, at naiinis siya sa sarili niya.

''Isa lang ang dapat nating gawin. Yun ay ang magsama-sama at hanapin ang daan pabalik.''

Tumango silang lahat sa sinabi ni Jess. Nagsimula namang umubo ng umubo si Henry at napaluhod siya. Inalalayan siya ni Jess.

''Bakit si Henry?'' tanung ni Kaye.

''Uhm. Si Henry ay isang legendary wizard. Siya ang may kakayahang kumontrol ng yelo. At kapag nasosobrahan ang paggamit niya ng kapangyarihan niya ay kumakalat ang yelo sa loob ng katawan niya. Pwede siyang---mawalan ng kontrol sa sarili.'' Paliwanag ni Jess.

''How d-do you know?'' Gulat na tanong ni Ced. Tumingin sa kanila si Jess.

''Last year ko pa alam. Nang makilala ko siya ay ako ang tumulong sa kanya kung panu mamuhay sa Earth. Aksidente lang na napunta si Henry sa mundo natin non. At napunta na din ako sa mundong 'to kasama siya.'' Paliwanag niya ulit na ikinagulat ng lahat, liban sa kanilang tatlo.

''I-I don't know what to say.'' Napailing si Karen at wala ng kumibo pa.

''Sorry, kung nadamay kayo. Humihingi kami ng tawad. Pasensya na.'' Sabi ni Henry. Itinayo siya ni Jess.

Sa buong pag-uusap ay nakikinig lang si Axel at Oliver. Gulat sila pareho sa nalaman at nakita pero mas pinili nilang wag nalang kumibo.

Wala pa ring imik si Adriel. Hindi niya magawang tingnan si Allyza na kanina pa tahimik na umiiyak. Naiinis si Adriel sa sarili niya dahil alam na ng lahat na nagsinungaling silang dalawa ni Henry at kasalanan nila lahat ito.

''Anu ng gagawin natin?'' Tanung ni Karen.

''Ilalabas namin kayo dito.'' Tahimik na sabi ni Adriel at kumuha siya ng stick at itinusok iyon sa lupa bilang tanda na dito sila unang napunta.

''Let's move.'' Utos niya ng hindi tumitingin sa kanila.

''San tayo pupunta?'' Tanung ni Karen at Gen.

''Find shelter. Sumunod lang kayo.'' Naglakad na sila, nasa unahan si Henry, Jess at Adriel.

Tahimik lang silang naglakad. Halos walang kaulap-ulap ang kalangitan pero malamig ang simoy ng hangin.

''Oh kunin mo 'to.'' Inabot ni Axel kay Gen ang jacket niya ng mapansing nilalamig ito.

''Thank you.'' Kinuha ni Gen ang jacket at saka iyon sinuot.

''I'm Axel.'' pakilala niya kay Gen.

''Gen.'' Sagot naman niya. He was quite handsome, except na medyo ayaw ni Gen ang mga tattoo ni Axel sa kanang braso.

Naglakad lang sila ng sabay-sabay. Nasa likuran lang si Allyza at hindi makapaniwala sa nangyayari. Totoo ang magic, pero ang gumagambala sa isip niya ay yung danger na dulot nito.

Papasok na sila sa isang gubat ng huminto silang lahat.

''Be careful. Walang hihiwalay,'' bilin ni Henry bago sila pumasok sa kagubatan.

Something is waiting for them inside the forest...

The Wizard Of Fire (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon