Third Person
''Bakit niyo ko pinatawag master?'' Tanung niya ng makapasok sa madilim na kwarto, malayo sa mga crew at sa mga sandamakmak na hologram devices nila.
Nakatalikod sa kanya ang master niya, may hawak na staff. Halos hindi niya makita ang imahe ng itim na itim na robe nito dahil humahalo ang kulay ng non sa pitch black na kwarto.
''They're near, I want you to kill one of them.'' Sagot ng kanyang master sa garalgal na boses na ume-echo sa madilim na kwarto.
''Master, didn't you told us to bring them to the exit alive?'' Protesta niya sa nakatalikod na nilalang.
''I did, pero kaylangan nating magtanggal, they're too strong.'' Sagot ng kanyang master.
''What? Master, do you fear them?'' Ngumisi siya ng bahagya ng itanung niya iyon.
''I fear nothing, no one.'' Lalong lumakas ang boses ng master niya.
''So why---''
''THAT'S MY COMMAND!''
Nagulat siya ng sumigaw ang master niya, at umilaw ng bahagya ang dulo ng staff nito sensyales ng paglakas ng enerhiya sa katawan nito.
''Yes master, sino ang gusto mong patayin ko?'' Tanung niya ng mabilis, may takot din siya sa master niya. Isang evil Mystic, Dark Sorcerer.
''Kill him, the Ice Master...''
---
Allyza's POVHindi ako makagalaw ng makita ang isang pamilyar na imahe ng lalaking naka-hood at nakayuko.
Hindi siya si Fraire Aragon---ang archer---dahil wala siyang pana at palaso, at mukhang normal na jacket lang ang suot niya, pero alam kong isang madilim na enerhiya ang bumabalot sa kanya.
Eto yung lalaking naka-hood na sumusunod samin ni Jaz sa mall, at eto yung lalaking nakita ko sa bar, at yung nahagip ng picture namin dati.
Masama ang kutob ko, ibig sabihin pala ay isang masamang nilalang ang matagal ng sumusunod? Kinilabutan ako bigla.
Hindi ko makita ang mata niya pero nakita kong ngumiti siya ng nakakatakot. Bigla nalang akong nakaramdam ng panlalamig sa katawan ng makita ko ang mala-demony* niyang ngiti.
''Not now.'' Nag-aalangang sabi ni Henry at dali daling siyang nagpunta sa harapan para harapin ang lalaki.
''Sino ka?!'' Tanung niya. Hindi sumagot ang lalaki. Hindi manlang ito gumalaw.
''Sumagot ka!'' Medyo pagalit na sabi ni Henry. Hindi parin sumagot ang lalaki at ramdam ko ang dahan dahang paghinga ng mga kasama ko at ang malakas na kabog ng dibdib ko sa saglit na katahimikan.
Nawalan na ng pasensya si Henry at nakita ko ang bahagyang pagsu-swirl ng puting usok sa mga braso niya na punung-puno ng mga gasgas at sugat.
''Does he know how to speak?'' Bored na tanong ni Adriel na wala parin sa sarili. Napaka-delikado ng kalagayan niya, dahil hindi niya alam ang mga ginagawa o sinasabi niya sa mga oras na 'to.
''Delikado ang isang 'to.'' Sabi ni Henry sa halip na sagutin ang tanong ni Adriel.
''I guess so.'' Sabi ni Ad at tiningnan ang kanang kamay. Inangat niya iyon sa harapan ng mukha niya at tiningnan tingnan. Bigla nalang iyong nagliyab, at mabilis niyang hinagis ang apoy sa direksyon ng lalaki. Nag-iiwan ng malakas na tunog ang fireball habang mabilis itong bumubulusok papunta sa lalaki.
Hindi gumalaw ang lalaki hanggang sa tumama sa kanya ang fireball at isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa tahimik na gubat.
Wala ako sa sarili habang pinagmamasdan ang makapal na usok na dulot ng pagsabog. Parang may mali, imposibleng hindi umiwas ang lalaki, bakit hindi siya kumilos?
At tila sagot sa tanung ko, nanlaki ang mga mata ko ng mahawi ng hangin ang usok at isang napakalaking bilog na bato ang naroon sa kinatatayuan ng lalaki kanina. Nasan na siya?
''What the--'' gulat na sabi ni Henry.
Mas lalo pa kaming nagulat ng magsimulang umuga ang bato at mabilis na gumulong papunta samin!
Mabilis na pintamaan ni Henry ng yelo ang bato pero bigla nalang itong lumiit, at naging ahas! Mabilis na nagi-slither ang ahas papunta samin at walang makagalaw!
''Bwisit! Isang shapeshifter!'' Inis na sabi ni Henry at mabilis ulit na pinatamaan ng yelo ang ahas, pero malapit na ito samin, bago pa tumama ang yelo sa ahas ay naging isang tigre ito at mabilis na lumundag papunta kay Henry, nagpalayo kami sa kanila.
Nang mahagip ng tigre ang katawan ni Henry ay natumba siya at nagpagulong sila sa lupa habang pilit na pinipigilan ni Henry ang tigre na makagat siya.
Mabilis na tumakbo si Ad na nagliliyab ang mga braso pero bago pa niya maatake ang tigre ay bigla itong lumundag palayo at naging isang ibon.
Lumipad ang ibon paikot kila Henry at pilit nila iyong pinatatamaan, dahilan para matumba ang ilang mga puno.
Nagdive ang ibon at iniwasan ang mga nalalaglag na sanga ng puno habang patuloy ito sa paglipad. Isang malaking puno ang saktong nakahagip sa ibon na natumba dulot ng yelo na pinatama ni Henry.
Nalaglag ang puno at napuno ng makapal na alikabok ang paligid, pero---
''AWOOOO!''
Isang malakas na alulong ang narinig ko, at sa unting pagnipis ng alikabok ay isang silhouette ng higateng werewolf ang nakita ko, yellow-eyed, at litaw ang mahahabang pangil!
Agad na sumugod ang wolf sa dalawa, nag-bend si Henry at hinawakan ang lupa. Kumalat ang yelo sa lupa papunta sa direksyon ng papasugod na wolf, pero bago pa ito makatapak sa yelo ay mabilis itong lumundag.
Maganda ang naisip ni Ad na pinatamaan niya ng fireball ang dibdib ng wolf habang nasa ere pa ito at exposed pa ang belly.
Tinamaan ang wolf at natumba sa lupa na nababalutan ng snow. Tumayo si Henry at nagsimulang umakyat ang snow sa katawan ng wolf.
Pinilit na bumangon ng wolf pero agad na lumapit sina Ad at Henry sa kanya.
Nagsimula ulit magbago ng anyo ang wolf, isang ibon na mahinang lumipad palayo. Aatake na sana ulit sila ng maging isang lalaki ulit anyo ng ibon, nakatalikod at sugatan.
''Nice try.'' Nagsalita ito sa unang pagkakataon bago humarap ng nakatutok sa amin ang isang wand, kita ang mga mata niyang kulay dilaw. Nagulat kaming lahat ng ngumiti siya sa amin.
''Transpiutare!''
Malakas na sigaw nito at nagulat ako ng umilaw ang mga binti ko, umakyat ang liwanag sa katawan ko.
''A-anung--''
Tarantang sabi ko, at bago ko pa maipagpatuloy ang sasabihin ko ay--
*black-out*
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...