Jess' POV
''N-nasan tayo?'' Tanung ko sa kanila. Nobody answered, because nobody knows.
Sa unang tingin, ang makikita sa paligid namin ay kulay red na lupa, dry. Mula sa paligid, hanggang sa itaas ay puro lupa. May kisame, maybe we are in a cave?
Pero parang ang lawak, at sa pagkaka-alam ko hindi ganito kataas ang ceiling ng mga kweba dahil sobrang taas, wala pa ang 20 metro sa tantsya ko. Saka kulay pula, hindi ba dapat itim? I'm expecting to see some stalactites, or stalagmites, pero wala.
''I don't know.'' Narinig kong sagot ni Henry.
''I think I know...'' napatingin kami kay Chris na nasa likuran namin. May sinisilip siya sa isang parang maliit na kweba sa likuran.
Agad kaming tumakbo papalapit sa kanya at napansin ko ang pag-echo ng mga yapak namin.
Ng makarating kami doon ay sumilip kami. Isang chamber na parang maliit na kweba, at sa loob non ay malalaking crystal na diyamante!
Nagulat lang kami at matagal na pinagmasdan ang mga nagkikinangang mga crystal, puno ang dingding, ceiling at ang sahig!
''Whoa...'' bulong ni Ced.
''Diamonds!'' Malakas na sabi ni Henry. ''Hindi kaya---''
''Nasa ilalim tayo ng lupa.'' Pagtatapos ko sa sasabihin niya.
---
''Underground. Abovewater. 2 miles from the exit Master.'' Kitang kita sa hologram na mapa ang maliit na dragon na lumilipad na tina-track nila.Nag-zoom in ang lupa sa ilalim ng nililiparan ng dragon at pinakita ang image ng ilang magkakasama, sina Henry at ang iba pa. May isa pang live creature na na-detect ang mga crew na papalapit kina Henry. Ng i-zoom nila ang mapa ay nakita ang gumagalaw na hayop---isang dragon, underground dragon.
Papalapit ng papalapit ang dragon kina Henry.
''Master, isang creature ang na-detect namin, pero hindi namin ito pinadala.'' Tarantang pagsusumbong ng isa sa mga crew.
Tiningnan ng Master nila ang mapa. Isang square na hologram ang nag-pop at ipinakita ang mga details ng dragon.
''Kakaiba ang DNA niya, hindi natin siya ginawa.'' Sabi pa ng isang crew habang ini-scan ang hologram na square gamit ang isang laser.
''It's okay.'' Kalmadong sagot ng Master nila, alam niya kung sino ang dragon na iyon. Si Clenndor--ang shapeshifter...
---
Jess' POVBahagya kaming nagulat ng maramdaman ang pagyanig ng lupa. Huminto kami at nagtinginan ng huminto ito kaagad.
Naramdaman ulit namin iyon, mahina lang. Isa pang pagyanig,at isa pa. Papalakas ng papalakas na parang may higanteng naglalakad papalapit ng papalapit.
All of a sudden a terrible roar echoed and the entire place seems to shake in fear. My body stiffened, pero nagawa kong dahan dahang lingunin ang direksyon na pinanggalingan ng malakas na ungol.
''Oh...'' may narinig akong nagsalita pero hindi ko na pinansin. Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko ng makita kung ano ang nasa harapan namin! A huge, serpent-like dragon! Napakalaki nito! Mahaba ang makaliskis na katawan, may apat na paa, malalaking pakpak, at may mga parang mahahabang balbas sa nguso, kagaya ng mga traditional na chinese dragons! Except na mas nakakatakot--
''RUN!'' Sumigaw si Henry at nagrespond agad ang katawan ko. Mabilis kaming tumakbo papalayo sa dragon! Narinig ko ulit ang malakas na ungol at naramdaman ang paglipad ng dragon para habulin kami!
We cannot outrun this monster! Nakakalipad siya! In any minute baka matusta kami sa isang hinga lang niya ng malakas na apoy! Apoy---nasan na nga pala si Adriel?
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...