I want to dedicate this part to @DinaClores for patiently waiting for my updates!😂😂
------
Isa pang suntok ang tumama sa mukha ni Adriel dahilan ng pagkatumba niya. Malinaw na sa kanya ang lahat, lahat lahat.Kaharap niya ngayon ang Firecatcher. Matagal ng tinanggalan at si-neal ang kapangyarihan nito dahil kinatatakutan ito. Hindi naman alam ng mga Mystics ang tungkol sa pagiging Scorcher Phoenix niya,pero kung nalaman ito ay malamang ay ise-seal din ang kapangyarihan niya.
Pero ang dahil nasa kanya ang ability ng pinakamalalakas na Fladrans ay naging bitag siya ni Norggean para makuha ang kapanyarihan niya at maibalik ang pagiging Firecatcher nito.
Naramdaman niya ang paglapit ni Norggean sa kanya. Pinilit pa rin niyang tumayo pero isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Norggean at tinamaan siya sa mukha.
Napahiga siya sa lupa. Halos wala na siyang malinaw na makita dahil sa tindi ng pinsalang dulot sa kanya ng mga suntok ni Norggean. Ramdam niya ang matinding sakit at pagkirot ng mga sugat niya sa katawan, pero pinilit parin niyang bumangon.
''Ipinangako kong ilalabas ko sila sa impyernong ito, at ipinangako ko na walang mawawala samin!'' Sabi niya kay Norggean na naaaninag niya. Ibinaling niya ang tingin sa mga kasama niyang nakadipa sa mga poste at hirap na hirap na dahil sa pwersang inilagay ni Norggean sa kanila.
''Hahaha, stupid!'' Nakita niya ang papalapit na si Norggean na may dala dalang kutsilyo.
''I'm going to end th--''
Isang arrow ang bumulusok mula sa gilid ni Adriel at tumama sa kaliwang dibdib ni Norggean at tumilapon siya ilang metro ang layo mula kay Ad.
Lumingon siya sa pinggalingan ng arrow. There stood the hooded archer. Si Fraire Aragon, The Wind Hunter. Tumayo si Adriel ng lapitan siya ni Fraire, nagre-react pa ang katawan ni Norggean mula sa poisoned arrow ni Fraire.
''I'm going to fight him.'' Fraire said proudly.
''No! Ako ang pakay niya, at laban ko ito. Thanks for helping but this one is mine!'' sabi ni Adriel. Napa iling nalang si Fraire. Kilala na niya ng matagal si Adriel, oh si Alastor Allereia. Pero hindi na siya natatandaan ni Adriel, dahil grade one sila nagkakilala at naging mag bestfriend. Mahigit 6 years after ay nawala nalang bigla si Adriel, at nabalitaan nalang niyang nagpunta na pala ito sa Earth. (PS: If u haven't read the wizard of ice medyo maguguluhan kayo)
''Pero pakiusap, iligtas mo ang mga kasama ko.'' Pagpapakiusap ni Adriel kay Fraire. Tumingin muna si Fraire sa kanya at napailing, the same stubborn, hard headed, and over protective friend that didn't remember him. Kaya siya kabilang sa mga nasama sa gulong ito, dahil isa rin siya sa mga pinahalagahan ni Adriel noon, pero noon iyon. Palagi silang pasimuno sa kalokohan sa eskwelahan. Alam din niya ang sikreto ni Ad na isa itong anak ng hari, at ito ang holder ng Scorcher Phoenix.
''Help them.'' Pagpapakiusap ulit ni Adriel.
''Yeah, habang tumatalab pa ang poison. Beat him Alastor.'' Tumalikod na si Fraire.
''Why do you keep on calling me Alastor?'' Takang tanong niya dito.
Lumingon ulit si Fraire. Saka ito ngumiti at tinanggal ang hood nito.
''My name is Fraire, but I don't like my name, call me Air for short.'' Tumakbo na si Fraire para iligtas ang mga kasama niya at iniwan siyang tulala.
''My name is Fraire, but I don't like my name, call me Air for short.''
''My name is Fraire, but I don't like my name, call me Air for short.''
Tila paulit ulit iyong nag e-echo sa utak niya bago niya maalala ang isang pangyayaring ilang taon na ang nakalilipas...
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Fire (Completed)
FantasyA gangster, a bad boy, a serious guy, and a powerful fire wizard: these best describe the character of Adriel Grey. Hindi man siya tao, normal ang pamumuhay niya sa Earth, ngunit yon ay bago pa dumating ang problemang kakaharapin niya, at ng mga tao...