Jess' POV
Agad kaming nagtatakbo palayo ng lake, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na patuloy sa pag-angat ng water serpent, dinig ang napakalakas na lagaslas ng tubig na tila ba isang napakalaking waterfall ang nasa likuran namin.
Ilang mga tubig ang umiilansik ang umabot pa sa direksyon namin, at basa na kaming lahat.
Patuloy lang kami sa pagtakbo ng makita kong natisod si Kaye at napaluhod, nagawa pa niyang itukod ang mga kamay niya bago pa tuluyang madapa.
Napahinto kaming lahat. Agad na binalikan ni Cedric si Kaye. The sound of the falling water grew louder, and the serpent stopped rising from the lake.
Napahinto kaming lahat, the serpent's head darted down towards us! Isang nakabibinging lagaslas ng tubig ang narinig namin habang bumubulusok ang napakalaking tubig na ahas papunta samin. Parang isang maliit na tsunami!
Napakabilis ng paggalaw ng tubig at nakita ko kung paanu nagkabuwalan ang mga puno na nadadaanan ng katawan nito. Hanggang sa ilang metro nalang ang layo nito samin at wala paring makakilos.
''Freeze!'' Isang nakabibinging crack ang narinig namin kasabay ng pagharang namin ng braso sa mukha.
Walang nangyari, tumahimik ang paligid. Unti-unti kong ibinaba ang mga braso ko para tingnan ang nangyari, at laking gulat ko nalang ng makitang nagyelo ang serpent ng isang pulgada nalang ang layo nito sa ulunan namin.
Napasalampak ako sa sobrang pagkatakot, at nakita ko si Henry na nakaluhod at naghihingalo habang nakatalikod samin.
''That was close!'' Narinig kong sabi ni Chris.
Tiningala ko ang serpent at unti-unting tinaas ang kamay ko para hawakan ito.
''WAG!'' Nagulat ako ng sigawan ako ni Henry. Too late, my fingers already touched the cold, hard ice. Napahinto kaming lahat, hanggang sa makarinig ako ng unti-unting pagka-crack ng yelo.
Cr-crck-krk-crk-CRK!
Sumabog ang yelo, at nagsimulang lumabas ang tubig sa loob nito.
--
Allyza's POVNatapos kami ni Axle na maglinis at umupo ako sa isang putol na log.
Umalis si Axle at Gen at nagpaalam na may kukuha ng mga dahon sa kalapit na grove. At dahil no-choice eto ulit ako sa tabi ni Adriel, nakatalikod ako sa kanya, wampake, manigas siya diyan. Pinagmasdan ko ang sunset.
''You know, I really hate the sunset.'' Narinig kong sabi niya sa likuran ko.
''Wampake, you know, I really hate you.'' Sabi ko ng hindi lumilingon. Tumawa lang siya ng mahina.
''Because the sunset always reminds me of the truth that nothing can last, everything has to say goodbye.'' Bigla siyang tumahimik, at pati ako. Bakit ba siya ganyan? Nagda-drama ba siya? Corny ha? Walang forever!
''Wag ka ngang magdrama!'' Sabi ko at nilingon siya, at natigilan ako. Nakapikit lang siya at bahagyang nakatingala habang nakasandal sa may puno.
''Allyza, is there something wrong with me?''
Natigilan ako sa tanung niya, anu bang nangyayari sa kanya?
''Yeah.'' Sagot ko.
''What is it?'' Hindi parin siya dumidilat. Bigla naman akong natauhan.
''No, nothing.'' Umiling ako.
''Then, why do they have to leave me?''
Nagulat ako sa sinabi niya, at hindi agad ako nakasagot.
''Answer me, Allyza.'' Dumilat siya at tumingin sakin na parang nakikiusap na sumagot ako sa tanung niya. Napalunok ako ng makita ang mga mata niya, parang nanginginig ang mga reflection doon.
''I don't know.'' Sagot ko. Tiningnan lang niya ko ng matagal. Baliw na ata siya. Nawawala sa sarili. Epekto ba yan ng yelo sa katawan niya? Oh baka naman pinasukan ng tubig sa utak?
''Ikaw Allyza, bakit ka nagagalit sakin?''
Biglang lumakas ang pintig ng puso ko at bigla akong kinabahan. Anu bang nangyayari dito sa lalaking 'to?
''Masama kasi ugali mo! At wag ka na sanang magtaka!'' Kusang lumabas ang mga salita sa bibig ko.
Tiningnan lang ulit niya ko na para bang nag-aantay pa ng ibang sagot, at parang may hinahanap siya sa mga mata ko, bago siya ngumiti ng malungkot.
''I know.''
''Alam naman pala eh, buti naman.'' kusa talagang lumalabas ang mga words sa bibig ko.
''Tatanggapin mo pa ba kung magso-sorry ako sayo?'' Halos pabulong na sabi niya.
''Oo sana, kung hindi lang ako nadamay sa sitwasyon nato ng dahil sayo Adriel.'' Nagsisimula nanamang mangibabaw ang inis ko sa kanya.
''I understand. Pero sana maintindihan mo ko, hindi ko gustong madamay kayo dito. Kung pwede lang sanang ako nalang ang pahirapan nila, wag lang kayo.''
Natigilan ako sa sinabi niya at napatulala sa kanya. I knew that he meant what he had said. Napaka-sincere ng boses niya, at nagi-guilty ako sa mga sinabi ko sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.
''Alam ko naman na kasalanan ko 'to, may karapatan kang sisihin ako, pero nahihirapan din naman ako Allyza, sana maintindihan mo ko, kahit na nagagalit ka. ''
Gusto ko na siyang pahintuin sa pagsasalita, masyado na kong nagi-guilty. Gusto ko ng mag-sorry sa kanya ngayon. Alam kong parte parin niya ay wala sa sarili sa sobrang pagod ng utak at katawan niya, wala siyang tulog mahigit apat na araw na, halos kaunti lang ang kinakain namin, pagod na pagod na siya sa pakikipaglaban at araw araw na paglalakbay at idagdag pa na may yelo siya sa dugo niya. Ngayon ko lang na-realize yung mga effort niya para lang protektahan ang grupo.
''I-I'm--'' hindi ko matuloy ang sasabihin ko at tingin ko ay maiiyak ako anytime.
''Baliw na ata ako.'' Narinig kong sabi niya at saka siya bumuntong hininga at tumawa ng mahina. ''Kung anu-anu na pinagsasabi ko.''
Hindi ako nagsalita. Saka ako nag-iwas ng tingin. Nagulat ako ng magsimula siyang kumanta, mahinang kanta, parang lullaby.
When you cry, I'll wipe your tears
When you're afraid ,I'll be here
To take away all of your fears
When you're lost in the darkness, I'll be your light
I'll be your guide
So don't worry baby, coz I'm always at your side...''Ki-nompose ko ang kantang yan, para kay Kaira. She use to sing it with me, at ako ang maggi-guitar. Tapos pagkayari nun sasabihin niya sakin lahat ng gusto niya, and I would listen to her.''
His voice turned into a whispher. There was a deafening silence, as if everything was afraid to even make a sound, so that he would never be disturbed in his sleep...
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasiA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...